Wala akong nagawa, tinigil ni Dylan ang trabaho nya para sunduin ako at magpahinga kami. Hindi ko naman alam na seseryosohin nya yon, gusto ko lang namang maglambing. Kaloka tong Boyfriend ko hindi mo pwedeng biruin.
"Kumain kana Love?" Tanong ko sa kanya. Humiga sya sa sofa namin, halatang pagod.
"Hindi pa, umalis agad ako nung nabasa ko ang text mo. May tinapos lang saglit." Plain nyang sagot habang nanonood.
"You want me to cook? Walang ulam Love eh." Tumabi ako sa kanya, hindi siya sumagot at yumakap lang sa akin at ibinaon ang mukha nya dibdib ko.
"Let's just take a nap Love okay? I'm tired." Hinayaan ko lang sya matulog habang sinusuklay ang buhok nya. Halata ang pagod sa mukha nya, hindi naman ako ganong kapagod. Nung malalim na ang tulog nya ay dahan dahan kong inalis ang kamay nya. Napansin kong nakasapatos pa pala siya kya inalis ko iyon.
Nagpalit ako ng pambahay at naisipang ipagluto sya ng Chiken tinola para may sabaw syang nakain pag gising nya. Habang nagluluto ako ay kausap ko sila Mamaz
"Ma kamusta dyan?" Tinapat ko yung camera sakin habang nagluluto ako.
"Okay naman nak. May nag gagawa sa taas eh pinapakain ng Papa mo." Sinimulan na naming ipagawa ang second floor habang mainit pa dahil kapag tag ulan ay mahihirapan kami.
"Baka naman po kilos kayo ng kilos dyan, mainit mahirap na." -Me
"Hindi naman, tinutulungan kami ni Elias at Ella kaso minsan nakaka rindi nag aagawa sa TV ayaw gamitin ang cellphone panonood dahil maliit daw ang screen." Natawa naman ako.
"Sabihin mo Ma ganon din yon, nakaka stress sila yun lang pinag aawayan nila. -Me
"Ayun nga ang sinabi ko. Kami naman ng Papa mo ay nakikinood lang." -Mama
"Kamusta naman ang mga tsismosa dyan Ma? May bago nanaman silang topic." Nagtawanan kami parehas ni Mama.
"Nako yung mga kumare ko nga dito ay nabubwisit na dahil walang ibang ginawa kundi pag usapan ang buhay ng iba. Hinahayaan ko nalang dahil alam naman natin na lahat ng ito ay pinaghirapan mo." Yan ang gusto ko kay Mama, siya ang nagturo sakin na dedmahin ang mga taong walang ibang ginawa kundi ang manghusga, lalo na kung alam mo namang hindi totoo ang sinasabi nila.
"Kaya nga Mama. Pinagluluto ko ng Tinolang Manok si Dylan Ma, tulog siya kakauwi lang namin pagod na pagod sa trabaho."
"Tama iyan Anak, dapat ay marunong kang magluto at mag alaga dahil iyan ang gusto ng mga lalaki. Eh kailan nyo ba balak magpakasal?" Ngumiti ako. Kahit mga parents ni zdylan ay ganun din ang tanong. Hindi naman kami na pe-pressure, mas natutuwa kami dahil hindi sila against sa relasyon namin.
"Pag uusapan papo Ma, mabilis na yun magpayaman muna tayo sa ngayon. Konti nalang Ma natutupad ko na lahat ng pangarap ko para sa inyo." -Me
"Samalat Anak ha? Napakabait mo at proud kami sayo tandaan mo yan." -Mama
"Salamat din po dahil sa inyo kaya ako nandito sa kinatatayuan ko ngayon. I love you Ma, mahal ko kayong lahat."
Tinapos na namin ang tawag dahil baka mag iyakan pa kami. Nung natapos akong magluto ay tinawagan ko muna lahat ng clients ko na may pending documents for Visa processing. Ni remind ko lang lahat sila at kinausap si Mr. Dela Cruz para sa Korea namin next next week.
Mahimbing pa ang tulog ni Dylan, ayoko siyang gisingin kaya nag open muna ako ng social media account ko. Hindi na kasi ako masyadong nakakagamit. Nagchat pala yung dalawa sa gc kaya binuksan ko ito.
BINABASA MO ANG
Blessing in Disguise (COMPLETED)
Romance[Lopez Brothers Book 1] ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang nabitawan ko sa lalaking nasa harapan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit ang dami kong gustong sabihin na masasakit na salita sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko at huwag...