CHAPTER 6

59 7 1
                                    

MAAGA AKONG PUMASOK nagpatimpla ako ng coffee kay Shiela dahil busy kami ngayon. Next week ay pasko na at bakasyon na namin.

"Ma'am may problema tayo." Bungad sakin ni Jess pagpasok nya sa office ko.

"Ano yun?" Maging ako ay kinakabahan na rin.

"Si Ms. Aquino galit na galit. May nakausap daw sya dito satin na sinabing hindi na aabot ang release ng visa nya bago magpasko. December 24 ang alis nila at ticketed na ito." Si Ms Aquino ay isa sa pinaka mayamang kliyente namin at marami syang corporate account na nirerefer samin. Though tama naman ang sinabi ng co worker ko kung sino man sya kaya siguro ito ang naging dahilan ng pagkagalit ng matanda. December 20 na ngayon at ang binibigay naming days ng processing ng Schengen Visa is 10 to 15 working days though 3-5 working days ay lumalabas na sya pero nag aadjust kasi kami ng days para makapagpasa ang clients ng documents ng maaga at mahirap na rin na magahol sa oras katulad nalang neto.

"Eh on the way na po kasi si Ms. Aquino, galit na galit kaya gusto kayo makausap." Bakas rin sa kanya ang takot.

"Okay, kumalma ka. Ako na bahala." Paninigurado ko sa kanya at lumabas na sya. Agad kong tinapos muna ang gagawin ko at pumasok si Shiela nilagay ang kape sa table ko at ininom ko ito dahan dahan.

"Okay na Shiela may sasabihin kaba?" Nakatingin kase sya sakin habang iniinom ang kape ko.

"Ma'am hindi po ba kayo nag papalpitate? Base kase sa lagi nyo pong pinapatimpla sakin ay dalawang sachet ng kape sa isang regular mug lang ang gusto nyong timpla. Nag aalala lang ako." Nagihiya nya pang tanong sakin. Tinignan ko ang kape ko at tumawa. Mahilig talaga kasi ako sa kape at gusto kong matapang. Great Taste white or Nescafe Creamy white lang ang iniinom ko dito sa office.

"Okay lang ako Shiela, nakasanayan ko na to besides malakas naman ako mag tubig. Salamat sa pag aalala." Tumango siya at umalis na rin. Nag buntong hininga ako at nagpatuloy sa trabaho ko. Tatanda ako dito sa stress. Jusko.

Lunch time nung saktong dumating si Ms. Aquino, sa office ko siya pinadaretso. Sobrang intimidating talaga ng dating nya pero hindi ko dapat ipahalata na naiintimidate ako sa kanya.

"Hi Ms. Aquino, GoodAfternoon. Maupo po kayo." Naupo naman sya at yung PA nya sa kabilang silya.

"Kumain na po ba kayo?"

"Yes, bago ako pumunta dito. So alam mo na ba ang issue Ms. Noella?" Ang taray talaga. Iniintindi ko nalang dahil matanda na.

"Yes narinig ko nga po. So base po sa kwento is 24 na po ang alis nyo?"

"Yes at biglain ba naman ako ng empleyado nyo na hindi lalabas yung visa ko bago mag 24." Masungit nyang reklamo.

"Matanong ko lang Ma'am bakit late na po pag pprocess nyo ng Visa?" Need ko malaman lahat. Hindi yung mag bbase ako sa iisang side ng kwento.

"Kakauwi ko lang galing Korea business matter kaya ngayon lang ako nakapag ayos."

"Ma'am alam naman po naman natin hindi ba na sana atleast 30 days prior to departure nag aayos na tayo ng visa but since may business travel ka po naiintindihan ko naman. Pasensya natin po sa naisagot ng isa sa empleyado namin pero may point naman po sya kaso hindi nya lang naideliver ng tama. The processing may take 10-15 working days but usually 3-5 working days lumalabas na alam nyo po iyon dahil madalas na kayo sa Europe." Mahinahong pag eexplain ko.

"Yes I know. So anong pwede mong gawin ngayon?" Ang taray talaga. May idea na ako. Tumingin ako sa wrist watch ko 12:15 palang 4pm nag sasarado sa France Embassy Application Center.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon