Kabanata 2

511 32 83
                                    

Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit pa rin sa utak ko ang sinabi sa akin ni Paulo kahapon. Hindi nga yata ako nakatulog dahil sa sinabi niya.

Ang kulit ko naman kasi, sana hindi na lang ako nagtanong edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito, ‘di ba?

Minsan kasi hindi ko talaga mapigilan ‘yong bibig ko na magtanong ng magtanong, sana mahiyain na lang ako at tahimik. Siguro kung gano’n ang ugali ko, hindi ako masasaktan kasi wala akong malalaman.

Gustuhin ko man na hindi muna siya makita ay hindi ko magagawa dahil dito sila natulog magkakaibigan kagabi, tinatapos kasi nila ‘yong bagong laro na binili nila kuya kahapon sa mall.

Sana lang ay tulog pa sila.

Sana ay napuyat sila kakalaro kagabi.

Huminga ako ng malalim at lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung sinasadya ba ng tadhana na magkita kaming dalawa. Noong lumabas kasi ako ng kwarto ay lumabas din si Paulo mula sa kwarto ni kuya.

Hindi.

Hindi.

Hindi.

Naririnig ko ang boses niya sa utak ko noong nakita ko siya.

Ang aga-aga pero nasasaktan ako.

Ang aga-aga pero sinasaktan niya ako.

“Are you okay?”napansin na ni Paulo na tulala ako.

“Inaantok lang ako”my god. White lie.

Nauna akong bumaba sa kanya at dumiretcho sa kusina. Naabutan ko silang lahat na kumakain.

Nagkwekwentuhan sila tungkol sa nilaro nila kagabi, hindi na rin sila umattend ng training ngayong araw kasi tinatamad silang apat. Gumawa na lang sila ng kani-kanila nilang mga dahilan na sinabi nila sa coach nila.

Sabi ni kuya sa coach nila ay masama ang pakiramdam niya.

Sabi naman ni Paulo injured siya.

Si kuya Charles ang dahilan ay may emergency daw sa bahay nila.

Ang pinaka-malala ay sinabi ni kuya Twixx, nasa USA daw siya at next week pa siya babalik.

Kung alam lang ng coach nila na magkakasama sila dito sa bahay.

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa may Garden, gusto ko lang huminga dahil sa mga nangyayari sa paligid ko.

Hindi ko alam kung bakit ang kulit ko.

“Inaway ka na naman ba ni Paulo?”nagulat ako ng biglang magsalita si kuya Twixx sa gilid ko.

Muntik nang mahulog ang cellphone na hawak ko.

“Hindi”

“E bakit ka nakasimangot?”tanong pa niya sa akin.

“Kulang lang ako sa tulog, kuya Twixx”pangalawang pagsisinungaling ko na ‘to ngayong araw.

Hindi naman ako tinuruan ng magulang ko na magsinungaling pero pagdating kay Paulo nagiging sinungaling ako.

“Wala kang maloloko dito, Khallie”he chuckled.

Umiwas ako ng tingin. Hindi pa rin ako aamin.

“There’s a lot of fish in the ocean, Khallie. So, don’t settle for an Ocean Sunfish”he said while tapping my shoulders.

“Ano’ng klaseng isda ba ‘yon?”

“Kung isda si Paulo iyon siya kasi sinasaktan ka niya. Go ask Charles about that fish, for sure lahat ng species ng isda sa mundo alam niya”natatawang sabi niya.

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon