CHAPTER 45

52 4 0
                                    

ONE YEAR LATER.. .

"Anak stop playing look at your dress, it's too dirty na!" Suway ko sa anak ko dahil naglalaro sya ng manok.

Masaya ang buhay namin dito sa Nueva, yung buong isang taon ko ay hindi ko talaga sinayang. Lahat ng pwede kong gawin para tulungan ang sarili ko ay ginawa ko. Nung una, oo napakahirap gusto mo ng sumuko. Gabi gabi hindi ako makatulog, gusto kong umiyak sa lahat ng problema ko  hindi ko magawa, gusto kong maging masaya kasi kasama ko ulit ang pamilya ko hindi ko magawa. Pero kapag nakikita ko si Mama, Papa, Ella, Elias at ang anak ko ay nilalakasaan ko ang loob ko. Nag self evaluate ako, lahat ng mga bagay na makakatulong sakin ay ginawa ko.

"Mommy I will take a bath after this, look they're hungry. I'm just going to feed them." Pinapakain nya tung mga mano, sila Papa naman ay ayaw syang pigilan at tinuturuan pa.

Tinutulungan ko sila Mama sa mga gawaing bahay dito, yung grocery store namin ay napalaki na nila at tumutulong din ako. Kapag wala akong ginagawa ay magluluto ako ng mga pagkain na unique sa panlasa nila. And yes, I have a restaurant already in Manila. Paano ko nagawa? Simple lang, nagsumikap ako. Habang tinutulungan ko ang sarili kong bumalik sa dating ako ay nag aral din ako about business, umattend ako ng mga seminar bago ko napagdesisyunang magtayo ng sarili kong restaurant, two months na syang operating and so far ang gaganda ng feedbacks sa pagkain at madami talagang customers. Tinrained ko rin syempre yung employees ko ang tinuro sa kanila each recipes dahil hindi ako araw araw nasa resto.

"Anak, kain na tayo. Papa ang apo mo ay patigilin mo na." Sabi ni Mama.

"Ako na po ang kukuha kay Isabelle." Si Elias naman ang kumuha sa kanya. Pinaliguan ko muna sya bago kami kumain.

"Mom, when will daddy visit me?" Tanong nya sa akin. Mahirap para kay Isabelle na umalis kami, ang dami nyang katanungan kung bakit kami nandito at palagi jyang hinahanap ang daddy nya. Kapag weekend ay pumupunta sya dito, or kung pumupunta ako sa Manila para asikasuhin ang business ko ay dinadala ko sya sa Mommy ni Dylan , dun sila nagkikita at kukunin ko nalang kapag babalik na kami sa probinsya. Hindi kami nagkikita ni Dylan. Nung mga unang buwan ay pinilit kong hindi siya kitain, sila Mama lang ang humaharap sa kanya, minsan naman ay nasa seminar ako kapag pumupunta sya. Nakkapag usap lang kami sa text or tawag and regarding lang kay Isabelle ang usapanan namin after non? Wala na. As much as possible ay umiwas ako sa social media, nakakausap ko sila Lors, Jess, James and Jerald parang once a month lang para malaman nilang okay lang ako.

Sobrang laking naitulong sakin ng isang taon at ngayon masasabi kong okay na okay na ako sa tulong rin syempre ng sarili ko at mga taong naging dahilan ng pagsusumikap kong maging okay ulit.

"Maybe next week anak, let me decide okay?" Mahinahon na sabi ko sa kanya. Tumango naman sya at bumaba na kami para kumain.

"Isabelle you want chiken?" Tanong ni Ella.

"Or fish Isabelle? Fish is healthier. Ate ano bayan hindi ba nya kaya ang tagalog? Isang taon na akong hirap mag english kay Isabelle." Reklamo ni Elias habang binibigyan ng isda si Isabelle.

"Okay lang yan tignan mo nga ako natutong mag english dahil sa apo ko." Sabi ni naman ni Papa, nagtawanan naman kami.

Masya akong tinititigan sila. Ngayon yung saya ko masasabi kong pure na hindi na sya pilit at kusa ko ng nararamdaman na onti onti akong bumabalik sa dati. Ang laki rin ng tulong nila Mama sa akin. Umuwi ako dito na sobrang walang wala, diko sila makausap, hindi ako masyadong kumakain pero sobrang tiyaga nila sa akin. Never kong narinig sa kanila an glahit anong reklamo, palagi lang nilang sinasabi kapag nagtatanong ang dalawang kapatid ko ay bigyan daw nila ako ng time at hayaan lang ako dahil may tiwala sila sa akin at alam nilang makakaya ko ito. Hanga rin ako sa pasensya nila.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon