Kabanata 11

396 32 42
                                        

Kasabay namin ang mga kabigan ni kuya pauwi dahil mukhang tatambay ulit sila sa bahay, but this time hindi namin kasama si Paulo at ate Camilla.

Okay na rin na hindi nila kasama si Paulo. Ang hirap kasi huminga kapag nandyan si Paulo, kahit anong kilos o gawin niya nasasaktan at nasasaktan pa rin ako. Kailan ba kasi dadating iyong araw na hindi na siya? Gusto ko na kasing makalimutan na mahal ko siya.

Pagdating namin sa bahay ay dumiretcho ang mga kaibigan ni kuya sa rooftop kasi doon daw sila maglalaro ng Play Station. Naabutan namin na nandito si daddy kaya tinulungan namin siya ni kuya magluto ng pagkain namin para mamayang hapon.

Nagkwekwento rin si daddy tungkol sa nangyari sa kanya sa hospital, excited na nga akong maging doctor dahil sa mga kinukwento niya.

“Muntik ka na raw masuspend, Ryker?”

“Umawat lang po ako…”sagot ni kuya.

“How’s Paulo? Ano ba ang nangyari?”tanong pa ni daddy.

Tahimik lang ako kasi alam ko na anytime madadamay ako sa usapan. At saka ayoko naman malaman ni daddy na dahil sa akin ay nasuspend si Paulo.

“Gano’n lang po talaga si Paulo kapag naiinis”natatawang sabi ni kuya.

Hindi naman talaga siya gano’n kapag naiinis, kilala ko si Paulo hangga’t kaya niya, hindi siya magsasalita kahit napupuno na siya.

“Khallie, sabi sa akin ni Paulo you have a new friend na varsity din daw?”nakangiting sabi sa akin ni daddy.

Hindi ko kailangan mag-alala at nagsinungaling kasi mabait naman si daddy, unlike mommy. Si mommy kasi kapag nalaman niya na may kaibigan akong lalaki parang kailangan agad niyang ipabackground check bago niya ibigay ‘yong tiwala niya sa taong ‘yon.

At saka pagdating sa lalaki, gusto ni mommy na isang lalaki lang ang palagi kong kasama iyon ay si Paulo.

“Si Ady ‘yon, dad, classmate namin last year. Repeater siya ngayon kasi nagshift ng course”natatawang sabi ni kuya.

"Hindi niya kinaya ang MedTech"dugtong pa niya.

Tuwang-tuwa talaga siya kapag sinisiraan niya si Ady sa harap ko.

“Parang hindi siya bumagsak sa Anatomy last year...”mahinang sabi ko kasi bumagsak si kuya noong first year siya sa subject na iyon tapos galit na galit si mommy sa kanya.

“Na-pressure ako sa moving exam kaya ako bumagsak. Sobrang hirap kaya ng subject na iyon”ang dami talagang palusot ni kuya.

Ang sabihin niya hindi siya nag-aral noon kasi feeling niya kaya ng stock knowledge niya ang moving exam. Sabi pa sa akin ni kuya noon pakiramdam niya raw ay gumagalaw iyong skeletal system na model sa sobrang hilo niya.

“Why don’t you invite him here?”nagulat ako sa sinabi ni Daddy.

“Hindi naman po kami masyadong close”

Hindi naman sa ayaw ko pero masyado ng maliit ang mundo ko kung ipapasok ko pa si Ady sa frame, baka mas lalo lang magkagulo.

Baka mas lalo lang mainis si Paulo at masuspend na naman siya dahil sa akin. Ayoko lang na maging pabigat kay Paulo kasi alam ko na ‘yon lang ang papel ko sa buhay niya.

“Classmate naman siya dati ng kuya mo”sabi pa ni daddy.

Gusto ko na hindi pumayag.

Baka dumating si Paulo.

Baka lalo lang niya pag-initan si Ady kapag nakita niya na nandito siya sa bahay.

Ayoko naman na magsuntukan sila sa harap ko o malaman ko na lang na nagrambulan na ‘yong dalawa. I’m just being neutral, ayokong maging bias lalo pa’t alam ko na may malaking gap sa pagitan nilang dalawa.

“At saka para na rin makilala ko”dugtong pa ni daddy.

Hindi naman kailangan ni daddy makilala si Ady kasi hindi ko naman siya masyadong ka-close at saka hindi naman kami magiging close kasi sasabihan lang ako ni mommy na layuan si Ady kasi dapat kay Paulo lang ako sasama.

Kung alam lang ni mommy na sinasaktan lang ako ni Paulo, baka hindi na niya ako pinipilit na gawin ang bagay na gusto niya.

“Busy po siya, student athelete”at heto ako, patuloy na gumagawa ng paraan para hindi matuloy ang gusto ni daddy.

“Dinner naman, Khallie. Ryker, can you chat him kung kailan pwede?”

Please say you can’t.

Alam ko naman na ayaw niya rin makasama si Ady kaya sana hindi pumayag si kuya. Sana gumawa rin siya ng dahilan para hindi siya magdinner dito.

“Yes, Dad”

Pagkatapos namin magluto ay umakyat kami papunta sa rooftop kung saan nageenjoy ang mga kaibigan ni kuya sa nilalaro nila. Nagdala rin kami ng mga chips at softdrinks.

Hindi ako pinapansin ni kuya, baka galit siya kasi sinabi ko na kaibigan ko si Ady. Alam ko na naman na ayaw niya rin papuntahin dito si Ady, pero ano’ng magagawa ko? Ayoko naman na pati kay daddy ay magsinungaling ako. Hindi niya naman akong pinalaking sinungaling.

“Ayaw mo ba maging kaibigan si Ady?”out of nowhere ay tinanong ‘yon sa akin ni kuya.

Para naman gusto niyang maging close friend ko iyong tao.

“Ayaw mo naman sa kanya, ‘di ba? Atsaka for sure sesermonan ako ni mommy pagbalik niya dito sa malalaman niya”sagot ko.

Tumawa siya. Gustung-gusto talaga niyang pinapagalitan ako ni mommy.

“I know”he said.

“At damay ko doon kasi ‘di ba bilin niya sa ‘yo bago siya umalis---”hindi niya na ako pinatapos sa sinasabi ko at agad siyang sumagot.

“Ryker, take care of your sister”sagot niya.

We both laugh. Parehas na naming miss si mommy. Hindi nga lang namin alam kung okay ba siya doon kasi hindi naman siya nagrereply sa mga chats namin ni kuya.

Baka nakakausap siya ni daddy pero hindi niya lang sinasabi sa amin, impossible naman kasi na hindi sila mag-usap kasi alam namin namin kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.

Sana katulad na lang ni Paulo si daddy, edi sana hindi ako umiiyak at nasasaktan.

“Pero totoo na repeater siya at saka nagshift ng course”he chuckled.

“Hindi mo na sana sinabi ‘yon kasi bumagsak ka rin naman”hindi ko alam kung bakit ganito ako. Kung bakit pinagtatanggol ko si Ady kay kuya, siguro kasi mabait siya sa akin?

“Bakit mo pinagtatanggol?”tinignan ko siya ng masama.

“Kasi mabait siya sa akin?”iyon naman kasi ang dahilan.

Hindi niya naman kasi deserve matamaan ng bola sa ulo dahil lang sa kinausap niya ako.

Tumawa siya. “Pakitang tao niya lang ‘yon, hindi naman talaga siya mabait”

“Bakit mo siya sinisiraan sa akin?”noong tinanong ko iyon kay kuya ay ngumiti siya sa akin.

“Kasi kaibigan ko si Paulo”

Kung alam niya lang kung ilang beses na akong pinaiyak ng kaibigan niya.

Kung alam niya lang na umiyak ako noong nakita ko silang dalawa ni Rina na kumakain sa restaurant.

Kung alam lang niya na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa sinabi niya na hindi raw talaga.

Kung alam lang ni kuya ‘yong nararamdaman ko edi sana hindi niya kakampihan ‘yong kaibigan niya.

Habang pinapanood namin ni kuya ang mga kaibigan niya na maglaro ay biglang may nagnotif sa phone ko. I know that it’s just Ali sending some memes like what she loves to do kaya hindi ko pinansin.

Pero nagsunod-sunod na nagvibrate ang phone ko and I know hindi lang si Ali ang nagmemessage sa akin. Binuksan ko na ‘yong phone ko, nagtaka ako kung bakit biglang nagdirect ito sa Friend Request sa Facebook.

Adyson Kyle Vasquez wants to be your friend.

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon