Kabanata 44

217 29 23
                                        

“Khallie, let’s go”si kuya ang nagdala ng gamit ko papunta sa kotse.

"Ingat ka, ha?"bilin sa akin ni kuya bago kami umalis ni mommy.

Habang nasa kotse kami papunta sa airport ay nakasandal ang ulo ko kay mommy, hindi ko pa rin maiwasan na hindi maalala si Ady.

“Mommy?”I can’t hold back my questions. "How can you know if he is the right person?"

“You just know”she replied.

Silence.

“Keep in mind that the one will always feels like home”mommy gave me a tight hug and a huge smile.

Nang makarating kami sa airport ay hinihintay na kami ng secretary niya.

“Nakuha mo ba Khallie ng ticket?”tanong ni mommy sa secretary niya habang binababa ng driver namin ‘yung bag namin.

“Yes, ma’am. Pero next flight pa si Khallie…”nagalit si mommy dahil hindi kami parehas ng flight.

“That’s fine, mom”I said.

“Are you sure?”she asked me, I nodded.

Maybe it’s time to be independent. Baka kailangan ko na masanay na maging masaya at hindi ibang tao ang dahilan. Baka kaya ko naman, hindi ko lang ginagawa.

Pumasok na kami sa loob ng airport at bago siya umalis ay niyakap niya ako ng mahigpit.

“May susundo sa ‘yo na driver paglabas mo ng airport, magkita na lang tayo sa hotel”sabi ni mommy tapos niyakap niya ako ng mahigpit.

Umupo muna ako habang hinihintay ko ang flight ko, habang tinitignan ko ‘yung ticket ko ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi isipin si Ady. I wiped my tears, iniiyakan ko na naman ‘yung taong hinayaan na ako mawala sa buhay niya.

Kinuha ko ‘yung cellphone ko dahil nagmessage sa akin si Paulo, picturan ko raw kung nakikita ko sa harap ko. Kinda weird. Pinicturan ko ‘yung restroom na nasa tapat ko, sineen niya lang at hindi siya nagreply.

“Khallie”may tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Paulo na naglalakad papunta sa akin.

“Ano’ng ginagawa mo dito?”tanong ko sa kanya.

“Ryker said that you’re going to Singapore. So, I booked the same flight”he said.

Naalala ko ‘yung panahon na nasa Singapore si Rina tapos sabi ni Paulo na kapag kailangan siya ni Rina ay magbubook ito ng flight para sa kanya.

Ang sarap pala sa pakiramdam…

“Tara na,”kinuha ni Paulo ‘yung bag ko at hinintay akong tumayo. Kinuha ko ‘yung cellphone ko sa bulsa ko at chineck ‘yung messages ko.

Still no messages from Ady.

I guess that this is the perfect time to let him go.

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon