Kabanata 8

428 30 42
                                    

Iniwan ko ang mga ibang gamit na hindi ko naman kailangan sa locker ko para medyo gumaan iyong bag ko. Aantayin ko na lang si kuya tapos sasabay ako sa kanya kumain since wala naman siyang training ngayong araw.

Hindi ko alam kung magkikita pa kami ni Paulo, pero kung oo sana hindi ko siya nasaktan sa nasabi ko kahapon. I texted kuya na nandito ako sa labas ng classroom niya at hindi nagtagal ay lumabas siya kahit hindi pa tapos ang klase niya.

“Are you starving?”he asked me.

“Hindi pa yata kayo tapos, kuya. Antay na lang ako doon sa bench”sabi ko sa kanya tapos umiling siya.

“Nag-attendance na naman ako at saka walang ginagawa sa loob”sabi niya pa sa akin.

“Nasaan bag mo?”tanong ko sa kanya.

“Sa kotse”he chuckled.

“Ano’ng dala mo noong pumasok ka sa loob ng classroom?”

“Ballpen”he laughed while showing me his favorite pen.

Kunin mo na siguro ang lahat ng bagay sa buhay niya, huwag lang ang paborito niyang ballpen.

“Okay lang ba ‘yon?”hindi naman ako nasabihan na pwede palang pumasok ng classroom na walang dala kahit ano bukod sa ballpen. Iba talaga ang kuya ko.

“Stop asking, nagugutom na rin ako”sumakay kami ng elevator tapos ‘yong mga babaeng kasabay namin sa elevator ay halos maihi na sa kilig noong nakita si kuya.

Iba talaga ang kagwapuhan ni kuya.

Walang sinasantong edad, pati mga Senior High nakukuha.

“Akala mo mamamatay sa kilig e”sabi ko kay kuya noong nakalabas na kami ng elevator.

“Gano’n ka rin naman kay Paulo noon”asar niya tapos hinampas ko siya sa braso.

“Hindi na mangyayari ‘yon”alam ko naman na mahirap, pero kailangan kong kayanin kasi ano’ng magagawa ko kung hindi talaga.

“Bakit nakamove-on ka na kay  Paulo?”

Sumakay ako ng kotse niya at hindi sinagot ang tanong niya. Kahit naman gusto ko ay hindi ko magagawa kasi si Paulo ‘yon.

Palagi kong sinasabi sa sarili ko na kailangan ko magmove-on, dapat magmove-on ako pero hindi ko naman siya kayang gawin.

Kung pwede nga lang na kapag sinabi mo na sa sarili mo na ayaw mo na sakanya ay bigla mo na lang mararamdaman na ayaw mo na talaga.

“Kung gano’n lang kadali edi sana hindi ako nahihirapan”sagot ko.

Pumunta kami sa restaurant kung saan ko nakita sina Paulo at Rina. Hindi ko maiwasan na bumigat ang nararamdaman ko kapag naaalala ko ‘yon.

Hindi ko alam kung bakit pa sa akin pinakita ng tadhana na masaya siya sa iba.

Hindi ba naisip ni Paulo na habang masaya siya sa iba ay may nasasaktan na isang tao sa paligid niya?

“Hi, Khallie”at dumating na nga si kuya Charles dala ang gamit niya na pang training.

“Si Shoti?”tanong niya kay kuya.

“Baka kasama ni Paulo”

Umiwas ako ng tingin.

Ayaw ko malaman na nagkasagutan kami ni Paulo kahapon.

“Nagkita ba kayo ni Paulo?”tanong sa akin ni kuya.

Umiling ako ako. “Hindi”

“Can we not talk about Paulo na muna?”I asked them and they both nodded.

Ano pa nga bang bago, ako ang nag-aya na kumain pero sila ang nagbabayad ng kinakain namin. Ang dami naming nakain ngayon lunch.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik kami sa school, pero sumama muna ako kay kuya kasi vacant ko ng dalawang oras. Dumiretcho kami sa may Volleyball court kung saan nagseset-up na para sa training nila.

Umupo ako sa may pangatlo sa taas para hindi ko na kailangan tumingala kapag kinakausap ako nila kuya, ang tangkad kasi nila.

“Khallie! Bakit bigla kang nawala kahapon?”tanong sa akin ni kuya Twixx.

“Sup, Shoti! Ano kain mo kanina lunch? Lumpia? Dumplings?”at ayan na naman si kuya, inaasar na naman si kuya Twixx with his Chinese accent.

Mabuti na lang talaga mahaba ang pasensya ni kuya Twixx pagdating kay kuya.

"Wanton, gago”

“Saan na si Paulo?”natatawang tanong ni kuya Charles. Halos umiyak na siya kakatawa, tuwang-tuwa talaga siya kapag inaasar ni kuya si kuya Twixx.

“Hindi ko nga alam e”

Nakukunsensya tuloy ako kasi sinabi ko ‘yon kahapon kay Paulo. Feeling ko tuloy galit na siya sa akin. Alam ko naman kasi na pinoprotektahan niya lang ako, pero kaya ko naman ang sarili ko.

Alam ko na may pakialam lang siya sa akin, nadala lang ako kasi sobrang sakit na talaga ng nararamdaman ko.

Kinuha ko ‘yong cellphone ko at tinext siya, sana lang ay sumagot siya.

To: Paulo

Nasaan ka? Galit ka pa rin ba? Sorry…

Hindi siya nagreply. Baka nga nagalit siya sa akin o baka kasama niya si Rina.

“Bro, have you seen Paulo? Hindi kasi siya nagpaparamdam e”tanong ni kuya Twixx sa kateammates nila.

“He’s with Rina, bro. I saw them earlier palabas ng campus”

Hindi ko na dapat minessage pa.

Hindi na dapat ako pumunta dito.

Alam mo ‘yong pakiramdam? Kung gaano kasakit ang lahat? Alam mo ‘yong pakiramdam ng hindi ka lang niya iniwan sa ere na parang bula, binagsak ka pa niya sa lupa ng gano’n na lang.

Gano’n kasakit.

Hindi ka na nga pinili, wala ka pa sa pagpipilian.

“Sorry, Khallie”ngumiti ako noong sabihin iyon sa akin ni kuya Twixx.

“Hindi naman ako affected”I chuckled.

“Move-on ka na kay Ocean Sunfish?”tanong sa akin ni kuya Twixx.

“Puro kalokohan tinuturo niyo sa kapatid ko ha”natatawang sabi ni kuya kay Twixx tapos binato niya ito ng bola, mabuti na lang at nasalo ito ni kuya Twixx.

“Pero seryoso, iniiwasan mo ba si Paulo?”tanong sa akin ni kuya Charles.

Tumango ako. “I will just hurt myself if I always follow my heart”

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon