Kabanata 46

209 30 25
                                        

Three weeks passed at ngayon lang namin naisipan ni Paulo na bumalik ng Pilipinas. Inenjoy lang namin ang mga oras na nasa Singapore kami dahil alam namin na pagbalik namin sa Pilipinas ay final exam na.

Totoo pala na makakalimutan mo ‘yung sakit na nararamdaman mo kapag masaya ka, pakiramdam ko nakamove-on na ako kay Ady.

Pakiramdam ko ay okay na ako. Habang inaayos ko ang gamit ko ay may kumatok sa pinto ko.

“Are you done?”Paulo asked me.

“Malapit na”bumalik ako sa kama kung saan nilalagay ko na ‘yung mga damit na nabili ko sa loob ng maleta.

Nakakatuwa isipin na pumunta ako dito sa Singapore na shoulder bag lang ang dala, pero uuwi kami na may dala na akong dalawang maleta.

“Khallie”I looked at him when he called out my name.

“Hmmm?”

“Are you ready to go home?”he asked me.

“Bakit? Gusto mo pa ba magstay dito?”I chuckled, he nodded.

“We need to take our final exam”I said while closing my luggage.

Silence.

“Why do you want to stay here?’I asked him, hindi pa rin ako nagbabago, sobrang matanong ko pa rin sa mga bagay-bagay.

“Because of you”he replied, I looked at him and I smiled.

“But we’re friends, right?”

Ang sakit lang na hanggang doon lang tayo”

“Paulo…”I held his hands and looked straight to his eyes.

He asked me a question. “Khallie, hindi ba talaga pwedeng maging tayo?”

I answered. “Hindi”

He still smiled even I rejected him again. I know it hurts, but I don’t want to lie to him.

Naranasan ko magsinungaling sa akin ang taong gusto ko, bakit ko gagawin iyon sa iba kung alam ko kung gaano iyon kasakit?

“Tara na baka malate tayo sa flight natin”I smiled at him then I took my baggage with me.

Nakasunod lang sa akin si Paulo habang bitbit niya ang mga gamit niya at iyong isa kong maleta. This silence is killing me.

“Pau…”I looked at him while we’re waiting for the elevator.

He looked back and arched his brows. “Why?”

“Thank you for staying”I said then he put his arm around my waist.

“Anything for you, Khallie”he replied.

Pagdating namin sa lobby ay naghihintay na ‘yung secretary ni mommy sa amin, kasama kasi namin siya pauwi ng Pilipinas. Naghihintay din ‘yung kotse na mag-aantay sa amin sa aiport.

Nauna akong sumakay sa kotse habang si Paulo naman ang naglalagay ng mga gamit namin sa likod ng sasakyan. Sana kaya ko na. Sana sa tagal na pananatili ko dito sa Singapore ay nakalimutan na kita.

****

“Khallie!”sigaw ni kuya Twixx paglabas namin ng airport. Nakita ko rin si kuya na may dalang poster na may nakalagay na Welcome home, gago! tapos may picture ni Paulo.

Noong nakita iyon ni Paulo ay tinignan niya talaga si kuya ng masama. Alam niya talaga na si kuya ang may pakana.

“How was your vacation?”tanong ni kuya sa akin, siya ang nagdala ng mga gamit ko papunta sa kotse.

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon