Mabilis rin namang dumating ang araw ng Lunes.
Pagkatapos kong alagaan si Solo mula Biyernes na umabot hanggang sa Linggo, sa wakas at makakatulog na rin ako ng maayos. Linggo ng hapon, hinatid ako ni Solo pauwi sa dorm ko. Mabuti na lang at nakarecover na siya saka mukha nang maayos ang itsura niya. At heto naman ako, okay pa naman, hindi naman nahawa sa sakit niya. Umuwi lang ako nang medyo mukhang pagod kasi hindi ako masyado nakatulog nang ayos...
Pagkatapos kasi ng pangyayaring iyon, nakatulog agad si Solo at iniwan akong nakaupong mag-isa. At sa buong buhay ko, hindi ko man naranasang makaramdam ng ganito na halos gusto ko nang iuntog ang ulo ko sa mesa. At alam ko kung anong klaseng sintomas ito...
Sintomas iyon ng isang taong nakakaramdam ng hiya... at mukhang tumagal ang pakiramdam na iyon hanggang sa hindi na ako nakatulog hanggang umaga.
Kahit na madalas nang magmakaawa si Solo, hindi siya umabot sa ganoong pagkakataon. Pinipilit kong huwag isipin na kung sakaling walang daliri ang nakaharang sa mga oras na iyon, ano kayang mangyayari? At higit sa lahat, tingin ko hindi ako tatanggi kung manyari man.
Kaya ngayon, heto ako't nakaupo at nag-iisip...
Pagkatapos kong umiling ng umiling, tumungo ako. Pero nananatili pa rin sa memorya ko ang mukha ni Solo at mukhang hindi iyon maiaalis. Tingin ko talaga, lumalala na ang kondisyon ko bawat araw...
"Nagkakaganyan ka ngayon... sino naman ang iniisip mo ngayon, Khun Gui?" Isang boses sa harapan ko ang maririnig para inisin ako kaya napatunhay ako. At tulad nga ng inaasahan ko, ang taong umupo sa tapat ko na kanina lang ay bakante ay walang iba kundi si Wine, nakapalumbaba habang pinagmamasdan ako.
"Nasaan 'yung dalawa?..." Hindi ko pinansin ang tanong niya. Sa halip, tinanong ko siya kung nasaan 'yung dalawa pa naming kaibigan na hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita kahit na malapit nang magsimula ang klase.
"Bumili sila ng inumin... ayon oh." Sabi niya sa akin saka tumalikod para tawagin si Noh at Beer para pumunta sa amin.
"Sikat na kayo ahh, ikaw saka 'yung First Year Nong mo." Umupo si Noh sa tabi ko, tumingin ako sa kanya nang may halong pagtataka.
"Itsura mo na naman, mukhang walang kaalam-alam. Hindi mo pa ba nakikita 'yung page?" May pindot si Beer sa phone niya saka ipinakita sa akin.
...
Admin Cute Page:
Isang espiya ang nagbalita sa amin na si P'Gui raw, sumunod kay N'Solo para matapos na ang trabaho nito. Isa pa, siya mismo ang nag-interview. Ang cute talaga nila. Pero sabi pa ng espiya, wala naman nang iba pang masyadong nangyari, gusto lang ding sabihin na totoong sila na nga talaga, sigurado iyon. #SoloGuiP.S. Huwag niyong kalimutang panuorin ang promotional video.
📷Litrato ni Solo sa gilid na anggulo at si Gui naman, nakaupo sa gilod ng camera. Magkaharap sila saka nakangiti sa isa't isa.📷
8.9k likes 3.3k comments 552 shares...
Kinuha ang litrato noog oras na nagpasalamat na si Solo. Base kasi sa naaalala ko, iyon lang ang kaisa-isang pagkakataon na ngumiti siya sa camera at dagdag pa roon, nginitian ko rin siya.
"Oh, ang laki ng ngiti ng kaibigan ko ahh." Nawala ako sa iniisip ko nang tumawa si Noh saka dali-dali kong ibinalik kay Beer ang phone niya.
"Lagi naman akong nakangiti." Sabi ko sa kanya saka napaisip din ako bigla. Totoo naman talaga iyon, lagi naman akong nakangiti kasi ako 'yung tipo ng taong palangiti. Sabi sa akin lagi ni Mae Yai, nakapagpapasaya kasi ng ibang tao ang ngiti ko, maski ako naman naniniwala roon saka masaya rin naman akong ginagawa iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/207472848-288-k400654.jpg)
BINABASA MO ANG
OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breathe
RomansaThis is an authorized Tagalog translation of OXYGEN novel authored by CHESSHIRE. In this work, I will use the English translation of the novel made by Houzini since I don't know Thai yet and I'm still in the process of learning their language. ...