Chapter 24 - ออกซิเจน Oxygen

372 14 3
                                    

"Khun Gui!"

Napalingon ako sa lugar na pinagmulan ng boses na iyon saka nakita ang isang lalaking kulay blonde ang buhok na kumakaway mula sa malayo. Ako lang ata ang nakapansin kay Khun Jay na mukhang mas masaya siya ngayon. Siguro dahil sa nawala na rin ang hindi pagkakaintindihan nila ni Solo.

Pero bakit narito siya ngayon sa tapat ng faculty ko?

Sa mga oras na ito, tapos na ang mga klase kaya hindi na nakapagtataka pa na maraming estudyante ang nakatingin ngayon kay Khun Jay. Mabuti na lang at inunahan ko na sa pagbaba ang mga kaibigan ko kasi may trabaho ako ngayon. Kung sila ang mas naunang lumabas sa akin, paniguradong tatanungin na naman nila ako nang tatanungin hanggang sa mahuli na ako sa trabaho.

"Khun Jay, anong ginagawa mo rito?" Pinuntahan ko na ang lalaking naghihintay sa akin saka nginitian siya. Nakaramdam ako ng kakaiba kasi nakasuot lang siya ngayon ng V-neck na t-shirt. Kadalasan kasi, naka-suit siya araw-araw. Noong mga nakaraang araw o sa tuwing nagkikita kami, lagi siyang nakasuot ng suit. Sabi ni Solo sa akin, dahil sa halos araw-araw may pinupuntahang trabaho si Khun Jay, lagi siyang nakasuot ng ganoon. At ngayon naman, ganito ang suot niya kaya mas bumata ang itsura niya.

"Andito ako para makipagkita sa'yo." Sabi sa akin ni Khun Jay. Tumingin siya sa paligid saka ngumiti kaya naman nagblush ang isang grupo ng kababaihan malapit sa amin.

"Libre din naman kasi ako ngayong araw, kaya naglibot-libot muna ako rito saka sabi sa akin ni Khun Chaai, mamaya raw pupunta siya sa birthday party ng senior niya para tumugtog kaya pinakisuyuan na rin akong sabihin sa'yo na pumunta ka na lang sa café at doon mo na lang daw siya hintayin."

"Tutugtog sa labas si Solo mamaya?" Nagulat ako sa sinabi ni Khun Jay habang naglalakad kami. Kadalasan kasi, hindi tunutugtog sa ibang lugar si Solo maliban sa university. Saka hindi niya nabanggit sa akin ang bagay na ito.

"Sabi ni Khun Chaai, sapilitang ipinagawa iyon kay Khun Kao." Sabi ni Khun Jay saka bahagyang natawa. Napangiti rin ako habang naiisip kung paano pinuwersa ang batang iyon ng mga kaibigan niya. "Pilit siyang pinapunta sa birthday party kasi sabi raw, mahuhuli ang ibang mga senior nila. Pero sa tingin ko, pinuwersa talaga siyang magperform kasi wala siyang maibibigay na regalo."

Naintindihan ko naman iyon saka tumango. Minsan ko na ring narinig kay Solo na sa faculty nila, halos wala nang iba pang kayang kumanta maliban kay Kao saka ilang mga senior nila. Kaya naman siguro, itong First year na si Kao ang pinakanta nila kasi praktisado na si Kao. Pagdating naman doon sa usapang regalo, tingin ko parang palusotnna lang iyon ng mga senior niya sa kanya.

"Hindi pa ba sila tapos?"

"Tingin ko, medyo matatagalan ang pag-uusap nila para sa gagawin nila mamayang gabi. May ibang banda rin kasi na taga-labas ang naimbita rin kaya kailangan nilang ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga magpeperform. Mga 7 pm, sila na siguro ang nasa stage noon."

"Kung ganoon, pupunta ka rin ba doon?"

"Pinilit lang akong pumunta ni Khun Chaai kasi gusto raw niyang magpahinga muna ako."

"Mabuti pala kung ganoon." Sa totoo lang, gusto ko sanang sabihin na hindi na niya kailangan pang samahan ang husky ko at magpahinga na lang siya pero nang makita ko ang masaya niyang mukha, naintindihan ko na rin agad... na palusot lang din na sinabi niyang pinilit lang siya. Sa madaling salita, hindi kayang palampasin iyon ni Khun Jay...

Ako din kasi ang madalas kasama ng husky ko kaysa kay Khun Jay.

"Pupunta rin si Khun Jedi. Tingin ko, libre din naman siya ngayon kaya gusto rin muna niyang magtanggal ng stress sa katawan. Isang kotse lang ang gagamitin natin mamaya papunta roon."

OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon