He just left like that. I skipped class today, hindi ako makapasok dahil sa mga mata ko na kakaiyak kagabi. Tanghali na ako bumangon, umaasa na baka may message sa akin si Ady pero wala.
Baka nga hanggang doon na lang.
Naalala ko ‘yung sinabi sa akin dati ni Ady, No one can replace you in my heart, Khal. Nagbago iyon noong bumalik si Katherine sa buhay niya.
“Are you okay?”tanong sa akin ni kuya noong bumaba ako sa kusina para kumain.
I faked a smile. “Yeah”
“Pupunta kami nila Twixx sa mall, gusto mo sumama?”tanong pa sa akin ni kuya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Sa mga panahon na ganito alam ko na siya lang iyong taong kayang pagaanin ang nararamdaman ko. Palagi naman kasi niyang ginagawa ang lahat para maging masaya ako.
“I already lose him, kuya”I said while tears are falling from my eyes.
Maybe it wasn’t meant to last.
Maybe we weren’t meant for each other.
Maybe it’s not us.
Nakakatuwa lang isipin na kung sino pa ang nagsabi na hindi ako mawawala sa ‘yo ay sila pa ‘yung unang mang-iiwan.
Those are the words that made me stay, but in the end, siya pa iyong unang nangiwan.
“You don’t deserve him, pabayaan mo na siya”I sighed.
How can I let go of the man who used to be my everything?
How can I let go of the man who made me realized that I deserve better?
“How can I let him go if I still want to hold on?”I asked and another tears fell from my eyes.
Hindi ko na kayang wala si Adyson. All this time, siya iyong nagpadama sa akin ng pagmamahal na hindi binigay ni Paulo. And then all of a sudden bigla na lang nawala dahil bumalik iyong Katherine niya.
Parang pinahiram lang siya sa'yo. Parang pinadama lang sa'yo ng tadhana kung paano iyong pakiramdam nang mahalin at magmahal. Tapos kapag nasanay ka na, babawiin na.
Silence.
“Ryker?”at dumating si mommy na may dalang bag, meron kasi siyang business trip ngayon sa Singapore.
“Mommy…”lumapit sa akin si mommy at tinignan ako ng masama.
“Why did you cry?”she asked me. “Are you okay? What happened?”
“Can I go with you?”I asked her.
I just want to breathe.
“What!”agad nagreact si kuya dahil sa sinabi ko kay mommy. I just need a huge space to breathe and think about all of my problems.
“Wala naman tayong pasok ng two weeks dahil sa events sa school, ‘di ba?”sabi ko kay kuya.
“Pack your things, tatawagan ko na lang ang secretary ko para sa ticket mo”sabi sa akin ni mommy tapos nagmadali akong umakyat sa kwarto para kumuha ng mga damit at gamit ko.
Habang naglalagay ako ng gamit sa bag ay nakita ko ‘yung mga pictures namin ni Ady sa desk ko. Those days na wala pa si Katherine, sobrang sayaw naming dalawa. Heto na naman ‘yung mga luha ko na pumapatak mula sa mga mata ko.
Pinunasan ko ito at tinago ‘yung mga pictures namin ni Ady sa loob ng drawer ko, paano ako makakamove-on kung palagi kong nakikita kung gaano kami kasaya noon?
“Chat mo ako kapag nando’n na kayo, okay?”bilin sa akin ni kuya tapos tumango naman ako, para siyang si mommy kung magbigay ng bilin sa akin.
“Ako na bahala sa attendance mo during the event”dugtong pa niya.
I gave him a tight hug. “Sana pagbalik mo, hindi ka na umiiyak."

BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Teen Fiction(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...