Kabanata 34

230 30 40
                                    

Khallie,”pagbaba ko ng taxi ay nakita ko si Ady sa labas ng bahay namin.

Nakasandal siya sa kotse niya, pero noong nakita niya ako ay niyakap niya ako ng mahigpit.

“Bakit hindi mo sinasagot ‘yung mga tawag ko? Nagaalala ako sa'yo. Saan ka ba kasi nagpunta?”

“Nalowbat ‘yung phone ko. I’m with Paulo”I don’t want to lie to him.

Pumasok kami sa loob ng bahay, pero wala pa si kuya. Nagugutom ako kaya dumiretcho kami sa may kusina.

“Kasi?”he asked.

“Nasa hospital tita. Car accident. He just need a friend kaya niya ako tinawagan at kaya ko siya pinuntahan doon”

“Ahhh”

I cupped his face and smiled at him.

“You don’t need to get jealous, he’s just a friend”

“I cannot help myself not to get jealous when it comes to Paulo, Khal..."he sighed.

“I love you”I smiled at him, he smiled back.

“I love you too, Khal”he said.

Hindi ako magsasawang iparamdam sa kanya na mahal ko siya. Hindi ako magsasawa na iparamdam sa kanya na hindi siya masasaktan kahit magkaibigan pa rin kaming dalawa ni Paulo.

“I’m starving. Bili tayo ng pagkain?”hinawakan niya ang kamay ko at lumabas kami ng bahay.

Tatawagan ko na lang si kuya kasi alam ko naman na pagkapasok niya ng bahay, ako agad ang hahanapin niya.

“What do you want? Pizza or milktea?”he asked me while driving.

“Both”

We ended up eating at Yellow Cab. Nagorder siya ng pizza para sa aming dalawa tapos bumili rin kami ng Milktea sa Dakasi. I badly want milktea from Macao Imperial Tea, but that thing reminds me of Paulo.

Ayaw ko na balikan ang mga bagay na hindi na naman dapat balikan. I need to start over with Ady, kesa ipagpatuloy ang nakasanayan ko kasama ang maling tao.

“Are you sure that you’re full?”he asked me. Naubos kasi naming dalawa ‘yung inorder niya.

“Yeah”I smiled.

Nakita ko na tumatawag sa cellphone ni Ady si Calum, nakapatong kasi sa lamesa ang phone niya. Agad naman niya itong sinagit.

“I’m with Khallie. Do you really need that right now?”ano kayang pinaguusapan nila magkapatid?

Mukha kasing seryoso.

“Fine… Kukunin ko”binaba ni Ady ang tawag tapos binalik niya sa lamesa ‘yung phone niya.

“Ano’ng sabi niya?”tanong ko.

“Okay lang ba kung kunin natin sa condo ‘yung libro ni Calum?”he asked me.

I nodded. Tara,”

We finished our food then to his condo. Ady owns the unit, pero si Calum ang gumagamit kasi nakita ko iyong iba niyang gamit. Sabi sa akin ni Ady, dito raw pumupunta si Calum kapag kailangan niya mag-aral.

Hindi kasi siya nakakapagfocus kapag nasa paligid niya si Ady, palagi kasi siyang kinukulit at inaasar neto. Minsan hindi ako naniniwala na si Calum ang kinukulit ni Ady. Para kayang si kuya si Calum, nakakabwiset.

“Is this really your unit?”I asked him.

“Bakit?”

“Sobrang ayos, parang babae ang nakatira”I chuckled.

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon