Khallie’s POV
Ilang beses ng binigyan ng bilin ni mommy si daddy tungkol sa amin ni kuya Ryker, sobrang protective kasi ni mommy lalo na’t pagdating sa akin.
Aalis ng bansa si mommy kaya kami nandito sa airport, mayroon kasi siyang business trip sa US. Kasama niya ang mommy ni Paulo na si tita Pauline, magbusiness partners kasi ang dalawa.
“Take care, okay?”sabi ni daddy kay mommy.
Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nasa tamang tao ka.
“Ryker, take care of your sister”paalala ni mommy kay kuya.
Ngumiti siya at niyakap si mommy.“Yes, mom”
“Khallie, makinig ka sa kuya mo”ngumiti ako at tumango.
“I’ll be home soon”nakangiting sabi ni mommy.
Hinatid na siya ni daddy papunta sa entrance ng airport. Sobang mamimiss ko si mommy, isang buwan kasi siyang mawawala. Alam ko na isang buwan lang iyon, pero pakiramdam ko ang isang buwan na iyon ay katumbas ng isang taon.
“Are we going home?”tanong ko kay daddy nang makabalik siya sa sasakyan.
“Meron ka bang gustong bilhin?”napaisip ako sa tinanong sa akin ni daddy at ang unang pumasok sa isip ko ay pizza.
"Ice cream”sabi ni kuya.
“Pizza”sabay kaming nagsalita ni kuya, pero magka-iba ang pagkain na naisip naming dalawa.
“Kami na lang bibili, dad. Pupunta rin daw sa bahay sila Paulo”napangiti ako sa sinabi ni kuya lalo pa’t binaggit niya ang pangalan ni Paulo.
Hindi ko alam kung bakit parang may magic na kapag binanggit mo ang pangalan ng taong gusto mo ay automatic na napapangiti ka na parang baliw.
Hindi ko rin mapaliwanag kung bakit at paano ko nagustuhan si Paulo, siguro isa sa pwedeng rason ay bata pa lang kami ay magkaibigan na kaming dalawa.
“Tuwang-tuwa ka na naman?”umiling ako sa tinanong ni kuya kahit alam ko at ng puso ko na masaya ako dahil makikita ko ulit si Paulo.
Palagi naman kaming nagkikita sa school, pero sobrang suplado niya rin minsan kapag nasa loob kami ng iskwelahan. Parang kapag babatiin ko siya sa hallway ay hindi man lang siya ngingiti sa akin, hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging gano’n.
Pagdating namin sa bahay ay meron nang nakaparada na itim na Lexus RC F sa labas ng bahay namin at alam ko na kotse iyon ni Paulo. Sa tagal naming magkaibigan na dalawa ay alam ko na ang bawat detelye ng buhay niya.
Kung ano ang mga ayaw at paborito niya, at kung ano ang routine niya mula umaga hanggang gabi. Hindi ako stalker, magaling lang akong umobserba ng mga bagay lalo na sa taong na sa paligid ko.
“Hi, Khallie!”bati sa akin ni kuya Twixx, kaibigan ni kuya.
Nakita ko rin si Paulo na busy sa cellphone niya, suplado talaga.
Huwag ang kapatid ko, Twixx”inakbayan ako ni kuya at dinala sa loob ng bahay habang nakasunod naman sa amin ang mga kaibigan niya.
“Ryker, I need to go back to the hospital. Emergency lang”sabi ni daddy. Nagtatrabaho kasi siya sa hospital as a Doctor, that’s why kuya and I are pursing medical path.
“Training tomorrow, 7am”sabi ni kuya Charles sa kanila.
Si kuya Charles ang pinaka-mabait sa kanilang magkakaibigan bukod kay kuya na mabait din naman kaso pasaway lang minsan. Pare-parehas silang Volleyball Player at varsity ng school kaya sobrang sikat nila sa campus, lahat yata ng istudyante ay kilala silang apat.

BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Fiksi Remaja(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...