Kinabukasan, dumiretcho akong library para ibalik 'yung hiniram ko na libro. Wala pa naman akong klase kaya dito muna ako tumambay.
Kumuha lang ako ng random na libro, pero binuksan ko 'yung cellphone ko at naalala ko na hindi ko pa pala inaaccept si Ady sa Facebook. Magkaibigan naman kami kaya inaccept ko na siya.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na tignan ang profile picture niya, ang cute niya kahit nakaside-view siya. Ang dami rin likes, sikat kasi varsity. Hindi nagtagal ay bigla niya akong minessage.
Adyson Kyle Vasquez: I can't find you...
Khallie Kate Fajardo: Bakit mo ako hinahanap?
Adyson Kyle Vasquez: Because we're going out for lunch?
Khallie Kate Fajardo: Hindi naman ako tatakas
Adyson Kyle Vasquez: So, where are you? Just curious.
Khallie Kate Fajardo: Library."Sabi na e"paglingon ko ay nakita ko si Ady na nakatayo sa gilid ko.
"Paano mo naman nalaman na nandito ako?"tanong ko sa kanya.
"Hula ko lang"he chuckled.
Inalis ko sa kanya ang tingin ko. "Gutom ka na ba?"
"Sweet! Do you care for me?"he asked and leaned-in. Sinara ko ang libro na hawak ko tapos tumingin sa kanya. Sasagutin ko na sana ang tanong niya pero may biglang nagsalita.
"SHHHHHH!"napalakas yata ang boses ni Ady kaya may studyante sa gilid namin ang nagalit. "Sa labas kayo maglandian, okay?"
Parehas kaming natawa ni Ady kaya niyaya ko na siya na lumabas ng library. Iniwan ko 'yong bag ko sa loob ng classroom kasi nandoon naman 'yung iba naming kaklase, doon sila kumakain ng lunch.
Ang cute lang ni Ady kasi may dala siyang payong, samantalang ako na babae walang payong sa loob ng bag o kahit sa locker. Para siyang si kuya, maarte at ayaw masikatan ng araw.
"Khallie..."
"Why?"I asked Paulo. Humarang kasi siya sa dinadaanan namin ni Ady.
"Where are you going?"he asked.
"Lunch with Ady"
"I thought you're going out with Alyssa and Camilla?"
Ano bang pakialam mo? Iyon ang tanong na gusto kong itanong sa kanya sa mga oras na ito.
Hindi ko na siya maintindihan. Kapag umaasa ako sa kanya pinaparamdam niya sa akin na hindi niya ako kailangan. Tapos ngayon na may kasama akong iba umaarte siya na parang nagseselos siya.
"Change of plans"I faked a smile.
"Alam ba ni Ryker 'to?"ang dami niyang tanong.
"Imemessage ko na lang si kuya"ako na ang sumagot kasi ayoko na magkainitan na naman silang dalawa ni Ady.
"See you around, Pau"
Tahimik akong naglakad hanggang sa makarating kami sa Mcdonalds. Umorder kami ng pagkain at noong magbabayad na kami ay agad inabot ni Ady 'yong credit card niya sa counter. Tiinignan ko siya ng masama pero nginitian niya ako.
Siya na raw ang magbabayad kasi magagalit sa kanya si kuya kapag nalaman niya na ako ang nagbayad ng kinain namin. Hindi ko alam kung naguusap ba silang dalawa, pero alam ko hindi. Ayaw naman kasi ni kuya kay Ady.
"I have a question"he said.
I looked at him.
"Si Paulo ba iyong iniyakan mo dito noon?"tanong niya sa akin tapos ngumiti ako at umiwas ng tingin. Ilang minuto rin ang nakalipas bago ko siya sinagot.
Tumango ako. "Oo..."
"Okay. Hindi ko na tatanungin kung bakit kasi baka umiyak ka ulit. Isipin pa ng mga makakita sa atin pinapaiyak kita"he chuckled. He's nice at cute.
Tumawag sa akin si kuya Twixx and he's asking kung na saan kaming dalawa ni Ady, hindi na ako nagsinungaling kaya sinabi ko kung na saan kaming dalawa.
Ang bilis talaga magreport ni Paulo sa kuya ko.
Habang kumakain kami ni Ady ay kinukwentuhan niya ako kung paano sila nagkakilala ni kuya at totoo nga na classmates sila. Hindi ko na tinanong kung bakit ngayon ay hindi na kasi baka isipin niya na hinuhusgahan ko siya.
"Susunod ba sila dito?"tanong sa akin ni Ady.
"Hindi ko alam. Baka may training sila"
He laughed. "Lunch tomorrow, kapag dumating sila"
"Deal"I smiled. Alam ko naman na hindi 'yon susunod kasi sa mga oras na ito ay alam ko na may klase sila sa Chemistry tapos major pa 'yon kaya hindi siya pwedeng mag-cut.
"Your brother is so protective when it comes to you, especially Ryker's shadows"natutuwa talaga ako kay Ady kapag tinatawag niyang shadows 'yong mga kaibigan ni kuya. Kung alam lang nina kuya Twixx, kuya Charles at Paulo na iyon ang tawag sa kanila ni Ady baka batuhin na naman siya ng bola sa ulo.
"Ady! I've been looking for you everywhere. Nandito ka lang pala"may biglang lumapit sa amin na kaibigan ni Ady. Isang morenong lalaki nasa 6'0 ang height at katulad ni Ady varsity din siya.
"Sorry to ruin your lowkey date"dugtong pa niya tapos ngumiti ako. Hindi naman kasi ito date.
"No, bro. This is Khallie my friend. Khallie this is Adrian, kaibigan ko"inoffer ni Adrian 'yong kamay niya para makipagshake hands pero tinapik ni Ady 'yong kamay niya at tinignan ng masama.
"Oh, sorry! Nice to finally meet you, Khallie"natatawang sabi ni Adrian.
"Yeah,"I said. I'm trying to be nice, pero hindi ako sanay na nakikipagkilala sa ibang tao.
"See you around!"sabi pa niya tapos umalis na rin. Mukhang may lakad yata silang dalawa pero hindi natuloy ng dahil sa akin.
Bakit ba feeling ko napakapabigat ko na tao kahit kanino?
"Meron ba kayong pupuntahan?"tanong ko sa kanya tapos umiling siya.
"Hindi naman mahalaga"
"Pero---"
"Told you. Lunch tomorrow, antay kita sa labas ng classroom niyo"sabi sa akin ni Ady tapos paglingon ko ay naglalakad papunta dito si kuya kasama ng mga kaibigan niya.
"Iba rin pala tama sa 'yo ng bola ni Paulo eh"kuya chuckled.
"Gusto mo isa pa?"tanong ni Paulo kay Ady tapos ngumiti lang naman ito, bakit ba ang bait ni Ady masyado?
"Ang yaman mo pero dito mo lang dinadala 'yong kapatid ko?"sabi naman sa kanya ni kuya.
Patuloy pa rin ang pagngiti ni Ady sa kuya ko.
"Kuya"awat ko sa kanila kasi ayoko na magaway na naman sila nang dahil sa akin. Tama na 'yong nasuspend si Paulo, hindi na kaya ng kunsensya ko kapag lumala pa 'tong away nila ng dahil sa akin.
"I guess you're done eating, tara na?"sabi sa akin ni kuya tapos tumango ako.
"I'll see you around, Ady"
"I will see you tomorrow, Khal"he said while still smiling at me. Damn those smiles.

BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Novela Juvenil(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...