Binatukan ako ni Lors nung nasa condo nya na kami. Eh pano ba naman pagkatapos bitawan ni Mr. Lopez ang mga katagang yon ay umalis na sya. Hindi man lang ako nakapag explain kaya itong si Lors ay galit na galit.
"Paano kung hindi ka matanggap bukas? Anong gagawin natin? Jusko naman Elle. Ang sakit mo sa ulo." Uminom sya ng beer habang ako ay nakatulala. Hindi ko alam anong iisipin ko, si Kier ba o yung galit ni Mr. Lopez.
"Nakita ko siya" natigilan sa pag inom si Lors at tumingin sakin.
"Oo alam ko parehas natin nakita ang boss ko at magiging boss mo sana kung papalarin ka. Sa sobrang sungit non hindi ko alam kung tatanggapin kapa nya." Tumingin ako sa kanya.
"Si Kier, nakita ko sya" binaba ni Lors ang bote ng beer at humarap sa akin.
"Go spill Elle"
Nagbuntong hininga ako habang nakatitig sa kawalan. "Kasama nya si Hazel, may bahay na sila at katulong. Mukhang masaya naman sya nung nawala ako." Nagsimula nanamang bumuhos ang luha ko kasabay ang pagbalik ng lahat ng sakit.
"Ang bilis naman Lors! Parang planado na nya lahat. Nakalipat agad sila dito sa Manila? Talagang malapit pa sakin. Nilayo ko na nga ang sarili ko pero bakit sila patong lumalapit. Ang sakit sakit." Niyakap nya ako at lalo akong naiyak. Hinagod nya ang likod ko.
"Ssshhhh tahan na. Magiging okay rin ang lahat. Iiyak mo lang kase pag sinabi ko namang huwag kanang umiyak hindi moko susundin. Pero sana tulungan mo rin yung sarili mong makaahon. Ayun sila oh, umaandar na habang ikaw naka tigil parin sa nakaraan." May tama naman siya, masakit magsalita si Lors pero siguro ngayon naiintindihan nya yung sakit na nararanasan ko o napagod na rin sya kakasabi sakin ng masasakit na salita dahil balewala lang naman sakin.
"Mahalin mo nalang yung sarili mo, mag focus ka sa career mo. Tulungan mo sila Tita. Sasamahan kitang tuparin yung pangarap mo. Andito lang ako" mabuti nalang at may kabigan akong katuland ni Lors.
Hindi na kami nag inom. Nung mahimasmasan ako ay nilinis na namin yung kalat namin. Akmang papasok na ako sa kwartong binigay sakin ni Lors ng bigla nya akong tawagin. Ilang segundo lang kami nakatitig sa isa't isa bago siya nagsalita. "In able for you to moved on, you need to keep moving forward." Ngumiti siya.
"Thank you Lors. Goodnight!"
Sa gabing yon, nakatitig lang ako sa kisame. Hindi ako makatulog. At hindi ko rin namalayan kung anong oras at paano ako nakatulog. Ang sakit, ang sakit sakit.
Kinabukasan, ako ang nagluto ng umagahan dahil gusto ko ma occupy yung utak ko. Nagluto ako ng bacon and egg then fried rice. Nagtimpla rin ako ng kape. Sabay kami kumain ni Lors.
"Oh ready kana ba mamaya? HR naman ang mag iinterview sayo tsaka hindi naman madalas don si Mr. Dylan, marami silang company kumbaga yang travel agency ang pinaka maliit kaya huwag ka mag alala. Yung kapatid nyang bunso madala ang naandon. Si Mr. Jerald" They call him Dylan. So maliit pa pala yang sa kanila, edi sila na ang mayaman.
"Oo ready na, kung papalarin edi papalarin. Kung malas edi malas. Hanap ibang mapapasukan." Daretso kong sagot habang umiinom ng kape.
After namin kumain si Lors na ang naghugas. Naligo na ako at pinatuyo ang buhok ko sa electricfan. Nag lagay muna ako ng kilay, mascara blush on at lipstick. I love Colourette lip and cheek tint in the shade of ocean. Nude lang yung make up ko, ayoko ng masyadong makapal parang ang bigat sa mukha. Nagsuot ako ng black pencil skirt, heels and white chiffon blouse. I tied my hair para malinis tignan.
"Wooow! Ang ganda parang hindi brokenhearted" tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Dala dala nya na ang bag nya at susi ng kotse sa kamay nya. Inirapan ko lang sya. Ang lakas nya kase talagang mang asar.
![](https://img.wattpad.com/cover/226779793-288-k266461.jpg)
BINABASA MO ANG
Blessing in Disguise (COMPLETED)
Romance[Lopez Brothers Book 1] ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang nabitawan ko sa lalaking nasa harapan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit ang dami kong gustong sabihin na masasakit na salita sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko at huwag...