I think that I will spend my whole day inside the library. May orientation daw kasi ang mga professor ng college buong araw. Pero kahit gano’n ay kumuha pa rin ako ng libro dito sa library kahit tinatamad ako na basahin ito.
Gumugulo pa rin sa utak ko kung sino ba talaga si Ady at bakit curious sila ate Alyssa at ate Camilla na nakasama ko siya. Pati tuloy ako ay nacucurious.
Mamaya ko pa sila makakausap kasi may kanya-kanya silang klase sa umaga. Gano’n din si kuya at tatlo niyang mga kaibigan.
Sa gitna ng pagbabasa ko sa libro na kinuha ko ay may biglang umupo sa upuan na nasa harapan ko. Hindi ko siya pinansin at tinignan hanggang sa nagsalita siya.
“Hey,”
“Ano’ng ginagawa mo dito?”tanong ko kay Ady.
“Ginagamit mo pa ba ‘to?”tanong niya sa akin habang hawak na niya iyong libro na Anatomy.
Umiling ako. “Hindi na”
“How are you? Hindi ka na ba iiyak?”natawa lang ako sa tinanong niya habang mayroon siyang hinahanap sa libro.
“Hindi mo pa nga ako kilala hinusgahan mo na agad ako”nakangiting sabi ko sa kanya.
He smiled at me.“I’m Adyson, but you can call me Ady”
“Khallie”inoffer niya ‘yong kamay niya kaya nagshake hands kaming dalawa. Friendly rin pala siya, mukha kasi talaga siyang snobber kapag mag-isa lang siya.
“College ka na ba? Senior High? Junior High?”
He chuckled. “College”
Nagulat ako nooong sinabi niya na College na siya. Hindi na ako magtataka kasi ang tangkad niya. Weird kasi ngayon ko lang siya nakita sa campus o kaya dito sa library.
Hindi ko talaga alam kasi minsan may mga tao na akala mo hindi nageexist kasi hindi sila lumalabas ng classroom.
“Bakit naman parang gulat na gulat ka?”natatawang tanong niya sa akin, umiling ako.
“Sino ka ba kasi? Bakit ba nacucurious ang mga kaibigan ko noong nakita nila na kasama kita”sinara niya ‘yong libro at binaba ang ballpen na hawak niya.
“I don’t know”he chuckled.
“Weird…”mahinang sabi ko.
“Maybe I got the charm that’s why they're attracted to me”he grinned, damn those dimples on his cheeks.
“Ang lakas ng hangin”I chuckled.
“Mas bagay pala sa ‘yo tumatawa kesa umiiyak”hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya sa akin.
Umiwas ako ng tingin at nire-write ko na lang iyong notes ko.
“Mas bagay kung hindi ka mangingialam”natatawang sabi ko at kahit siya ay napatawa na lang.
Mabuti na lang at hindi siya na-offend sa sinabi ko.Kung alam niya lang kasi kung gaano kasakit iyong pakiramdam ng pinaparamdam sa akin ni Paulo.
Si Paulo lang ‘yong tao na kaya akong pasayahin and in the same time kaya akong paiyakin. Siya lang.
Hindi ko alam kung bakit at paano pero gano’n siguro talaga, kung ano ang nagpapasaya sa ‘yo ay iyon din ang nagiging dahilan kung bakit umiiyak ang isang tao.
“Do you have friends?”he asked me.
“Ikaw, do you have friends?”binalik ko sa kanya ‘yong tanong tapos tumango siya.
“I have few, ikaw? Do you have friends?”
“Mukha ba akong loner?”I asked him.
“Hindi ko kasi nakikita na may kasama kang iba bukod kayna Alyssa and Camilla”nanlaki ang mata ko dahil binaggit ni Ady ‘yong pangalan ng dalawa kong kaibigan.
“Kilala mo sila?”
“Of course”he chuckled.
“Kilala mo ako?”tanong ko pa sa kanya tapos ngumiti siya.
“You’re Khallie nga ‘di ba?”he chuckled.
Sabi ko nga.
Silence.
“You’re Ryker’s little sister, right?”nanlaki ang mata ko dahil kilala niya rin si kuya. “Ryker has three shadows, right?”dugtong pa niya.
“Three shadows?”
“Twixx, Charles and Paulo”I smiled a little bit, akala ko naman kung ano.
“Palagi kasi silang nakasunod sa kuya mo na parang anino”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na matawa sa sinabi ni Ady, ang funny niya rin pala. Mukha lang pala siyang snob kapag seryoso iyong mukha niya, pero kapag nakausap mo na siya makikita mo na mabait naman pala.
“Bakit mo pa sila kilala? At saka ano ka ba ni kuya?”nakangiting tanong ko sa kanya.
“Khallie…”napalingon ako ng makita ko si Paulo at si kuya Twixx.
“Si Ady pala ‘to e”at nagulat ako dahil kilala rin siya ni kuya Twixx.
“What’s your business with my girl?”tanong ni Paulo kay Ady.
My god, Paulo.
“I’m not your girl, Pau”I mimicked.
Hindi naman talaga, ‘di ba? Kahit naman sabihin ko sa sarili ko na sana totoong sa ‘yo ako ay hindi naman mangyayari iyon, ‘di ba?
Niloloko ko lang ang sarili ko kapag pinatulan ko ‘yung kasinungalingan na sinasabi niya sa ibang tao. At saka pwede bang kahit isang beses lang, huwag niya ako bigyan ng false-hope? Asang-asa pa rin kasi ako at kahit ano’ng gawin ko ay hindi ko magawang alisin siya sa puso ko.
“See you around, Ady”I smiled at Ady. Lumabas ako ng library dala ang mga gamit ko.
“Why are you talking to that guy?”tanong sa akin ni Paulo habang patuloy lang ako na bumababa ng hagdan.
“Bakit ano’ng masama? Nagtatanong lang naman siya”
“Ayokong nakikita ka na lumalapit sa kanya…”
Why is he acting like this?
Ano ko ba siya?
Ano niya ba ako?
Ano ba kaming dalawa?
“Hindi naman kita pinapakialaman kapag may kasama kang iba”sagot ko.
Hindi naman talaga.
Hindi niya nga alam na nasasktan ako.
Wala naman siyang alam sa nararamdaman ko.
“Do you---”
“Why do you care, Paulo? Nagrereklamo ba ako kapag kasama mo si Rina?”I asked.
Hindi ko sinasadya.

BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Teen Fiction(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...