Khallie’s POV
I tried to call Ady, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam, hindi ko man lang tuloy alam kung nasaan siya kagabi. Huli ko lang siyang nakita ay kasama niya si Katherine, sumakay sila sa kotse niya at pagkatapos no’n ay wala na.
Hindi na siya nagparamdam sa akin.
Hindi niya sinasagot ‘yung tawag ko.
Hindi niya sinasagot ‘yung text ko.
Hindi ko na alam.
“Khallie! Kanina ka pa namin hinahanap!”nagtatakbo papunta sa akin sina ate Camilla at ate Alyssa, ano’ng meron?
“Bakit?”tanong ko sa kanila.
“Can we talk?”tanong ni ate Alyssa sa akin at tumango ako. Mamaya pa naman ang klase ko kaya sumama ako sa kanila papunta sa classroom nila ate Alyssa. Wala pa iyong mga kaklase niya kasi mamaya pa rin ang klase nila.
“Bakit?”nagtinginan silang dalawa.
“Namiss ka lang namin”sabi ni ate Camilla.
“Akala ko naman kung ano na ang nangyari”I chuckled.
“Papunta pala dito si Paulo, may dala siyang pizza”tumango lang ako at hinihintay ang message sa akin ni Ady.
“Have you seen Ady? Hindi pa kasi siya nagpaparamdam…”I asked them.
Baka lang kasi alam nila.
Nagtiningan silang dalawa sa akin. “Hindi,”
“Hi,”at dumating na nga si Paulo na may dalang mga pizza.
“Wala kang klase?”tanong ko sa kanya kasi nasa taas na sina kuya at ang mga kaibigan niya.
“I’m late, hindi na ako papasok”sagot niya.
“Magagalit na naman sa ‘yo si Dean”sabi ko sa kanya kasi ‘yung last time na hindi siya pumasok ay nagalit sa kanya si Dean kasi palagi na lang siyang absent, pero mas mataas pa ang grade sa mga kaklase niya na pumapasok.
“By the way, nakita mo ba si Ady?”tanong ko sa kanya kasi for sure dumaan siya sa basketball court bago siya dumiretcho dito.
Tinignan niya muna sina ate Alyssa at Camilla bago niya binalik ang tingin sa akin. “Hindi”
“Huwag mo muna isipin si Ady! Nandyan lang ‘yon!”sabi sa akin ni ate Alyssa.
Masama ang kutob ko at alam ko na meron silang hindi sinasabi sa akin. Nabalot ng katahimikan ang paligid, hindi sila nagsasalita at patuloy naman akong tumitingin sa kanya, pero iniiwasan nila ako ng tingin.
“Ano ba ang nangyayari?”
“Wala naman…”
“May tinago ba kayo sa akin?”hindi sila nagsalita.
“Pau…”I looked at him.
“Paulo”tinawag siya ni ate Alyssa at umiling ito, meron nga silang tinatago sa akin.
“Please don’t lie to me”I said then he sighed heavily.
Alam ko na hindi magsisinungaling sa akin si Paulo.
“Twixx saw Ady and Katherine yesterday--- nagcheck in sila sa hotel”he said.
Parang sinasaksak ng paulit-ulit iyong puso ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko o gagawin ko hanggang sa naipon na naman ang mga luha sa mga mata ko. Sabihin niyo sa akin na hindi ito totoo at nagbibiro lang sila.
BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Teen Fiction(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...