Kuya and I are on our way to school, kasabay din namin si kuya Twixx dahil sa bahay siya natulog. Nagreview kasi silang magkakaibigan kagabi dahil may long quiz sila ngayon.
Nakikita ko si kuya Twixx na nakatingala at parang may nirerecite sa utak niya habang may hawak siyang libro na parang lahat ng words sa page ay nakahighlight.
“Huwag mo iwan dito yang coloring book mo”sabi ni kuya sa kanya, he’s talking about kuya Twixx Clinical Chemistry book. Nagmukha kasing coloring book dahil lahat ng words ay nakahighlight.
“Shut up”sagot ni kuya Twixx.
Nakakapanibago si kuya Twixx kapag nag-aaral parang hindi siya ‘yung Twixx na kilala ko na puro kalokohan at kumain lang ng dumplings ang alam.
“Si Khallie ba ‘yon?”narinig ko na may nagbanggit ng pangalan ko, hindi ko naman siya kilala.
“Walk straight, Khallie. Don’t mind them”sabi sa akin ni kuya habang hawak pa rin niya ang libro na pinag-aaralan niya.
Dumiretcho ako sa Dean’s office dahil kailangan pumirma ng attendance.
“Magtetake lang kami ng quiz, sabay ka na sa amin pumunta sa court”sabi sa akin ni kuya habang pumipirma ako ng attendance.
“Okay”
“Khallie! Pahiram ako ng book mo sa Cytogenetics”lumapit sa akin si Ali na may dalang iba’t-ibang libro na related sa mga major subjects namin.
“Kunin ko lang sa locker”lumabas ako at naglakad papunta sa fourth floor, nandoon kasi ang locker area.
Kinuha ko na lahat ng libro ko dito para makapagreview ako sa bahay. Hindi na ako sumakay ng elevator dahil baka may ibang varsity akong makasabay pababa ng ground floor kaya gumamit na lang ako ng hagdan.
“I heard that she’s back, have you seen her?”I heard Adrian’s voice, umakyat ako at nagtago sa loob ng vacant room sa tapat ng hagdan, sira ang pinto kaya naririnig ko pa rin sila.
“Not yet”sagot ni Ady.
I missed those voice.
Nagiging marupok na naman ako.
Alam ko na wala na siyang pakialam sa akin. Alam ko na sila na ni Katherine.
“So, what’s your plan? Weeks passed, did you already moved-on?”Adrian asked his friend.
Hindi ko na sila narinig at ayoko rin na marinig kung ano man ang sasabihin ni Ady.
Lumabas ako ng class room, wala na nga sila. Patuloy lang ako sa pagbaba hanggang sa makarating sa Dean’s office. I already accept the fact that we aren’t meant for each other.
Nakita ko si Katherine at mukhang magkakasalubong kami kaya kinuha ko ‘yung cellphone at nagkunwari ako na may kausap kahit wala naman talaga.
“Okay, babe. I’ll see you later”I said when she passed. I was talking to myself, wala naman talaga akong kausap.
Ginawa ko lang iyon para hindi ako magmukhang affected sa kanilang dalawa ni Ady.
Tapos na pero bakit ang sakit pa rin?
“Saan ka galing? Bakit hindi ka man lang nagpasama sa akin?”tanong sa akin ni Paulo pagpasok ko ng Dean’s Office.
“Akala ko may long quiz kayo”sabi ko sa kanya kasi wala pa akong 10 minutes nawala, huwag niyang sabihin sa akin na tapos na siya.
“I’m done”
“Eh bakit sina kuya, hindi pa?”tanong ko sa kanya.
He laughed. “I don’t know. The quiz was very easy”

BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Teen Fiction(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...