Sakto lang ang oras ng pagpasok ko ngayong araw dahil pagdating ko sa classroom ay dumating din ang teacher namin para sa first subject.
Introduction pa lang at hindi pa formal lesson, pero ang utak ko ay gusto na kumain ng lunch. Sasabay na lang ako ng kumain ng lunch kay Ali, hindi kasi kami parehas ng schedule nina ate Camilla at ate Alyssa.
Nagbibigay iyong teacher namin ng guidelines, requirements for the subject, what to do and don'ts. Hindi ko alam kung bakit sa sobrang pagkaboring ko ay sinulat ko lahat ng sinasabi niya.
Sa aming magkakaklase ako lang yata ang nagsusulat ng notes. Ganito talaga ako kapag tinatamad, mas lalo akong nagiging masipag.
"Saan ba tayo kakain ng lunch?"tanong ko kay Ali nang matapos ang first subject.
"Khallie, kailangan ko kasing umuwi... Meron kasing emergency sa bahay"
Tumango ako. "Okay. Sasabay na lang ako kay kuya"
Nagmadali siyang naglakad pababa habang ako heto naupo muna sa may bench dahil hindi ko alam kung sino ba ang una kong tatawagan.
Tinawagan ko si kuya, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Tinawagan ko rin ang mga kaibigan ni kuya, pero hindi rin nila sinasagot. I guess that I'm gonna eat with me, myself and I.
Ang lungkot talaga ng buhay ko, hindi na yata ako magiging masaya.
Lumabas ako ng campus at pumunta sa restaurant na malapit dito sa school na palagi namin kinakainan nila kuya. Wala naman masyadong kumakain dito kasi madaming restaurant around ISU (International Science University)
Para nga kaming napapalibutan ng mga restaurants kasi paglabas mo ng school ay puro kainan ang makikita mo. May mga fastfoods, normal restaurants, five-star restaurants at iba pa.
Nanghina ako bigla nang makita ko sina Paulo at Rina na magkatabi at kumakain sa may dulong table. Hindi nila ako nakita, pero ang sakit pala kapag nakita mo na masaya siya sa iba.
Lumabas ako ng restaurant na umiiyak, para akong bata na nawawala.
Ang sakit pala na makita silang dalawa na masaya.
Kung paano ngumiti si Paulo kapag kasama niya si Rina? Hindi ko siya nakitang gano'n kasaya kapag ako ang kasama niya.
Akala ko kaya ko na. Hindi pala talaga.
Naglakad ako papunta sa Mcdonalds, no choice. I wiped my tears. Nag-order ako ng pagkain at sa dulong table rin ako umupo, but this time walang Paulo sa tabi ko.
Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasan na umiyak dahil naaalala ko kung gaano siya kasaya kanina. Para akong tanga. Para akong baliw.
Hindi ko kasi kayang ipaliwanag. Na nasasaktan ako noong may kasama siyang iba, na umiiyak ako kasi nakita ko siya na masaya kay Rina. Na kaya ko pala iyong maramdaman kahit hindi naman naging kaming dalawa.
Bakit palagi na lang akong nasasaktan? Hindi ko alam kung bakit kailangan ko maramdaman ito, hindi na nga magiging kami, sa kanya na mismo nang-galing iyon.
Bakit ba palagi na lang ako ang taya?
Bakit ba palagi na lang akong habol ng habol sa lalaking masaya na nga sa iba?
"Is this seat taken?"may biglang nagpatong ng tray na may pagkain sa table na kinakainan ko.
Umiling ako at pinunasan ang luha sa mga mata ko. Inayos ko rin ang buhok ko at nakita ko na ang dami naming vacant seat sa paligid.
"Ang daming vacant tables"sabi ko sa kanya habang tinatanggal niya ang inorder niyang pagkain sa tray.
"Favorite table ko 'to"nakangiting sagot niya.

BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Teen Fiction(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...