Kabanata 5

442 32 52
                                        

First day of school na mamaya. Sabay kaming kumain ni kuya ng almusal. Maagang umalis si daddy kaya kami na lang ang naiwan ni kuya dito sa bahay.

Ang lungkot talaga ng bahay kapag wala sina mommy at daddy. Sabay kaming papasok ni kuya kasi parehas lang naman ang iskwelahan naming dalawa ni kuya.

Maaga kaming papasok ngayon kasi may training daw sila ng 7AM, pero 9AM pa ‘yong first class ko.

“I need to go, magpahatid ka na lang sa driver natin.”nanlaki ang mata ko kasi nagmadali si kuyang ubusin ‘yong pagkain sa plato niya.

Sinakbat niya na ‘yong bag niya at nilagay ang pinagkainan sa may lababo.

“Akala ko ba sabay tayo?”pinakita niya ‘yong phone niya.

“Galit na si coach”

“Okay…”umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko ng breakfast.

“See you around! I love you!”sigaw ni kuya tapos narinig ko na sumara na iyong pinto.

Sanay naman akong naiiwan mag-isa. Hindi na ako nagmadali kumain kasi mamaya pa naman ang pasok ko. Kumain lang ako ng kumain habang nagiiscroll ako sa feed ko sa Twitter.

Ang pangit talaga kapag first day of school, parang back to zero ka ulit.

“Ma’am nandyan po si Sir Paulo”muntik na akong masamid ng banggitin ni manang ang pangalan ni Paulo.

“What are you doing here?”I asked him.

“I’ll drive you to school”he answered.

“Bakit?”

“Ano’ng bakit?”binalik niya ‘yong tanong sa akin tapos kumuha siya ng plato at sinabayan ako kumain.

Feel at home masyado, bahay niya ba ‘to? Hindi ba siya muna magpapaalam sa akin kung pwede siyang kumain?

“May training kayo, ‘di ba?”tanong ko sa kanya tapos tumango siya.

“I’m late. So, I decided to go here. Besides, hindi pa ako kumakain ng breakfast”sagot niya.

Hindi ko naman tinatanong kung kumain ka na ng breakfast o hindi. Sa tingin niya ba may pakialam ako kung kumain na siya o hindi? Wow! Kasi hindi pa siya kumakain ng breakfast?

“Bakit hindi ka pa kumain sa inyo ng breakfast?”tanong ko sa kanya.

“Stop questioning me, Khallie…”

“May driver naman kami, sa kanya na lang ako magpapahatid”noong sinabi ko iyon ay tumingin siya sa akin ng masama.

“Nandito na ako, ‘di ba?”sagot niya.

Ayan na naman siya, nagsusungit na naman siya sa akin. Kinagwapo niya ba ang pagsusungit at palagi niyang ginagawa iyon sa akin? Nagtatanong lang naman ako.

Umakyat ako sa kwarto ko at nagsuot ng uniform. May driver naman kasi kami at saka hindi ko naman sinabi na ihatid niya ako, parang kasalanan ko pa kung tatanggihan ko siya.

Minsan nakakainis din si Paulo kasi ang paasa niya, nirereject niya ako tapos lapit siya ng lapit sa akin.

“Let’s go?”bumaba ako dala ang gamit ko at saka tumango. Sumakay ako sa kotse ni Paulo.

Habang papunta kami sa iskwelahan ay tahimik akong nagsesearch ng mga bagay na pwede kong gawin sa vacant ko mamayang hapon. Mayroon kasi akong two hours vacant at ayoko na ipaalam ito kay Paulo kasi alam ko na sasamahan niya lang ako.

Ayoko naman na palagi ko siyang kasama o kaya sina kuya kasi alam ko na kapag nandyan si kuya ay kasama niya rin si Paulo.

“Ano’ng oras uwi mo mamaya?”binasag niya ang katahimik nang magtanong siya sa akin.

“Sasabay ako kay kuya”sagot ko.

“Tinatanong ko kung ano’ng oras, hindi kung sino ang kasabay mo”hindi ko alam kung bakit ganito siya kasungit ngayong araw.

Dinaig pa talaga niya ang babaeng may period.

“Ang sungit…”mahinang sabi ko tapos narinig ko na tumatawa siya.

Moody.

“Hindi ka masasabay ng kuya mo mamaya kasi hangang gabi ang training namin”hindi ko naman tinatanong.

“Papasundo na lang ako sa driver namin”pinapanindigan ko talaga ang pag-iwas ko kay Paulo kasi hindi ko na alam kung paano ako magmumove-on sa lalaking ‘to.

Alam mo iyong gustong-gusto mo magmove-on sa isang tao, pero hindi mo magawa kasi palagi siyang nandyan?

Palagi mo siyang nakikita.

Palagi ka niyang kinakausap.

Palagi ka niyang nilalapitan.

Para bang kahit ano’ng gawin mo na pag-iwas ay nakakonekta siya sa akin.

Parang hindi ka pwedeng mabuhay ng wala siya.

Parang siya ‘yong hangin na kailangan mo araw-araw.

“Sumabay ka na lang sa akin kasi hindi naman ako magtetraining”

Hindi ako makapagsalita.

“Huwag na… Ayoko naman na maistorbo pa kita”sabi ko sa kanya.

Kasi iyon lang naman ang tingin ko na papel ko sa buhay niya.

“Isa ka sa mga priorities ko, Khallie”sagot niya.

How to not fall in love with him again?

“Thanks for the ride”I smiled at him.

“Good luck on your first day”he said.

“Thanks,”

Bumaba ako at nakita ko na inaantay na ako ng kaklase ko dati na si Ali, magkaklase pa rin kasi kami ngayong school year dahil parehas din kami ng course na kinuha.

“Bakit hindi nagtraining si Paulo?”tanong sa akin ni Ali.

“Late na raw kasi siya”sagot niya.

“Kanina pa kaya siya dito sa school. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nawala tapos nagulat na lang ako magkasama na kayong dalawa”hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Ali.

Ayoko naman umasa na hinatid niya talaga ako, pero nakakainis kasi feeling ko ang special ko nanaman sa lalaking ‘yon.

“Kaya pala bigla siyang nawala, sinundo ka niya”hindi pa rin ako makapagsalita sa sinasabi ni Ali sa akin.

“Akala ko ba meron na siyang Rina?”

Alam ko naman na hindi magbabago ang isip niya.

Hindi pa rin ako ng pipiliin niya.

“Sa tingin mo ipagpapalit ni Paulo si Rina sa akin?”I arched my brows while signing the attendance.

She nodded. “Why not?”

“Si Rina iyon, mahirap palitan”

“Masyado kang negative!”kinurot ni Ali ang tagiliran ko.

“Ihahatid niya raw ako pauwi, sasama ba ako?”tanong ko sa kanya tapos tinawan niya ako.

“Kung ako sa ‘yo, sasama ako”natatawang sagot niya.

Malay mo kasi pwede na…”dugtong pa niya.

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon