Paulo’s POV
Khallie and I are spending our mini vacation here in Singapore. Hindi naman dapat ako nandito pero noong nalaman ko sasama siya kay tita Stellina papunta dito ay agad akong nagbook ng flight na kaparehas ng flight niya.
Ayoko na mag-isa si Khallie, she’s so fragile and she can’t take care of herself. Noong dumating kami sa Singapore ay sinalubong kami ng driver ni tita Stellina at dinala kami sa hotel kung saan kami magiistay kasama niya.
Maaga pa kaya napagdesisyonan namin ni Khallie na magikot dito sa Singapore and we ended up going to Garden by the Bay. Hindi na bago sa akin ang Singapore dahil palagi kong pinupuntahan dito si Rina noon kapag kailangan niya ako.
She lived here, but I already cut my communication with her. Hindi ko deserve ang babaeng kayang pagsalitaan ng masama si Khallie.
Walang tigil sa pagkuha ng picture si Khallie sa view, kinuha ko ‘yung cellphone ko at palihim siyang pinicturan.Hindi niya naman ito napapansin kasi nakasunod ako sa kanya. I’m still hoping that it’s us, lalo pa ngayon na magkahiwalay na sila ni Ady.
“Khallie,”tinawag ko siya para makita niya ‘yung indoor waterfall dito.
“Hmmm?”lumapit siya sa akin habang busy siya sa pagsesend ng picture kay Ryker.
“Look at the view”tinuro ko kay Khallie ‘yung indoor waterfall and hindi siya makapaniwala sa nakita niya.
“Ang ganda…”sabi niya habang hindi pa rin makapaniwala sa nakita niya.
“Ang ganda talaga”sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Titignan na kita kasi baka hindi ko na ulit ito magawa kapag bumalik ka sa kanya.
Lumingon siya at nagkatinginan kaming dalawa. Umiwas ako ng tingin at nauna na maglakad sa kanya.
“I’m starving, Paulo…”she said, still sending pictures to Ryker.
“Okay, let’s eat somewhere”lumabas kami ng park at naghanap ng pwedeng makainan.
We both ended up eating at Majestic Bay Seafood Restaurant. Alam ko kasi na mahilig sa seafoods si Khallie. We ordered a lot of foods like Steamed fresh prawn dumplings, crispy fish skin with salted egg yolk puree, Duo Seafood platter and crab meat sweet corn soup.
Kung nandito lang si Twixx sigurado ako na puro dumplings lang ang kakainin niya dito, paborito niya kasi iyon.
“Sa tingin mo mauubos natin lahat ng inorder natin?”tanong sa akin ni Khallie.
Ngumiti ako at tumango.
“Magugustuhan mo ‘yung mga pagkain nila dito”
“Paano mo naman nasabi? Dinala mo ba si Rina dito o dinala ka na niya dito?”ang dami talagang tanong ni Khallie, parang hindi siya nauubusan ng tanong sa buhay niya.
“Dito kami kumain ni mommy noon”
Tumango siya. “Ahhh”
“Ikaw lang ‘yung dinala ko dito”sabi ko pa sa kanya.
Huminga siya ng malalim habang hinihintay namin ‘yung order namin.
“Si Ady na naman?”tanong ko sa kanya kasi napapansin ko na natutulala na naman siya.
Ayaw kong nakikita siyang malungkot o nasasaktan. Hindi ko kaya, parang nasasaktan din ako.
“Mas pinili niya si Katherine kesa sa akin”sabi niya sa akin habang nakatingin sa kawalanan.

BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Novela Juvenil(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...