Kabanata 3

482 31 75
                                        

Sumunod na araw ay pumunta ako sa bahay ni ate Alyssa dahil nagpapatulong siya sa akin gumawa ng cake para sa birthday ng crush niya.

Gusto ko na dumistansya kay Paulo kasi quota na ako sa pag-iyak tapos siya na naman ang dahilan, paulit-ulit na lang. Kaibigan din nila kuya si ate Alyssa kaya pumayag agad siya noong nagpaalam ako.

Bukod sa magkaibigan kami ay sakanya rin ako nagkwekwento tungkol kay Paulo.

“Sira-ulo talaga si Paulo”napailing na lang si ate Alyssa noong kinukwento ko ‘yong mga nangyari noong isang araw. Lalo na iyong nagkunwari akong tulog habang naririnig ko sila mag-usap ni Rina sa phone.

“Hindi ko nga alam kung bakit palagi silang sa bahay tumatambay, palagi ko tuloy nakikita si Paulo”sabi ko pa tapos ngumiti siya.

Nag-uusap kami tungkol sa iba’t-ibang bagay habang hinihintay namin maluto iyong cake.

Sobrang special talaga ng crush ni ate Alyssa kasi bibigyan niya pa ito ng cake. Samantalang kahit isang birthday ko hindi ako binigyan ng cake ni Paulo, sabagay hindi naman niya ako gusto.

“Kaya pala nandito ka kasi iniiwasan mo?”tumango ako.

Totoo naman.

“Hindi naman masama kung iiwas ako, ‘di ba?”iyon lang kasi ang alam ko na paraan para hindi na ako masyadong umaasa kay Paulo.

Kapag kasi nakikita ko siya ay parang nagkakaroon bigla ng pag-asa sa puso ko na baka pwede pa, baka pwede na.

Ngumiti siya. “Wala naman masama kung pipiliin mo muna ang sarili mo”

Baka tama na dumistansya muna ako para hindi na ako masyadong masaktan.

Kasi parang hindi na healthy iyong nasa paligid ko si Paulo.

Parang kapag nakikita ko siya ngayon ay naaalala ko lang ‘yong sinabi niya at naaalala ko na hindi pwede kasi meron siyang Rina.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maintindihan na mayroon na ngang iba ay pinipilit ko pa.

“Ano’ng meron dito? Sino may birthday?”nagulat kaming dalawa ni ate Alyssa dahil biglang dumating ang apat at oo, kasama nila si Paulo.

Nagkunwari akong pinapapak ‘yong icing na ginawa ni ate Alyssa para hindi nila ako kausapin. Sana lang ay effective kasi hindi naman ako sanay gawin ito.

Hindi ako sanay na umiwas lalo na kay Paulo kasi sobrang close naming dalawa.

“Kapag birthday ‘di ba lumpia ang napapansin mo? Hindi naman cake?”sagot ni ate Alyssa.

Silang dalawa ni kuya ay parang aso’t-pusa, pero kahit gano’n hindi nasisira ang friendship nilang dalawa. Cute nga nila e, sana sila na lang tutal wala namang nililigawan si kuya kaso may ibang gusto si ate Alyssa.

“Sakto hindi pa kami kumakain ng miryenda!”titignan na sana ni kuya iyong niluluto sa oven pero humarang si ate Alyssa.

“Hindi kaya yan para sa inyo”sabi ni at Alyssa.

“Ako lang naman ang para sa ‘yo”kinindatan siya ni kuya tapos nagsigawan sa tuwa ang mga kaibigan niya.

“Ako nagturo humarot sa kuya mo, Khallie!”tumatawang sabi ni kuya Twixx sa akin at hinampas siya ng basahan ni kuya sa mukha.

“Kawawa naman ‘yong mukha ko! Palagi mo na lang kinakawawa!”reklamo ni kuya Twixx habang tinignan ang mukha sa salamin.

“Buti nga hindi na bola ang lumalapag sa mukha mo”

“Kahit na---"

“Dami mo reklamo, shoti!”asar pa ni kuya kay kuya Twixx with matching Chinese accent.

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon