Dalawang linggo na lang at magsisimula na ang exam week namin. Medyo nasasabik saka masaya ako kasi tapos na rin ang pag-aaral ko, pero kahit na ganoon, kailangan ko pa rin namang umalis para sa internship ko. Isang mahalagang bagay pa, may pagkakataon na ulit kaming magkita ni Mae Yai.
Iniisip ko palang ang mga iyon, sumasaya na agad ako. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa nakaraang apat na taon. Maliban kasi sa sulat na natanggap ko mula kay Mae Yai matagal nang nakararaan, halos wala na akong narinig na balita ulit tungkol sa kanya. Nasabi rin kasi sa akin ni Mae Yai na kung gusto raw niyang magpadala ng sulat, kailangan may pumunta muna sa lugar kung saan siya nakatira. Kaya naman sa apat na taon, tatlong sulat lang ang natanggap ko.
Gusto ko na talagang matapos itong mga exam ko ngayon para madala ko na rin sa kanya ang lahat ng mga napagtagumpayan ko.
"Ai'So! Ang daya mo talaga!"
"Ikaw kaya unang nandaya diyan!"
"Kailan kita dinaya?"
"Sunod-sunod ka nang nananalo!"
"Skill ang tawag doon, hindi pandaraya."
"Mandaraya!"
"Kung magaling ka talaga at tinatawag mo akong mandaraya, piringan mo ako saka tayo maglaro."
"Magandang ideya 'yan."
"Ai'Saaaaat!"
Napailing na lang ako habang pinapanood ang dalawang magkaibigan na naglalaro ng video games. Noong una, maayos pa siyang naglalaro pero nang paulit-ulit na nananalo si Kao, nagsimula nang mairita ang husky ko. Talagang tinatakpan pa niya ang mga mata ni Kao.
"Magaling talaga sa maraming bagay si Khun Kao."
Sumang-ayon ako sa sinabi ni Khun Jay. Talentado talaga si Kao... sa pagkanta, pagtugtog ng mga instrumento, paglalaro ng video games saka nakita ko ring magaling siya sa pag-aaral. Idagdag pa ang mga sports na nilalaro niya.
"Pero sa totoo lang, mukha talagang sakit-sa-ulo ang batang iyan."
"Totoo naman. Talentado nga talaga siya." Sabi ko saka inilapit na kay Khun Jay ang plato ng mansanas na kababalat ko lang. "Pero talagang pinasasakit nga ang mga ulo natin..."
"Tama ka." Tumawa si Khun Jay saka itinulak pabalik sa akin ang plato. "Ibigay mo na lang ito doon sa dalawang batang iyon. Busog naman na ako."
Pagkagising ko kaninang umaga, nakita ko ang bisita namin na dapat magigising ng tanghali pagkatapos mawalan ng malay kagabi pero ngayon ay gising na at nanonood ng cartoons habang nakaupo sa sofa. Mas nauna pa siyang magising kaysa sa akin saka para bang hindi man lang siya tinamaan ng hang-over. Masasabi kong malakas talaga ang batang ito.
Pagkatapos kong magluto, dumating si Khun Jay at kumatok sa pinto. Ang husky ko naman na tanghali na kung gumising, lumabas na rin ng kwarto namin na para bang naamoy ang niluto kong pagkain. Pagkatapos naming kumain ng agahan, itong dalawang magkaibigan na ito, naglaro agad ng video games. Humiwalay ako sa pag-upo sa kanila para makapagbalat ako ng mga prutas at hindi sila maistorbo sa paglalaro saka maganda rin na nagkakausap kami ni Khun Jay paminsan-minsan.
"Guitar, tulungan mo ako saglit." Humingi ng tulong sa akin ang husky kong abala sa paglalaro saka hindi maialis ang tingin sa nilalaro nila. Ang isa niyang kamay, patuloy sa papindot habang ang isa naman ay pinipilit na guluhin ang kaibigan niya.
"Ang hina mo talaga." Sabi ni Kao kaya natigil si Solo.
"Ano?"
"Ito na nga lang, hindi mk pa magawa nang nag-iisa." Sabi ni Kao habang ipinapakita kay Solo na naglalaro lang siya gamit ang isang kamay habang kumukuha naman ng mansanas ang isa pa niyang kamay para kainin iyon. Isang galaw ng kilay niya ang naging hudyat sa husky kong mainitin ang ulo na ipagpatuloy na ang paglalaro nila.
BINABASA MO ANG
OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breathe
Lãng mạnThis is an authorized Tagalog translation of OXYGEN novel authored by CHESSHIRE. In this work, I will use the English translation of the novel made by Houzini since I don't know Thai yet and I'm still in the process of learning their language. ...