Today is the last day of examination. Huling subject na rin ng exam. Magkaklase kami ni Ady sa subject na ito kaya parehas kami ng room. Wala akong magagawa kung nandito siya. Kahit ayaw ko man na makita siya ay hindi ko magagawa. Kailangan ko pumasa. Kailangan kong ipakita sa kanya na hindi ako naaapektuhan.
Umiiwas ako sa kanya at pansin ko na gano’n din siya. Maybe he let me go. Maybe he’s tired trying to fix everything. Paano mo nga naman bubuoin ulit ang isang bagay kung ayaw na neto magpabuo, ‘di ba?
“You have 50 minutes to answer the exam. Goodluck”and the exam finally started.
This is our favorite subject. Confident ako na masasagutan ko siya dahil ilang beses ko itong nireview. Naalala ko rin iyong mga panahon na sabay pa kami ni Ady na nagrereview na subject na ito.
Thirty minutes passed. And I’m done answering the exam. Pinasa ko na agad ito sa prof ko at lumabas ng classroom. Tinawagan ko si kuya dahil ang dami niyang missed calls kanina, hindi naman niya sinasagot noong ako na yung tumatawag.
“What’s the plan, bro?”narinig ko na palabas na si Ady na may kausap sa phone kaya nagtago ako gilid ng classroom. Hindi si Katherine ang kausap niya kasi may bro, baka si Axel o kaya si Adrian.
“I’ll be there…”naririnig ko pa rin ang boses niya.
I took the different route going to the main building, hinintay ko kasi sila kuya sa student lounge.
“Khallie!”sinalubong ako ng ngiti ni kuya Twixx.
“Anong meron?”tanong ko sa kanya kasi parang sobrang saya niya.
“Wala naman”patuloy pa rin ang pag-ngiti niya.
Lumabas si kuya ng classroom ng nakangiti rin at inakbayan si kuya Twixx. Gano’n din naman si kuya Charles.
“Ang saya niyo yata ngayon”sabi ko sa kanila.
Kuya Charles laughed.
“Bakit hindi ka ba masaya?”tanong sa akin ni kuya.
Alam naman niya kung sino ang pwedeng maging dahilan kung bakit ako masaya.
“Hindi”sagot ko. Ginulo ni kuya iyong buhok ko.
“Magiging masaya ka rin, Khallie”
Inayos ko ang buhok ko, palagi na lang niya ginugulo. “What if it's the end?"
“Stop making what-ifs, Khallie. If you want to be happy, we’ll let you be happy”sagot naman ni kuya Charles.
“Whatever”I rolled my eyes and we went to the parking lot. Nakasunod lang sila sa akin habang hinahanap ko ‘yung kotse ni kuya.
“Khallie”lumingon ako ng tawagin ako ni kuya.
“Hmmm?”
“Paano kung magwork ang second chance?”tanong siya sa akin tapos nauna akong sumakay sa kotse niya.
Hinihintay pa rin niya ang sagot ko.
“What if it’s you and Ady?”tanong pa ulit sa akin ni kuya.
“What if it’s not?”I answered.
****
Nandito kami ngayon sa bahay ni kuya Charles, pero hindi naman namin kasama si Paulo. Hindi ko alam kung na saan siya at hindi namin siya kasama. Nagexam ba siya kanina kasi hindi ko rin siya napansin.“Si Paulo?”tanong ko sa kanila.
Natawa lang silang lahat sa tinanong ko. Nakakapanibago kasi na hindi sila kasama ni kuya after exam.
BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Teen Fiction(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...