Kabanata 42

201 29 39
                                    

Dumiretcho ako sa library dahil hindi ko alam kung saan ako tatakbo, dito lang din kasi ang lugar na malapit sa Basketball court. Binagalan ko ang paglalakad para mahabol pa ako ni Ady, pero nakarating ako sa library at wala siya.

Kumuha ako ng madaming libro sa bookshelf kahit hindi ko naman babasahin. Umupo ako sa may dulong upuan dahil ayoko na makita akong umiiyak ng mga tao sa paligid ko.

Alam ni Ady kung nasaan ako.

Alam niya kung saan ako tatakbo.

Alam niya kung saan ako mahahanap, pero bakit wala pa rin siya?

Siguro kasi si Katherine ‘yon, mas uunahin niya ‘yon. At heto na naman ang mga luha sa mga mata ko na hindi ko na napigilan.

“Khallie,”kinuha ni Paulo ‘yung libro na nakaharang sa mukha ko at umupo sa tapat ko.

“You’re not reading, you’re crying”he said, I wiped my tears and smiled at him.

“It’s over, we broke up”

“Milktea? Tara”kinuha niya ‘yung bag ko at nauna siyang lumabas ng library.

Huminga ako ng malalim at sinundan siya papunta sa parking lot, sa kotse niya. Hindi ako nagsalita. Hindi ako kumikibo. Ang sakit pa rin kasi.

Siya ‘yung tao na kaya akong pasayahin. At siya rin ‘yung taong kaya akong paiyakin ng ganito.

Hindi niya man lang ako hinabol.

Hinayaan niya lang talaga akong umalis.

Wala man lang siyang ginawa.

Si Paulo lang ang bumaba para bumili ng milktea naming dalawa, dito na lang daw ako sa kotse kasi namamaga na ‘yung mata ko sa kakaiyak. I’m tired. Ayoko na umiyak. Sino ba naman kasing mag-aakala na kaya rin pala akong saktan ni Ady?

Pagbalik  ni Paulo ay dala na niya ‘yung milktea naming dalawa.

“Palagi ka na lang nandyan kapag kailangan kita”sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya.

“Of course, I’m always here for you”he replied.

Silence.

“Do you wanna go somewhere or you want to stay here?”he asked me.

“I’m tired, I want to go home, Pau”I replied then he just nod his head.

He turned on the radio while I’m drinking. And the storm hits me so hard. Hindi ko alam kung hanggang kailan ba itong storm na ito. Hindi ko rin alam kung makaka-ahon pa ba ako.

I am his everthing, but when Katherine came--- I’m just nothing to him. Pagdating namin sa bahay ay nagaantay sa akin si Ady sa labas ng bahay namin. Seeing him hurts.

“We can still leave if you want to”Paulo said.

Umiling ako.

“It’s better to face the reality than to run from it, ‘di ba?”

“Just call me if you need me”I nodded.

“Thanks for the ride, Pau”ngumiti ako sa kanya at saka ako bumaba ng kotse niya.

Hinintay ko siyang umalis at nakita ko na sinundan din nang tingin ni Ady ang kotse ni Paulo.

“Is that Paulo?”he asked.

Hindi ko siya pinansin at naglakad ako papasok ng gate. Hinawakan niya ang braso ko kaya ako napatigil sa paglalakad.

“You’re so unfair, Khal”he said, I looked at him.

“I’m not”I replied, still holding back my tears.

Kapag nakikita ko si Ady ay naaalala ko lang ‘yung nangyari sa amin kanina.

“Bakit magkasama kayong dalawa?”tanong niya sa akin.

“Sumabay lang ako sa kanya pauwi”umiwas siya ng tingin at umiling.

“We broke up, right?”I said.

“Hindi ako pumayag, Khal. We can still fix this. Don’t leave me”he held my hands and tears fell from my eyes.

“Lalayuan mo na ba siya kapag inayos natin ‘to?”

“Are you asking me to choose?”he asked.

“Are you choosing me over Katherine?”I replied.

“You know that I get jealous when you’re with Paulo, but I didn’t ask you to choose”he didn’t answered the question.

“Kapag si Katherine nagagalit ka. Kapag ako, bawal ako magalit kapag kasama mo si Paulo?”

“I also get jealous when you’re with Katherine, pero pilit kong iniintindi na kailangan ka niya”I said as I wiped my tears.

“Tell me. Ako pa rin ba ‘yung unfair sa ating dalawa, Ady?”I bit my lower lip while my tears are kept on flowing.

“Stop making things worst, Khal… I just want you to understand”

“It sucks to be so understanding but never been understood, Ady”I looked down.

He didn’t say anything.

Feelings are exploding.

This is not me.

This is not Ady.

Hindi kami ganito.

Ayaw ko ng ganito kami.

“Ayokong maniwala sakanila, I trust you. But how can I trust you if you’re always lying to me just to keep her? I know that Katherine’s father died, I understand that she needs you… Pero ang hindi ko maintindihan bakit niyo kailangan pumunta sa hotel?”

“She left her keys inside her unit”he explained.

“Hindi mo sinasagot iyong mga tawag ko. Did you also left your phone?”I asked him.

The silence and finality of everything sits on my chest like a weight. I don’t want to accept the fact that maybe we aren’t meant for each other.

“She was drunk, hinatid ko lang siya doon”he explained.

“Pero sana sinabi mo pa rin, maiintindihan ko naman ‘di ba? Palagi ko nga kayong iniintindi e”I guess that I was wrong from trusting him.

“Nagsasabi ako ng totoo, bakit hindi ka naniniwala?”tanong niya sa akin, pagod na ako.

“Stop. I don’t want to hear any lies from you”

“Sorry…”nagsosorry ba siya dahil ayaw niya akong mawala o nagsosorrry siya kasi nahuli ko na nagsisinungaling siya?

“I cannot let someone continually treat me like a second choice…”I heavily sighed.

He gave me a moment of silence.

Maybe silence says it all. Maybe this silence can save me from hearing things I don’t wanna hear.

“Ayaw mo na talaga?”tanong niya.

Hindi iyon ang hinihintay ko mula sa kanya.

Hinihintay ko ‘yung yakap niya kasi alam niya na ‘yon lang ang bagay na makakapagpagaan ng loob ko.

Hinihintay ko na sabihin niyang mahal niya ako.

Hinihintay kong may gawin siya para hindi ako mawala sa kanya.

“Ady…”huminga siya nang malalim at binalik ang tingin sa akin.

“So, now you’re choosing him over me?”he asked me.

“I’m tired, Ady…”

Tumango siya at sumakay sa loob ng kotse niya.

Hinintay ko lang naman na sabihin niya na ‘wag ko siya sukuan, pero umalis siya.

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon