Today is the first day of second semester. Habang pinagmamasdan ko ang necklace na binigay ni Ady sa akin sa salamin ay hindi ko maiwasan na ngumiti.
Hindi ako nananaginip.
Boyfriend ko na talaga si Ady.
Kumatok si kuya sa pinto ng kwarto ko at nakangiti ako noong nakita niya ako, natawa lang sa akin si kuya at umiling. Ganito ba talaga kapag in love ka?
“Sasabay ka ba sa akin pumasok o susunduin ka ni poodle?”tanong sa akin ni kuya.
Ngumiti ako at sinakbat ‘yung bag ko. “Tara,”
“Ang saya mo naman masyado ”
Tumango ako at naunang sumakay sa sasakyan niya. Kung alam niya lang kung gaano ako kasaya.
“Kuya, may tanong ako”tumingin sa akin habang nagsusuot ng seatbelt.
“Friends na kayo ni Ady? Hindi ka na naiinis sa kanya?”tanong ko.
He smirked. “He’s still annoying”
“E bakit ka pumayag na maging girlfriend ako ni Ady?”
“I just want you to be happy. Ayoko na nakikita ka na umiiyak”ginulo niya ang buhok ko na inayos ko ng ilang minuto.
“Boto ka na talaga sa kanya kaysa sa tropa mo?”tanong ko ulit. Hindi talaga ako nauubusan ng tanong.
Umiling siya. “Mas gusto ko na si Ady kaysa kay Paulo”
“Kasi?”
He sighed. “He’s better than Paulo. Stop asking me questions, Khallie, you’re stressing me out”
I laughed. “Okay”
Tahimik pero nakangiti lang ako habang nagdadrive si kuya, hindi ko na siya ginulo kasi ayaw ko naman na magalit na naman siya sa akin kasi ang kulit ko at ang daming tanong.
Nagmessage sa akin si Ady na hinihintay niya raw ako sa lobby kaya mas lumaki pa ang mga ngiti sa mga labi ko. Ang sarap mapunta sa tamang tao. Pagdating namin sa school ay binaba ako ni kuya sa tapat ng building namin, mauna na raw ako kasi may kukunin pa siya sa locker niya.
Pagbaba ko ng sasakyan ay natanaw ako na agad si Ady na nakangiti sa akin. Sa mga ngiting ‘yon nakuha ni Ady ang puso ko.
“Hatid na kita sa classroom niyo”sabi niya sa akin at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
“May gagawin ka ba mamaya?”tanong ko sa kanya.
“I’m your boyfriend. You can bother me anytime”he replied.
While we’re on our way to my classroom, we saw Kath waving at my boyfriend. Hindi ko talaga maiwasan na magselos lalo na kapag kay Kath.
Sinalubong kami ni Kath at niyakap niya si Ady, iyong boyfriend ko. Umiwas ako ng tingin kasi ayaw ko makita silang dalawa.
“This is my girlfriend, Khallie. Do you still remember her?”Ady asked Kath.
“Ahh... Yes! Hello, Khal”bati sa akin ni Kath. Instead of being mean, I smiled at her. Kahit hindi bukal sa loob ko.
“Ako lang pwedeng tumawag sa kanya na Khal, call her Khallie”Ady chuckled.
“Fine.”Kath laughed.
“We need to go, I'll see you around”
“Wait!”huminga ako ng malalim noong tinawag pa siya ulit ni Katherine. Si Ady lang ang lumingon habang hawak pa rin ni Ady ang kamay ko.

BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Fiksi Remaja(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...