"Oh my god! Are you okay?"
Nilapitan namin si Ady dahil talagang tumama iyong bola sa ulo niya. Nakita ko na lang siyang nakahiga sa sahig sa sobrang lakas ng tama ng bola sa ulo niya.
"Nananadya ka ba?!"at nagsisimula na nga magkainitan sa loob ng court.
"Hindi ko naman sinasadya! Kasalanan ko ba na kahati namin kayo ng court?"narinig ko ang boses ni Paulo. Mabuti na lang at inawat sila ng mga coach nila.
"Ouch!"Ady groaned.
"Hey, Ady. Okay ka lang?"tanong ko sa kanya, bigla siyang nilapitan ng mga teammates niya.
"Let them handle Ady"hinila na ako ni ate Alyssa palayo kay Ady tapos nilapitan naman ako nina kuya kasama ang mga kaibigan niya.
"Why did you helped him?"Paulo asked me.
"Bakit mo binato?"
"Hindi ko naman sinasadya. Bakit concern ka ba sa kanya?"sabi pa niya.
"Bakit ikaw na bumato hindi?"
"Kinakampihan mo ba siya?"hindi ko na maintindihan ngayon si Paulo.
Kung maka-arte siya parang masama maging concern sa mga tao sa paligid ko.
Bakit ba siya nagagalit? Kasi nilapitan ko si Ady?
Ano naming pakialam niya kung kaibigan ko iyong tao?
"Enough, Paulo. Nakasakit ka"mabuti na lang at inawat na kami ni kuya.
"Well get some ice cream lang"hinila na ako ni ate Alyssa palayo sa kanila.
"Nagseselos ba siya kay Ady?"tanong nila sa akin noong makalayo na kami sa court.
"If I were Paulo, I'd worry about Ryker. Sobra na kasi siya, sobrang self-centered!"I think ate Camilla was right.
"Hindi ka niya gusto tapos aarte siyang ganon kapag may lumalapit sa yo?"hindi ko rin alam kung bakit mas naiinis pa sila kaysa sa akin na may nararamdaman kay Paulo.
Ganon siguro ang mga tunay na kaibigan, mas nauuna pa silang magalit kesa kung sino ang talagang sinaktan.
"Ako dapat yong nagrereklamo, di ba?"tanong ko sa kanila.
"Ang bait mo kasi, Khallie! Kaya kami na lang ang magrereklamo para sa yo"sagot nila.
"Oh no si Delos Reyes!"nakita ni ate Camilla yong prof niya kaya hinila niya yong pamaypay na hawak ni ate Alyssa at tinakpan niya ang mukha niya.
"Ms. Camilla, bakit wala ka sa classroom ko?"tanong sa kanya nang prof niya.
"Im on my way, Maam. Im just late"she said.
"Go back to my classroom!"agad tumakbo si ate Camilla tapos nagtinginan naman kami ni ate Alyssa. Hindi naman namin alam na may klase pa pala si ate Camilla, akala ko uwian na nila.
"Nakakatakot naman iyong prof na yon"sabi ko kay ate Alyssa habang naglalakad kami palabas ng school.
Seryoso pala talaga siya na bibili kami ng ice cream.
"Ganon talaga si Ms. Delos Reyes. Kapag kulang ang istudyante niya, hinahanap niya sa campus"napalunok ako sa sinabi niya sa akin.
Sana next year hindi ko yon maging prof kasi hindi lang siya mukhang masungit, mukha sin siyang na ngangain ng istudyante.
Pumasok kami sa ice cream shop sa gilid ng school. Medyo madami rin ang kumakain dito kasi sikat na sikat ito lalo na sa mga Junior High School. Strawberry Sundae ang inorder ko, iyon kasi ang favorite flavor ko pagdating sa ice cream tapos si ate Alyssa naman ay Coffee Crumble.

BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Teen Fiction(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...