CHAPTER 5

62 4 8
                                    

SA ISANG RESTAURANT kami kumain. Medyo mahal yung presyo pero Dylan insist to order what I want. Nagpasta lang ako dahil feeling ko ay busog pa ako sa kapeng binigay nya kanina. Hindi ko alam anong pakay nya sakin pero hindi ko rin naman maitanggi na isa sya sa dahilan kung bakit nakaka'moved on na ako.

"Ang hirap naman kumain sa labas, halos lahat nalang nakatingin sayo. Feeling ko binabantayan nila bawat galaw natin." Reklamo ko sa knya habang kumakain ng pesto pasta. Natawa naman sya pero mahina lang.

"Kasalanan ko bang pinanganak ako ng ganitong ka gwapo?" Tsss ang yabang talaga.

"Where do you want to go after this?" He asked. Hindi ako na inform na date pala to.

"Bahay matutulog." Natawa nanaman siya, may mali ba sa sinabi ko? Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Easy Elle, hindi pa yan ang plano ko para satin." Binawi ko yung kamay ko dahil nanginig ako sa sinabi nya.

"Kaya siguro ang dami mong babae no, napapaikot mo sila dyan sa salita mo."

"Hey, hindi ako ganyan. Wag mo'ko igaya sa mga lalaki dyan." Sumeryoso naman yung mukha nya. Kapag magkasama kami madalas ko sya nakikitang nakangiti o tumatawa pero kapag nasa office na ay laging seryoso ang mukha.

"Question.. ." -Me

"Go" -Dylan

"Bakit ang sungit mo lagi sa office?" -Me

"Ahhh that. I don't know but whenever I'm with you there's something in me that I accidentally found myself laughing and smiling." Wow binitawan nya lang yong mga salita na yun without even thinking kung anong impact nun sakin. May parang kung anong kakaiba akong naramdaman.

Binalewala ko yun at hindi na nagsalita. Nakatitig lang sya sakin hanggang sa natapos ko yung pagkain ko. Naiilang na ako. Hindi naman tama tong ginagawa namin. Inaya nya pa ako sa isang place, wala masyadong tao. Ganto yung gusto ko, payapa. Maraming ilaw, mahangin, nakaka relax. Naupo kami sa isang bench, ang lapit namin masyado sa isa't isa. Feeling ko may sasabihin sya pero kinakabahan ako kaya inunahan kona siya.

"Ano ba 'to Dylan?" Seryoso kong tanong.

"Anong ano ba 'to?" Nagtataka nyang tanong. Shit baka nag aassume lang ako? Huhu bakit ko ba kase tinanong pa anong susunod kong sasabihin? Umayos ako ng upo.

"Eto, tong treatment mo sakin. Hindi ganito usually ang boss sa employee nya." Nasabi ko ba talaga yon? Gahd. Gusto ko magpalamon sa lupa. Tinignan nya ako at ngumiti.

"Because I don't treat you as a employee Elle" Yung lalim ng mata nanaman nya ang nagpa distract sakin.

"Elle I don't know if you're going to believe me but I think I like you." Swear sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko gusto nitong kumawala.

"P-Paano?" Yan lang ang lumabas sa bibig ko.

"Okay una palang kitang nakita there's something in you hindi ko alam kung ano pero hindi kana mawala sa isip ko. Hindi ko to ginagawa sa ibang babae pero ewan ko bakit sayo nagagawa ko ng walang pag aalinlangan." Nakatitig parin sya, ang sincere ng titig nya. Alam mo yung mahuhulog ka sa lahat ng sasabihin nya? Ganon.

"Dylan hindi pwede." Nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"Why?" Kita ko paring nakatitig lang sya sakin.

"Sira akong tao Dylan. Alam mo yan! Sobrang sirang sira ko. Ayokong madamay kapa at ayokong makasakit ako dahil alm ko kung gaano kasakit ang maloko. Binubuo ko palang yung sarili ko. Galing ako sa sobrang sakit na pangyayari to the point na masira ang buhay ko." Umiiyak na ako this time. Hindi ko alam pero feeling ko kailangan nya rin malaman kung bakit ako ganito. Kung bakit nya ako palagi naaabutang umiiyak at wasak.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon