Unti-unti na akong nasanay sa trabaho kahit medyo matagal na panahon din ang ginugol ko para sanayin ang sarili ko sa mga iyon. Hindi naman nagsisinungaling si Khun Tan kasi pagbalik ko sa trabaho, hindi naman ako pinagalitan ni Khun Pat. Pero syempre, kailangan ko pa ring magtrabaho ng maigi tulad ng dati.
Nitong mga nakaraan linggo, minsan na lang kaming nakakapag-usap ni Solo, mas bihira pa kumpara dati. Sabi sa akin ni Khun Jay, mas determinado daw ngayon at seryoso si Solo sa parehong trabaho at pag-aaral niya. Mas nagiging seryoso pa siya kumpara kay Khun Tan. Pero kahit na minsan na lang kaming makapag-usap ngayon, hindi naman iyon problema.
Masasabi kong mabuti na kung makapag-usap kami kahit isang beses lang sa isang linggo. Naiisip ko tuloy na may maganda ring epekto na minsan lang kaming nakakapag-usap...
Kasi natuto kaming mas lalong pahalagahan ang oras na magkasama kami.
Makapag-usap man lang kahit lima o sampung minuto, sapat na para mawala lahat ng pagod namin.
"Dalawang araw na lang." Sabi ko sa sarili ko. Pakiramdam ko, sobrang laki ng ngiti ko habang iniisip na umuunti na ang araw ng paghihintay. Day-off namin bukas para makapagpahinga bago umuwi ng Bangkok sa makalawa.
"Hindi mo na kailangang maging masaya ng ganyan." Sabi ni Beer na nakatayo sa tabi ko habang hawak ang isang rolyo ng papel. "Naiirita talaga ako kapag nakakakita ng mga taong in-love."
"Bakit, wala ka bang sa iyo?" Siya naman ang tinukso ko kaya naman dahil sa hiya, ikinaway na lang niya ang kamay niya para itanggi iyon.
"Wala?..."
Napailing na lang ako habang pinagmamasdan ang taong ito na tumatangging dumepende sa iba. Noong First year kami, nasabi niya sa akin isang beses na ang pagkakaroon ng kasintahan, parang pagkakaroon lang din daw ng tali na nakatali sa leeg. Mas gusto niyang maging malaya saka hindi dumedepende sa iba buong buhay niya.
Noong una, sumang-ayon naman ako sa kanya. Pero iyon nga, ang buhay puno ng hindi kasiguraduhan. Hindi natin masasabi kung kailan darating ang sinasabi nilang pagmamahal. Naiintindihan ko lang din naman iyon nang may isang husky na dumating sa buhay ko.
"Malapit na tayo."
Tumingin ako kung saan nakatingin si Beer saka naaninag na ang resort na pupuntahan namin. Masaya akong naging parte ako sa pagbuo ng lugar na iyon hanggang sa puntong iyon kahit na wala na kami rito kapag natapos na iyon buuin pero masaya pa rin kasi sinimulan iyong itayo mula talaga sa wala.
"Siguro kapag bumalik tayo rito, hindi na tayo ganito." Medyo nakaramdam ako ng pagkadismaya kasi sa susunod na pumunta ako rito, siguro hindi na bilang isang empleyado. Pero naniniwala naman akong hindi magbabago at mawawala ang pagkakaibigang namuo sa amin ng ibang mga tao roon.
"Ai'Nong! Iti-treat daw tayo ni Khun Pat ngayon!" Isa sa mga empleyado ang sumigaw sa amin. Pinuntahan naman siya ni Beer saka kinausap.
"Hindi ba dapat pagkatapos pa iyon ng internship natin?" Sinabi naman sa akin dati ni Khun Pat na iti-treat nga daw niya kami pero sa tingin ko, hindi naman iyon ngayon.
"Baka ngayon na niya gusto siguro. Sabi kasi niya, malapit na raw tayong umuwi, eh ayaw naman niyang hindi tayo mai-treat kasama ang buong team." Sabi ni Beer bago lumingon ulit sa mga taong nagtratrabaho. Masaya talaga ako at naging parte kami ng team na ito. Isang magandang karanasan para sa akin ang makapagtrabaho rito.
Masaya kong pinagmasdan ang paligid sa dalampasigan. Gumagaan ang pakiramdam ko noong nagsimula akong magtrabaho sa probinsyang ito. Sa tuwing pumupunta ako rito para magtrabaho sa beach resort, mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung kailan ulit ako magkakaroon ng oagkakataon tulad nito.
BINABASA MO ANG
OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breathe
RomanceThis is an authorized Tagalog translation of OXYGEN novel authored by CHESSHIRE. In this work, I will use the English translation of the novel made by Houzini since I don't know Thai yet and I'm still in the process of learning their language. ...