Dumiretcho kami nila kuya sa restaurant kung saan ko nakita si Rina at si Paulo.
And guess what, doon din kami umupo pero hindi ako umupo kung saan ko nakitang nakaupo si Rina. Patuloy lang ang iwas ng tingin ko kay Paulo kasi hindi ko talaga kayang tignan siya lalo pa’t nandito kami kung saan nakita ko siyang mas masaya.
Heto na naman ako nasasaktan.
“Okay ka lang, Khallie?”tanong sa akin ni kuya Twixx.
“I’m just tired. Ang dami kasi naming inorder ni Ady sa Mcdonalds”
Nagsisinungaling na naman ako.
“Ayaw mo ba na kumain dito?”tanong sa akin ni Paulo. Siya pa talaga ang nagtanong.
Kung sasabihin ko ba na ayaw ko ay makakalimutan ko na nakita ko silang dalawa ni Rina dito?
“Sabihin na lang natin na ayoko ‘yong nakita ko dito”
Umiwas ako ng tingin at umorder na lang ako ng dessert para naman kahit papaano ay may kinakain ako habang kumakain sila kuya ng lunch.
“Bakit ano ba ang nakita mo dito?”hindi ako nagsalita.
Ayokong malaman niya na nakita ko siya, silang dalawa.
“I’m just kidding. Ang seryoso mo”at heto na naman ako nagsisinungaling.
Hindi ko nga alam kung bakit nananatili pa rin ako kahit nasasaktan na ako ng paulit-ulit.
Hindi ko na alam. Hindi ko na yata alam ang pinagkaiba ng tama at mali. Paulit-ulit na lang kasi.
“Excuse me, miss”nagulat ako ng biglang lumapit sa amin ‘yong isang staff ng restaurant.
“Nahulog mo po ito noong pumunta ka rito, buti bumalik ka”inabot niya sa akin ‘yong paboritong panyo ko.
Halos namumula na ang mukha ko dahil hindi alam nina kuya na galing ako rito. Ayoko rin na malaman ni Paulo na nakita ko silang dalawa ni Rina, baka mag-away na naman silang dalawa ni kuya.
“Ahhh thanks”kinuha ko ‘yong panyo at saka siya umalis.
“Kailan ka pumunta dito? Sinong kasama mo?”tanong sa akin ni kuya.
“Nagtake-out lang ako ng food for Ali”and here I am again, lying.
Kung trabaho lang ang pagsisinungaling panigurado malaki na ang sweldo ko. Imagine, isang tao lang pala ang ikakayaman ko?
“Bibili pa tayo ng milktea, ‘di ba?”tanong sa akin ni Paulo.
“Ahh---"
“Are we still good?”he asked me. Hindi ko alam kung bakit lahat sila ay nakatingin sa akin.
“Oo naman. Milktea, after class”I smiled.
“Hindi pwedeng hindi kami kasama”sabi ni kuya Twixx tapos tumango ako.
Mas okay sa akin na kasama ko sina kuya kasi sigurado ako na hindi ako mapapaiyak ni Paulo. Incase meron na naman siyang sabihin sa akin na magiging dahilan kung bakit ako iiyak.
“Ryker, can we go out? Kaming dalawa lang sana ni Khallie”nagulat ako sa sinabi ni Paulo.
“Baka paiyakin mo na naman ‘tong kapatid ko”
“I’ll take care of her, I promise”Paulo said.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na bang sinabi ni Paulo sinabi na he’ll take care of me, pero hindi naman niya ginagawa. Yes, he’s taking care of me physically but not mentally and emotionally.

BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Teen Fiction(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...