Habang nag d'drive ako pauwi ay hindi ako mapakali. Sobrang traffic at nakikita kong tawag na ng tawag si Jerald, James, Jess and Lors sa akin. Diko alam ang gagawin ko kaya nung may tumawag ulit ay agad ko itong sinagot para naman hindi na sila mag alala.
"Ate Elle, what happened?" Nag aalalang tanong ni James.
"I'm sure Jess told you already." Sabi ko habang kinakalma ang sarili ko.
"Yeah I mean bakit umabot sa ganon?" Nagtatakang tanong nya.
"Hindi ko alam James, kahit ako nagtataka. Kailangan ko makausap si Dylan, James ayoko ng ganito, ayoko na ng panibagong away." Naiiyak nanaman ako pero pinipigilan ko.
"You want us to go there?" Nag aalalang tanong nya sa akin.
"No, huwag na muna James. Kami muna ang aayos nito. Ipagdasal nyo nalang na maging okay kami kahit alam kong nakakagalit talaga yung nakita nya, pero hindi ko ginusto yon James. Tangina bakit ba nangyari yon?" Diko alam ano nang sinasabi ko sobrang gulong gulo ko na.
"Okay just calm down Ate Elle, talk to Kuya first then tell us anong napag usapan nyo. Andito lang kami basta tumawag ka kagad okay? Take care." Nag okay ako at binaba na ang tawag. Pag dating ko sa bahy andon ang kotse ni Dylan kaya alam kong andito na sya.
Pumasok ako at si Manang ang nakasalubong ko. Ibinaba ko agad ang gamit ko sa sofa.
"Ma'am ano pong nangyayari kay Sir Dylan?" Nag aalalang tanong ni Manang.
"Asan po si Isabelle? And si Dylan?" Mahinang tanon ko sa kanya.
"Si Isabelle po ay pinatulog ko na at sabi ni Sir Dylan ay wag kopong palalabasin. Nasa garden po sya ngayon at nagbasag po kasi sya ng bote ng alak na iniinom nya. Nakakatakot Ma'am puro dugo ang kamay nya pagdating nya dito." Naiiyak na si Manag pero mas nag aalala sya. Hinawakan ko sya sa magkabilang braso
"Ako na po ang bahala dito. Paki akyat napo kay Isabelle at bantayan sya." Tumango si Manang at umakyat na. Dumaretso ako sa garden at nakita ko syang nakatayo umiinom ng alak.
Niyakap ko agad siya mula sa likod, alam kong nagulat sya at biglang napayuko."Kapag ba nag explain ako hahayaan mo ako at makikinig ka?" Mahinang tanong ko sa kanya.
"Para san pa? Nakita na ng dalawan gmata ko Elle. Tigilan mo na ako. Hindi ko lubos akalain na ganon ang gagawin mo sa akin." Kinalas nya yung kamay ko sa pagkakayakap sa kanya at humarap sa akin.
"Hindi yun ang buong kwento. Hindi yun yung buong pangyayari. I was about to push him that time dahil diko naman ginusto yung ginawa nya sa akin tapos bigla kang dumating!" Paliwanag ko sa kanya at humihiling na sana ay pakinggan nya ako.
"Alam mo Elle, ang daming beses ko na kayong naaabutan na magkasama. Lahat yon dinedma ko kase mas kilala kita. Lahat nang yon kinalimutan ko kahit putangina selos na selos na ako." Niyukom nya yung kamao nya.
"Lahat yon kinalimutan ko kasi mas pinapakinggan ko mga rason mo. Na baka oo nagkataon lang na magkasama kayo pag naaabutan ko kayo. Ayoko kasing mag away ulit tayo dahil sa kanya, kaya mas nagtiwala ako sayo kahit ilang beses na akong nagtitimpi." Bigla nalang akong naiyak sa sinabi nya. Hindi ko naman ginusto ang lahat ng iyon.
"Totoo lahat ng dahilan ko sayo Dylan, wala akong ginagawang masama sayo. Kanina nagkausap lang kami, sinabihan ko sya na tigilan nya na yung mga ganong treatment nya sa akin dahil di na ako natutuwa, naiilang na ako to end up na mahal nya pa daw ako." Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil binato nanaman nya yung bote na hawak nya. Sobra akong kinakabahan, iba yung galit nya this time.
BINABASA MO ANG
Blessing in Disguise (COMPLETED)
Romance[Lopez Brothers Book 1] ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang nabitawan ko sa lalaking nasa harapan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit ang dami kong gustong sabihin na masasakit na salita sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko at huwag...