“Nasaan pala si Ady?”tanong naman sa akin ni ate Alyssa.
“May exhibition game raw sila mamayang 1pm sa basketball court”nagulat si ate Alyssa at agad akong hinila pa punta sa basketball court.
Parang mas excited pa siyang manood kesa sa akin.
“Nasaan ba kasi dyan ‘yong crush mo, Alyssa?”tanong ni ate Camilla habang parang may hinahanap si ate Alyssa na player sa gilid ng court.
Noong nakita ako ni Ady ay agad ko siyang kinawayan tapos ngumiti siya sa akin, ayan na naman ‘yong mga dimples niya sa pisngi kapag ngumingiti.
Nakita ko rin na meron siyang tinawag na istudyante tapos tinuro kami ng mga kasama ko. Agad nagtatakbo ‘yong istudyante na kinausap niya paakyat dito sa may bleachers side, papunta sa amin.
“Miss, doon daw po kayo sa court side umupo sabi ni Ady”ngumiti ako at tumango.
Lumipat kami ng upuan tapos nagulat na lang ako nang nakasunod na sa amin sina kuya at mga kaibigan niya, feeling ko talaga meron akong GPS at palagi akong nasusundan nila kuya.
Pwede na nga siyang detective kasi parang bantay sarado talaga ang kilos at galaw mo. Nang magsimula ang laro ay ang lahat ng tao dito sa loob ng court ay nagsisigawan at chinicheer nila ang mga school niya.
“Bakit niyo pinaglalaro iyong waterboy! Number six, bano!”sigaw ni kuya tapos tinignan ko siya ng masama.
Number six kasi ang jersey number ni Ady.
Tinawanan niya ako “Number nine pala, Khallie”
Gusto ko na naman magpakain sa lupa kasi imbis na chinicheer ni kuya ‘yong school namin ay binabash niya na naman iyong mga players, lalo na si Ady at Adrian. Parang ang laki ng galit ni kuya sa kanilang dalawa.
“Paupuin niyo na ‘yong number seven! Sa inuman lang magaling yan!”sigaw pa ni kuya tapos sumandal lang ako habang nagtatawanan sila magkakaibigan.
I haven’t heard about number seven, si Dy.
“Go baby!”sigaw ni ate Alyssa habang dinidrible ni number seven ‘yong bola. Siya pala ‘yong sinasabi nila na crush ni ate Alyssa na basketball player na nakamatch niya sa Tinder dati.
“Anak mo, Alyssa?”tanong ni kuya sa kanya at inirapan lang siya ni ate Alyssa.
Kinuha ko ‘yong cellphone ko at pinicturan si Ady kasi na sakanya ‘yong bola tapos ang cute niya kapag nakagame face siya.
“Inaantok ka na Ady! Pasa mo na iyong bola!”sigaw ni kuya tapos siniko siya kasi ang ingay niya talaga.
Nashoot ni Ady ‘yong bola kaya lamang na ang school namin sa kalaban. That’s my Ady! Three points iyon! Ang galing niya pala talaga maglaro ng basketball parang kahit nakapikit siya ay kaya niyang mashoot ‘yong bola.
Hindi naman sa sinasabi ko na kinikilig ako, pero parang gano’n na nga. Then all of a sudden, I think that I’m in love with that guy.
After ng game ay nilapitan ako ni Ady tapos inabot ko sa kanya ‘yong paperbag na regalo ko sa kanya. Thank you gift na rin para sa date namin kahapon. “Congrats pala”
He chuckled. “Ginalingan ko talaga kasi nandyan ka”
“Ady, patawag nga si Axel”sabi ni ate Camilla tapos hinila ni Ady si number seven papunta sa amin.
“Sup, blessed Axel!”bati ni kuya kay number seven tapos nag-apir silang dalawa.
Feeling close si kuya habang kinikilig naman sa gilid ko si ate Alyssa. Tinignan ko si number seven, okay naman siya. 6’1, maputi, matangos ang ilong, mukhang mabait, ang broad ng shoulders.

BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Ficção Adolescente(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...