We spent the whole day together, laughing and sharing some jokes. Sino ba naman ang magaakala na magiging masaya ako? Sana noon ko pa nakikila si Ady, para hindi ko na naramdaman kung paano ang masaktan kapag nandyan si Paulo pati na rin si Rina.
Ayos na rin pala na sinaktan ako ni Paulo kasi kung hindi, hindi ako mapupunta sa McDonalds at hindi kami magiging close ni Ady ng ganito. Funny how life works. Kailangan mo munang masaktan bago ka maging masaya.
“I just wish that we can stay like this forever”I said to him while we’re waiting for the fireworks display.
“Saan ka sa sembreak?”tanong sa akin ni Ady.
“Sa bahay lang”
“I’m flying to Los Angeles”nanlaki ang mata ko at hindi ako makapaniwala na wala akong makikita na Ady sa bakasyon.
“Kailan flight mo?”tanong ko sa kanya tapos kinuha niya iyong cellphone niya kasi nasa email niya ang flight details niya.
“Sa isang araw”
“Babalik ka naman, ‘di ba?”hinawakan niya ang kamay ko tapos tumango.
“I will come home to you, Khal”he replied. I smiled.
My god, what did I do to deserve a man like Ady? Is this too much? I just want someone who can love me till the end, but they gave me a perfect man like Ady.
“Ingat ka do’n ha!”ngumiti siya at tumango. I always care for him, kailan ba na hindi? Basta alam ko na babalik siya, mag-aantay ako. I trust Ady. I always trust him.
“You’re sleepy. Should we wait for the fireworks or I’ll drive you home?”he asked.
“I want to enjoy this moment with you”I answered. He nodded and smiled.
Kinuha niya ang cellphone niya tapos nagpicture na naman kaming dalawa, mabuti na lang at dala ko ‘yong instax ko kaya madadagdagan na naman ang mga pictures naming dalawa.
Pinipicturan ko si Ady habang tumatawa siya, ang cute niya kasi kapag nakikita ko siyang tumatawa. I just love spending my time with him.
Hinatid ako ni Ady pauwi, walang traffic kaya mabilis lang ang byahe. Kapag talaga gusto mong patigilin ang oras ay hindi mo magawa kasi wala ka naming kakayanan na patigilin ito.
Noong makarating kami sa bahay ay magpapakita raw muna siya sa parents ko, sino naman ako para humindi. Nakakatuwa isipin na gusto niyang maging close ang family ko, sana mameet ko rin ang family niya kaso parang palaging silang busy sa trabaho nila.
“Bakit ka nandito?”tanong ni kuya noong nakita niya si Ady na kasama ko.
Hindi yata talaga masaya si kuya kapag nakikita niya si Ady.
“Hello, Ady”nakatinging bati sa kanya ni daddy.
"Good evening po, hinatid ko lang po si Khal”Ady said.
“Good, hindi lagpas sa curfew”daddy chuckled.
“Daddy, lagpas ng one minute!”tinignan ko ng masama si kuya dahil sa sinabi niya.
“Sorry po”I can’t help not to smile. He’s so soft and cute.
“It’s just a minute, okay lang”daddy smiled at Ady. Ang hirap hindi maging masaya sa kanya at sa mga effort niya.
“Hatid ko po lang si Ady sa gate natin”paalam ko tapos tumango naman si daddy.
Nakakatuwa makita si daddy na masaya kapag nakikita niya kaming dalawa ni Ady. Well, sino ba naman kasi ang may ayaw kay Ady? Sino pa ba? Edi si kuya lang.
“Hey, thank you”I smiled at him then he smiled back.
“I’ll see you tomorrow at Axel’s party”
Oo nga pala, bukas na iyong party ni Axel sa bahay nila. Si kuya ang kasabay ko bukas na pumunta doon kasi sa pagkaka-alam ko ay imbitado rin sila sa party.
“He’s nice, nak”sabi sa akin ni daddy pagbalik ko sa loob ng bahay.
“Hindi kaya, pakitang tao lang ‘yon”sabi naman ni kuya at binato ko siya ng unan.
“Pwede ba siya na lang daddy? Pwede ba siya na lang at hindi na si Paulo?”ngumiti sa akin si daddy at saka ko siya niyakap.
Alam ko naman kasi na gusto pa rin nila na kami na lang dalawa ni Paulo, pero ayaw ko nang bumalik sa sakanya. Ayoko na umiyak na naman dahil binabaliwala na naman niya ako.
“Kung saan ka masaya, Khallie”he replied.
“Paulo pa rin”mahinang sabi ni kuya, tinignan ko siya ng masama.
Alam naman niya na palagi akong pinapaiyak ni Paulo, pero tinutulak pa rin niya ako sa taong iyon.
Nakakainis.
Ilang beses niya naman akong nakita na umiyak dahil kay Paulo. Ilang beses niya na rin naman ginawang punching bag ang mukha ni Paulo. Pero kahit ilang beses na iyon nangyari ay siya pa rin ang gusto nila kuya para sa akin.
Hindi ko nga alam kung bakit ayaw nila kay Ady, mabait naman siya, matalino, friendly, sporty at ano pa ba ang hahanapin mo sa kanya kung na sakanya na ang lahat ng kailangan mo sa isang lalaki? Para kaya siyang si daddy.
“Bakit ba ayaw mo kay Ady, Ryker?”tanong ni daddy kay kuya.
“He’s so clingy, flirty. Nakakainis iyong mukha niya”he answered.
“Kahit hindi naman”syempre ipapagtanggol ko si Ady, gusto ko siya e.
“Kita mo ba ‘yong mukha niya daddy? Mukha siyang poodle dahil sa haircut niya!”reklamo pa ni kuya. Akala mo naman ang ganda ng gupit ng buhok niya.
“Pero hindi mo dapat hinuhusgahan ang isang tao dahil sa itchura niya”this is one of the reasons why I really admire daddy. He is so perfect, soft hearted and kind like Ady. Siguro noong umulan ng pagiging mabait, silang dalawa ni Ady ang nasa labas ng bahay.
“You’re being saint again, hon”at dumating na nga si mommy ay agad siyang tumabi kay daddy, niyakap naman siya ni daddy ng mahigpit.
“Ikaw ba? Do you like Ady for Khallie?”kinabahan ako sa tinanong ni daddy kay mommy.
Alam ko naman na hindi siya sasang-ayon kasi forever niyang gusto si Paulo para sa akin.
“Khallie is too young for love, hon”sagot ni mommy tapos nagmemake-face na sa harap ko si kuya, bitter talaga.
“But to answer your question, I like Ady for Khallie”nagulat ako ng idugtong pa iyon ni mommy at kulang na lang ay malaglag ang panga ni kuya sa gulat.
I guess that everyone loves Ady, bukod talaga kay kuya.
“Mommy! Akala ko ba team Paulo tayo?”tanong ni kuya kay mommy tapos ngumiti siya sa akin saglit at binalik ang tingin kay kuya.
“Do you like seeing your sister crying at night? Do you want her sleeping with a heavy heart?”hindi ako makapaniwala na naririnig ko ito mula kay mommy. Parang nagbago bigla ang ihip ng hangin.
“I already accept the fate, nak. We don’t want to push the door that says pull, never again”I hugged mommy because of that.
“Maybe Paulo is not meant for Khallie…”
BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Roman pour Adolescents(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...