Kabanata 14

364 29 54
                                    

Months passed.

Hindi ko na nakikita si Paulo sa bahay o kahit sa hallway. Hindi na rin ako pumupunta sa Volleyball court para panoorin ang mga training o laro nina kuya at ang mga kaibigan niya.

Sa tatlong buwan na lumipas, kahit anino ni Paulo ay hindi ko nakita. Ang huling pagkikita naming dalawa ay sa milktea shop noon. Naririnig ko na hindi na raw masyadong sumasama si Paulo kay kuya dahil mas lalo siyang nagfocus sa studies niya.

Mas okay na rin na hindi ko siya nakikita.

“You made it!”sabi sa akin ni ate Alyssa.

I shrugged.

“Kasama ‘to sa attendance namin, ano’ng magagawa ko?”tinawanan lang nila ako.

University Week ngayong linggo kaya isang linggo rin kami na walang klase. Kailangan din namin pumasok kasi may mga attendance pa rin daw kahit walang klase. Mas narealize ko na ang dami pala talagang istudyante sa ISU dahil sa U-Week.

“Ano’ng game gustong mong panoorin ngayon?”tanong nila sa akin.

“I don’t know…”sagot ko. Hindi naman kasi ako masyadong mahilig sa mga sports kasi hindi naman ako sporty katulad ni kuya.

“Bukas ba ‘yong library?”tanong ko sa kanila tapos tinignan nila ako ng masama.

“Come-on, Khallie! Let’s enjoy this week! Malay mo makita mo si Ady dito!”hinila nila ako papunta sa may swimming pool kung saan busog na busog ang mga mata ng mga kasama ko.

May biglang nagtakip ng mata ko tapos tumalikod ako at nakita ko nga si Ady. Nakangiti siya sa akin kaya ngumiti ako tapos hinila niya ako palabas ng swimming pool area. Dinala niya ako sa may soccer field kung saan nakita sila kuya na naglalaro ng soccer.

“Pumalo lang naman ng bola ang alam ni kuya, bakit siya naglalaro ng soccer?”

“Hindi sila pwedeng maglaro ng Volleyball kasi varsity sila”sagot ni Ady.

“Ikaw? Ano’ng laro ang sinalihan mo?”tanong ko sa kanya tapos tumingin siya sa akin at ngumiti.

“Wala”

“So, ano’ng gagawin mo buong U-Week?”

“Hahanapin ka”

"Hoy, Ady!”sigaw ni kuya tapos kumaway naman si Ady at binato siya ni kuya ng bola ng soccer.

Mabuti na lang at magaling siyang sumalo ng bola kasi ayoko na namang makakita ng muntik na mawalan ng malay dahil nabato ng bola.

“I guess that I pissed him again…”sabi sa akin ni Ady habang pinaglalaruan niya iyong bola ng soccer na hinagis sa kanya ni kuya.

“Dinner sa bahay bukas, don’t be late”nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni kuya kay Ady.

Akala ko kasi nakalimutan na niya ‘yong sinabi ni daddy sa kanya na gustong makilala ni daddy si Ady. Ngayon pa talaga na nakauwi na si mommy? Hindi talaga magandang idea ‘to. Ang tagal na no’n dapat hindi na counted iyon ngayon.

“Seryoso ba ang kuya mo?”tanong sa akin ni Ady.

“Hindi ka ba naniniwala kay kuya?”binalik ko sa kanya ‘yong tanong at ngumiti siya.

“Kinda weird that he’s nice to me. He’s so mean all the time”he chuckled.

“Si daddy ang nagsesend ng invitation para bukas”hindi makapaniwala si Ady sa sinabi ko pero iyon ang totoo. Si daddy ang may gusto na makilala si Ady as my new friend, dati pa iyon pero ngayon niya lang sinabi kay Ady.

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon