Adyson Kyle Vasquez: Can you pick up something on the airport later?
Khallie Kate Fajardo: Ano'ng kukunin?
Adyson Kyle Vasquez: My luggage. I can't come home...
Khallie Kate Fajardo: Bakit?
Adyson Kyle Vasquez: Plane tickets
Khallie Kate Fajardo: Okay...
Adyson Kyle Vasquez: I miss you...
Khallie Kate Fajardo: Me too.
Adyson Kyle Vasquez: Need to go. I love you, Khal.
"Kuya, aalis ka ba mamaya? Pwede mo ba ako samahan sa airport?"tanong ko kuya na naglalaro sa kwarto niya.
"Susunduin na ba natin si Ady?"tumingin siya sa akin at hininto ang paglalaro.
Umiling ako. "Hindi pa siya makakauwi."
"Bakit akala ko ba two weeks lang siya doon?"huminga ako ng malalim at tuming sa kanya.
"Meron yatang problema sa plane tickets niya."
"Ano'ng gagawin natin sa airport?"
"Mauuna 'yung luggage niya, tayo raw kumuha..."tinignan ako ni kuya ng masama tapos umiling siya.
"Okay..."tumayo siya at pumasok sa banyo para maligo. Bumalik ako sa kwarto ko at nag-ayos para mamaya. Nagbihis ako at hinintay si kuya sa sala. Habang nagaantay ay nanonood ako ng cartoons sa television namin. Himala yata na wala dito ang mga kaibigan ni kuya.
Dito kasi sila tumatambay kapag hapon, bukod ngayon dahil wala sila. Hindi nagtagal ay bumaba na si kuya dala ang susi ng kotse niya. Sa airport lang naman kami pupunta pero parang aattend si kuya ng business meeting.
"Wala mga alaga mo, kuya?"tanong ko sa kanya.
Tinawanan niya ako. "Mamaya pa sila dadating, mga gabi."
Sabi na eh, kulang na lang dito na sila tumira kasi palagi na lang sila nasa bahay. Hindi siguro buo ang araw nila kapag hindi sila nakakapunta dito sa bahay. Pero masaya naman ako na pumupunta sila dito sa bahay kasi palagi silang may dalang pagkain. Kahapon nga may dala silang pizza tapos carbonara, parang palaging may handaan sa bahay kapag pumupunta sila.
"Nagluto raw si Paulo ng Baked potatoes para mamaya"napatingin ako kay kuya dahil sa sinabi niya. Alam talaga niya iyong paborito ko.
"Si kuya Twixx ano'ng dala?"tanong ko.
Natawa muna si kuya bago nagsalita. "Dumplings, 'yung favorite niya."
"Ang sama mo talaga kay kuya Twixx!"
Pinagkwekwentuhan namin ang mga kaibigan ni kuya habang nagdadrive siya papunta sa airport, hindi talaga mauubusan si kuya ng kwento tungkol sa mga kalokohan nila magkakaibigan. Hindi rin ako nauubusan ng tawa habang pinapakinggan ko siya. Halos maiyak ako kakatawa hanggang sa makarating kami sa airport, terminal three katulad ng sinabi ni Ady. Nagpark lang si kuya at sinamahan ako papunta sa arrival ng airport. Sakto naman na nagmessage sa akin si Ady.
Adyson Kyle Vasquez: Are you in the airport?
Khallie Kate Fajardo: Yeah. Sino ba 'yung hihintayin namin?
Adyson Kyle Vasquez: Where are you?
Khallie Kate Fajardo: Sa may arrival, kasama ko si kuya.
"Ang daming lumalabas na tao, sino ba ang kikitain natin?"tanong sa akin ni kuya. Kahit ako ay hindi ko alam. Kinuha ko na lang 'yung cellphone ko ay hinintay ang message sa akin ni Ady, pero hindi siya nagrereply.
"Si poodle!"nanlaki ang mata ko at napatingin sa pintuan ng arrival noong nagsalita si kuya.
He smiled at me while holding his luggage. Kasama niya ang mga kapatid niya na nakatayo sa likuran niya, narecognize ko sila dahil kulot din ang mga buhok ng mga lalaki na nasa likuran ni Ady at nakangiti sila sa akin.
"Dumadami na ang alaga mong poodle,"sabi pa ni kuya, and I'm still looking at Ady. Hindi ako makapaniwala.
I ran and hugged him tight.
"I missed you,"I whispered.
"I'm home,"he replied.
Tears fell from eyes, tears of joy. Masaya kasi ako na nandito na si Ady, he's finally back and I'm finally home.
"This is Calum and Kenneth, mga kapatid ko..."ngumiti ako noong pinakilala niya sa akin ang mga kapatid niya.
Finally nakilala ko na rin sila.
"Hi, Khallie!"nakangiting bati sa akin ni Calum. Hindi siya katulad ni Ady na mukhang suplado kasi palagi kasi siyang nakangiti.
"Hi,"tipid na bati sa akin ni Kenneth, parang sa kanilang tatlo ay siya ang pinakatahimik kasi ang tipid niya magsalita.
"Sup!"bati ni kuya sa kanila.
Ngumiti lang si Kenneth habang nakipag-apir naman si Calum kay kuya, friendly.
"Tara na hahatid ko na kayo pauwi,"sabi ni kuya. Hawak ni Ady ang kamay ko habang naglalakad kaming dalawa. Sa sobrang pakamiss ko kay Ady ay parang ayaw ko na umalis sa tabi niya. Ilang linggo siya nawala, hindi ko na ngayon siya sa screen nakikita kasi hawak ko na ng mahigpit ang kamay niya. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ang alam ko lang ay ayaw ko na umalis sa tabi niya, sa tabi ng taong mahal ko.
"Dinner later?"tanong sa akin ni Ady habang sinasakay nila ang mga bags nila sa likuran ng sasakyan.
Tumingin ako kay kuya, ngumiti naman siya at tumango.
"Ano pa ba ang magagawa ko? Mukhang namiss niyo ang isa't-isa..."sabi ni kuya sa amin ni Ady na parang nagsisisi siya na sinamahan niya ako.
"Bro, wala siyang ibang binanggit sa LA kung 'di si Khallie!"sabi ni Calum, madaldal pala siya hindi katulad ni Kenneth na hindi nagsasalita.
Tahimik ba talaga itong kapatid niya na si Kenneth? Busy siya sa cellphone niya habang nasuksok sa tenga niya iyong headphones niya.
"I'm just flexing my girl!"sagot ni Ady.
"How are you?"Ady asked me, still holding his hands.
"I'm happy,"I said.
He smiled. "Hindi na ako aalis, Khal."
Pagdating namin sa bahay nila Ady ay sinalubong agad sila ng mommy nila, tinulungan ni Ady si kuya magbaba ng gamit sa kotse. Niyaya rin kami ng mommy ni Ady na pumasok muna sa loob ng bahay nila para kumain, hindi naman kami nakatanggi ni kuya kasi pagkain 'yon. Masama raw kasi kapag tinatanggihan ang grasya.
"How was your flight?"tanong ni tita sa mga anak niya.
"I'm tired."sagot ni Kenneth, tipid talaga magsalita.
At kung ano ang kinaiksi ng sagot ni Kenneth ay iyon ang kinahaba ng sagot ni Calum. Kinuwento pa niya iyong mga nakita niya sa eroplano, parang bata. Hindi ako nasabihan na sobrang daldal pala netong si Calum.
"Babalik ka na ba sa ISU?"tanong ni kuya kay Calum.
Natawa si Calum. "Yeah, we decided to stay here for good."
"Hindi na kayo babalik sa Los Angeles?"tanong pa ni kuya.
Busy ako sa pagkain ng sandwich na gawa ni tita kaya wala akong pakialam sa kwentuhan nila. Masaya na ako na katabi ko si Ady at nakikita ko siyang nakangiti sa akin. At masaya rin ako na hindi na sila uuwi sa Los Angeles kaya hindi na kami magkakahiwalay ni Ady.
"Nasa bahay na raw sila Paulo, sasama ka ba?"tanong sa akin ni kuya.
Umiling ako. "Dito muna ako, kuya."
"Hahatid ko na lang pauwi si Khal..."nakangiting sabi ni Ady kay kuya tapos ngumiti lang din ako kay kuya.
"Okay,"hinatid siya ni Calum palabas ng bahay nila.
"Hindi ka na binabatayan ng mga alaga ng kuya mo?"Ady said and we both laughed.
"I guess that they trust you,"I replied.
"Alam kasi nila na hindi kita sasaktan"
BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Romansa(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...
