Kabanata 19

300 30 42
                                        

Heto ang First date ko sa buong buhay ko. First date ko na kasama pa rin sina kuya at mga kaibigan niya.  Ewan ko ba kasi kay Ady kung bakit pumayag siya. Hindi siya marunong magreklamo sa mga tao sa paligid niya. Kapag naman nasasaktan siya, pinipili niya na sarilihin na lang.

“Saan ba kayo magdedate?”tanong ni kuya kay Ady.

“On our favorite spot”Ady chuckled. I smiled.

Lowkey date, but still the best.

“Mcdonalds? Seryoso?”

“Khallie prefer lowkey dates than going out in a fancy restaurants”napangiti ako sa sinabi ni Ady sa kuya ko.

Alam na alam talaga ni Ady na mas gusto ko sa simple lang at sa hindi mamahalin. Ang importante naman kasi ay ang kasama mo kumain ng pagkain na gusto mo.

At saka para sa akin ay espesyal na rin ang Mcdonalds kasi doon ko nakilala si Ady. Ang galing din ng tadhana, kung hindi ko siguro nakita si Paulo at Rina noon ay hindi ko makikilala si Ady.

Pinaparamdam sa akin ni Ady ang bagay na pinagkait sa akin ni Paulo.

Dumiretcho kaming lahat sa may Mcdonalds. Pagdating namin sa Mcdonalds ay dumiretcho kami sa may function hall tapos ang daming puso sa paligid, parang binayaran talaga ni Ady ‘tong place para sa araw na ito.

Hindi ako makapaniwala na kahit sobrang lowkey neto ay pinag-effortan talaga niya. Tumutugtog din ‘yung paborito kong kanta, sobrang hindi ako makapaniwala. Noong nakita ko ang reaksyon nila kuya ay hindi ko maiwasan na matawa kasi parang babagsak ang mga panga nila sa gulat.

“I didn’t expect---”

“Sabi nila, expect the unexpected daw”Ady chuckled.

“Thank you,”I smiled at him tapos umupo na kami doon sa table na nasa harapan.

“You can join us here”sabi ni Ady kay kuya at mga kaibigan niya.

“Gutom na kami e”lumapit si kuya na may dalang lamesa. Sakto naman na sinerve na ‘yong mga pagkain.

“Sinobrahan ko talaga kasi alam ko na sasama kayo”napangiti ako sa sinabi ni Ady kay kuya. Alam na alam talaga ni Ady kung gaano kaprotective sa akin si kuya at mga kaibigan niya.

Masaya ako na kahit ganito ay healthy pa rin ang relationship naming lahat, hindi toxic, walang nag-aaway.

“Do you want something else?”tanong sa akin ni Ady tapos umiling ako.

“Sapat na ‘to”sagot ko.

Sapat ka na, pero naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko sa inyong dalawa ni Paulo. I need to move-on, si Ady na lang dapat. Maybe I’m still in the stage in which I can’t let go of the past. I can’t let go of Paulo.

Why I can’t let you go, Paulo? Bakit kahit si Ady ang kasama ko ay si Paulo pa rin ang iniisip ko? Bakit ba kasi pagdating sa kanya ay ang tanga-tanga ko? Ano ba ang meron sa kanya na hindi ko magawang bitawan kahit nandito na si Ady?

He held my hand resting on the top of the table and smiled. “Ikaw din, sapat na.”

“Hoy, Ady! Hindi porket pinakain mo kami ay pwede mo na hawakan ang kamay ni---“tinakpan ni ate Alyssa ‘yung bibig ni kuya at ngumiti sa akin.

“Huwag niyo pansinin ‘to, bitter lang si Ryker! Kulang sa aruga”sabi ni ate Alyssa.

“Hindi ka ba naiinis sa kanila?”tanong ko kay Ady.

Ngumiti siya sa akin. “Bakit naman ako maiinis?”

“Kasi palagi silang panira ng moment”

Umiling siya. “They treasure you like the most valuable thing on earth. Bakit ako maiinis? Bakit ako maiinis kung gusto rin kitang pahalagahan?”

Kinurot ko ‘yung kamay ko kasi para akong nananaginip sa nangyayari.

“What are you doing?”he chuckled.

“Para kasi akong nananaginip”

“Hindi ito panaginip, Khal”he smiled at me, I’m still looking at his smiles.

“At kung panaginip man ito… Ayaw ko na rin magising katulad mo”

Paglingon ko kayna kuya ay lahat sila nakatingin sa amin. Para silang nanonood ng movie, iba-iba ‘yung rekasyon ng mukha nila. Si kuya parang nandidiri, bitter talaga.

Tinawanan lang namin sila ni Ady. Hindi ko alam na kaya ko pa rin pala maging masaya kahit hindi si Paulo ang dahilan.

“Bagay talaga kayo!”sabi ni ate Alyssa.

“Kayo na lang, ha?”sabi naman ni kuya Charles tapos tinignan siya ng masama ni kuya.

“When the time is right, I’ll court you”Ady said.

“Nagbibiro ka lang, ‘di ba?”

Umiling siya. “Seryoso ako pagdating sa ‘yo”

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon