Kabanata 16

352 30 61
                                        

Paulo's POV

*Three months ago*

"I'm sorry, Khallie"

I really hate it when she's crying because of me and I can't do anything to make her stop. I don't deserve those tears and she don't deserve the pain. I like her. I can't see any reason why you can't like Khallie.

I know that she deserves the best but I'm not that best that she deserves. Wala akong ibang ginagawa kung 'di ang saktan lang siya.

"Lagi ka na lang nagsosorry kahit kasalanan ko naman na mapilit ako"gusto ko na ako ang magpunas ng mga luha niya, pero hindi ako makagalaw.

Gusto ko na magalit siya sa akin hanggang sa kalimutan niyang naging kaibigan niya ako. Baka sa gano'ng paraan ay hindi ko na siya masaktan.

"Hindi na ba kasi talaga?"tanong niya sa akin.

"Hindi na."

Pang-ilang beses ko na ba siyang sinaktan?

"Tara na, ihahatid na kita pauwi sa inyo"agad niyang pinunasan ang mga luha sa mga mata niya at sumunod sa akin sa kotse.

Alam ko na magagalit na naman sa akin si Ryker dahil pinaiyak ko ang kapatid niya, kasalanan ko naman talaga. Kapag sinusuntok ako ni Ryker sa mukha ay iniisip ko na lang na wala pa iyon sa mga sakit na pinaparamdam ko kay Khallie.

Sinasabi ko sa sarili ko na maghihilom ang sugat sa mukha ko, pero ang mga sugat sa puso ni Khallie ay hindi na. Kaya pinapabayaan ko na lang siya kasi kasalanan ko naman...

Pagbaba ng kotse ni Khallie ay nakita ko si Twixx kaya kinawayan ko sila at sumakay sila ni Charles sa sasakyan ko. "Pinaiyak mo na naman? Lagot ka kay Ryker. Mainit pa naman ang ulo niya dahil nakihati na naman sa court iyong mga penguin"

"Let's drink? My place"

"Ewan ko ba kasi sa 'yo kung bakit pinapaasa mo pa rin si Khallie kahit meron ka ng Rina"sabi sa akin ni Twixx.

"Makakalimutan niya rin na mahal niya ako"I answered.

"Imposible"sagot ni Charles.

"Mahal na mahal ka ni Khallie, Paulo"dugtong pa niya.

No, I was talking about Rina and not Khallie. Makakalimutan din ni Rina na minahal niya ako.

"I know...."hindi naman siya nagkulang sa pagpaparamdam kung gaano niya ako kamahal.

Khallie is so sweet, but fragile. She's one of a kind, that's why I like her. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Hanggang kaya niya magtiis ay gagawin niya, huwag lang mawala sa kanya ang mga taong mahal niya.

She's a keeper and I'm an asshole who doesn't know how to keep her.

I drove to my place since mom was not around, kasama niya si tita Stellina sa ibang bansa for some business matter. Si daddy naman ay kasama ni tito Luke sa hospital, parehas kasi silang doctor. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako mawawala sa buhay ni Khallie, lahat ng tao sa paligid ko ay nakakonekta sa kanya.

"So I was saying--- lagot ka na naman kay Ryker"natatawa na lang ako kapag pinagbabantaan nila ako.

"Sanay na ako"

"Gago ka kasi"sabi sa akin ni Twixx tapos ngumiti ako.

"Iyon na ang huling beses na makikita niyo si Khallie na umiiyak"sabi ko sa kanila. Binato ako ni Twixx ng ubos na lata ng alak. Alam ko naman na pinoprotektahan lang din nila si Khallie kaya sila nagagalit sa akin.

"Gustong mong ikaw ang batuhin ko ng bola, ha, shoti?"tanong ko sa kanya.

"Ang bait ni Khallie tapos sasaktan mo lang? Wala ka talagang puso"sabi naman sa akin ni Charles.

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon