Kabanata 4

465 32 54
                                        

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay apektado pa rin ako kay Paulo. Hindi ko kasi siya maintindihan. Gusto niya si Rina, pero ayaw niya naman na umiwas ako sa kanya.

Paano naman ako? Paano naman ako kung palagi ko na lang ipipilit ang sarili ko sa kanya? Paano naman ako kung hanggang ngayon ay alam ko na wala na yata akong makikila na tao na hihigit pa sa kanya?

Ang sakit.

Sobrang sakit.

Palagi na lang ba akong masasaktan?

Araw-araw na lang ba akong iiyak sa katotohanan na hindi na nga? Alam mo, may point naman kasi iyong sinabi sa akin ni kuya kahapon. Paano nga naman mawawala ‘yung isang tao sa akin kung una pa lang ay hindi naman siya naging akin?

“Hayaan mo na kasi si Paulo… Hindi naman magaling magset ‘yon ng bola.”at heto na naman si kuya na sinisiraan si Paulo sa akin. “Kaya siya nababato ng bola sa mukha e”

Naalala ko tuloy noong nakita ako ni kuya na umiiyak tapos si Paulo ang dahilan. Hindi niya kasi tinanggap ‘yong sandwich na binigay ko sa kanya noong may training sila at alaman iyon ni kuya.

Tapos noong nagtetraining na sila ay nagspike si kuya at sinadya niyang patamain sa mukha ni Paulo. Noong nakita ko si Paulo na nakahiga sa sahig dahil sa sobrang lakas ng palo ni kuya ng bola ay hindi ako makagalaw.

Mabuti na lang kasama ko si ate Camilla noon kaya nilayo niya ako sa court. Hindi naman siya nasaktan masyado, nahilo lang talaga si Paulo.

“Kahit sinasadya mo naman?”mahinang sabi ko.

He laughed. “Alam mo naman na mahal kita, Khallie. Ayoko na nasasaktan ka”

“I know”

“At saka buhay pa rin naman si Paulo, ‘di ba”natatawang sabi niya.

“Alam mo hindi ko alam kung bakit hindi ikaw ang gusto ni Paulo. Maganda ka naman, matalino at mabait. Baka malabo lang ang mata niya kaya gano’n”hindi ko maiwasan na matawa dahil sa pambobola sa akin ni kuya.

“But in time, makakakilala ka rin ng lalaki na makikita ang halaga mo…”

Someday, Paulo.

Someday.

Someday makakalimutan kita tapos hindi na ako gagawa ng paraan para habulin ka kasi meron na akong kasama na tamang tao.

Tamang tao na nakikita ang halaga ko, tamang tao na hindi ako sinasaktan, hindi ko na makikita ang sarili kong umiiyak kasi siya na talaga at tamang tao na kayang suklian iyong pagmamahal ko. Pero ngayon titiisin ko muna, ikaw muna.

Pero kapag dumating ang araw na makilala ko na ang tamang tao pangako, hindi na ako mangungulit.

“Bakit ba kasi ayaw mo na lang maghanap ng iba, Khallie?”tanong sa akin ni kuya.

“Paano ako makakahanap ng iba kung si Paulo lang ang gusto ko?”binalik ko sa kanya ang tanong.

Tumawa siya. “Paano ka kasi makakakita ng iba kung sa isang tao ka lang nakatingin?”

“Ewan ko ba kasi kung bakit siya lang ang gusto ko”umiwas ako ng tingin.

Ilang taon ko na ba siyang gusto? Ilang taon na ba ako umaasa na baka pwedeng maging kami kahit hindi naman talaga? Hindi ko alam kung bakit ako nasanay sa isang tao na hindi naman sa akin at hindi naman ako magugustuhan.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa loob ng bag ko at pagtingin ko sa lock screen ay nakita ko ang picture naming dalawa ni Paulo.

Baka pang-bestfriend lang talaga ako.

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon