Kabanata 35

241 29 32
                                        

Tapos na ang klase ko ngayong araw pero nandito ako sa library, ginagawa ko kasi ‘yung assignment namin sa major subjects na next week pa ipapasa. Ayaw ko kasi na matatambakan ako ng gagawin lalo pa’t nagbibigay na ng mga quizzes ang ibang minor subjects.

Ayoko naman mapressure sa pag-aaral.

“Wala pa si Ryker?”nauna pang dumating ang mga kaibigan ni kuya kaysa sa kanya na hinahanap daw ako.

“Si Paulo?”I asked them. Nilapag nila ang mga libro na kinuha nila.

“Okay na siya, pero ayaw niya raw muna pumasok”sagot ni kuya Charles na nagbabasa ng Chemistry books. Ang hilig talaga niya mag-aral.

“Nagugutom lang ako mag-aral!”reklamo ni kuya Twixx.

“After neto shoti, let’s eat dumplings”at dumating na nga si kuya at umupo sa tabi ko.

“Saan si poodle? Bakit hindi mo kasama?”tanong sa akin ni kuya.

“May klase pa sila, pero susunod daw siya dito”

“Si Kath hindi mo ba tatanungin kung nasaan?”sabi ni kuya Twixx sa akin tapos naramdaman ko na sinipa siya ni kuya sa ilalim ng lamesa.

“Nasaan?”

Pasimpleng umiling si kuya kay kuya Twixx, pinipigilan na huwag magsalita.

“Girlfriend kaya si Khallie!”mahina pero madiin na sabi ni kuya Twixx..

“Ano bang meron?”tanong ko sa kanila.

“Nagpalipat kasi si Kath sa ibang minor subjects para magkasama sila ni Ady”

Palagi na lang pinaparamdam sa akin ni Katherine na kayang kaya niyang agawin ang boyfriend ko sa akin.

“Kasama naman namin sila sa ibang minor subjects, don't worry, I got you”sabi naman sa akin ni kuya.

“Threat ba si Katherine?”tanong ko sa kanila. Huminga ng malalim si kuya Charles at sinara ang libro.

“If you don’t trust Ady, yes"

“May tiwala naman ako kay Ady, pero kay Katherine… Wala”kung ikukumpara mo kasi ako sa bestfriend ni Ady ay walang-wala ako.

Mas matagal niyang nakasama iyon kaysa sa akin. Mas maganda iyon kaysa sa akin. Wala akong laban sa kanya.

“Ako bahala sa ‘yo, Khallie”nakangiting sabi ni kuya Twixx.

Alam na alam ko ang ibig sabihin ng mga ngiti niyang ganyan.

“Don’t tell me pati si Katherine lalandiin mo?”natatawang sabi ni kuya habang nagbabasa ng Biochemistry na libro.

“Bakit hindi? She’s my type”kuya Twixx chuckled.

“Puro ka landi, mag-aral ka. Hindi kita papakopyahin mamaya”sabi naman ni kuya Charles.

Walang nagawa si kuya Twixx kung ‘di ang mag-aral. Pinagpatuloy ko ang pag-gawa ko ng assignment hanggang sa matapos ko ito. Sakto naman na nagmessage sa akin si Ady, papunta na raw siya dito sa library para sunduin ako.

Sabay kasi kaming pupunta sa party ni ate Camilla mamaya, pupunta rin si kuya kaya ako pinayagan nila daddy.

“Ayan na pala ang poodle mo”napatingin ako ng magsalita si kuya, malayo pa lang si Ady ay nakangiti na siya sa akin.

“Are you going to Camilla’s party later?”tanong ni kuya Charles kay Ady.

Tumango siya. “Of course,”

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon