Khallie’s POV
I woke up with a heavy heart. Akala ko ay ayos na ako, pero bakit ang sakit pa rin? Noong nakita ko siya ay bumalik ang lahat. Iyong sakit at kasama na yata pati nararamdaman ko para sa kanya.
Akala ko hindi ko na siya iiyakan, pero mali pala ako. Ngayon alam ko na hindi pa talaga ako nakakamove-on kay Paulo.
I guess three months was not enough to forget the guy I loved for almost 11 years.
“Hindi ka ba sasabay sa akin pumasok?”tanong sa akin ni kuya dahil naabutan niya pa ako na nakahiga sa kama.
“Magpapahatid na lang ako sa driver natin”
“Sabihan ko na lang si Twixx na daanan ka dito”tumango na lang ako tapos lumabas na siya ng kwarto ko. Inabot ko ‘yong cellphone ko at nakita ko na nagmessage sa akin si Ady.
Adyson Kyle Vasquez: Good morning!
Khallie Kate Fajardo: Hello
Adyson Kyle Vasquez: I’ll see later! Bought something for you
Khallie Kate Fajardo: I’ll see you, Ady.
Bumangon na ako at nagprepare for school. Hindi na ako nagsuot ng uniform kasi washday naman. Habang kumakain ako ng almusal ay dumating na nga si kuya Twixx, hindi pa rin daw siya kumakain ng breakfast kaya sinabi ko sa kanya na sabayan na niya ako.
“How’s life, Khallie?”tanong sa akin ni kuya Twixx.
“I’m good”I smiled. Hindi lang maganda ang pakiramdam ko ngayon dahil sa narinig ko kagabi.
He’s back, but never in my life.
“Feeling better than before?”he asked.
I nodded. “Maybe”
“Bakit hindi ka na naman sigurado?”he chuckled.
“Pwede ko ba tanungin kung nagkikita pa rin kayo ni Paulo?”alam ko naman na hindi siya magsisinungaling sa akin, sana lang.
Sana nga sabihin niya iyong totoo kahit kaibigan niya ‘yong tao.
“Bakit mo tinatanong? Akala ko ba ayaw mo na sa kanya?”
“Just curious”
“He’s doing great in class. Para na siyang si Charles, puro aral kaya uno na lahat ng grades niya. Kaya naman pala niya gawin iyon…”masaya naman ako na nababalitan ko na nag-improve na ‘yong grades niya. Hindi na katulad dati na puro na lang pasang-awa.
“Sila pa rin ba ni Rina?”tanong ko pa.
Masasaktan din naman ako kay itotodo ko na, hindi ko na uunti-untiin dahil alam ko naman mas okay kapag isang bagsakan na lang.
Umiling si kuya Twixx. “They broke up… But I don’t know the exact reason why”
Dapat ba akong matuwa kasi finally nabawasan na ‘yong dahilan ng pag-iyak ko? Hindi na ako masyadong masasaktan kasi wala na palang Rina sa buhay niya.
“Pumapasok pa rin ba siya?”tanong ko pa. Hindi na yata ako nauubusan ng tanong.
“Ang dami mo na namang tanong, Khallie”tinawanan ako ni kuyua Twixx dahil sa pagtatanong ko.
“Sorry. Namimiss ko na kasi siya…”he tapped my shoulders and then smiled.
“Magkikita rin kayo. Hindi ko nga lang alam kung kailan ”
Lumabas na kami kasi kanina pa tumatawag si kuya sa kaibigan niya at kanina pa niya tinatanong kung na saan na raw kami. Para siyang walang tiwala sa kaibigan niya.

BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Novela Juvenil(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...