Kabanata 18

311 30 74
                                        

“I haven’t seen Ady around, nag-uusap pa ba kayo?”tanong sa akin ni ate Alyssa habang hinihintay namin si kuya. Bumili kasi sila ng snacks namin sa labas ng school.

“Sabi niya sa akin kahapon meron daw siyang bibigay sa akin… Hindi ko naman siya nakita”

“Baka busy lang”sabi pa niya.

Nakita ko si Adrian na naglalakad kaya kinawayan ko siya. Pwede ko naman siguro tanungin kung na saan ang kaibigan niya. ‘di ba? Ang weird lang na hindi ko siya nakikita ngayon dito sa campus kasama niya.

I also saw that he’s holding a bouquet of flowers, pero tuyo na iyong mga bulaklak. Noong nakita niya ako ay ngumiti siya’t lumapit sa akin.

“Have you seen Ady? Hindi kasi siya nagpaparamdam sa akin”sa kanya ako nagtanong kasi sigurado ako na alam niya kung nasaan ang kaibigan niya.

“Hindi raw siya papasok e”

“E ano ‘yan? Para kanino?”tinuro ko ‘yong bulaklak na hawak niya tapos ngumiti siya at inabot sa akin.

“For you... Ito dapat ‘yong ibibigay sa ‘yo ni Ady kahapon, pero nakita ka raw niya na may kayakap na iba”nanlambot ang tuhod ko sa sinabi ni Adrian sa akin.

What did I do?

“Itapon ko na raw ito sabi ni Ady… But if you want to keep it, you can have it”kinuha ko iyong bouquet at saka siya ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ko.

“Seeing someone you love hugging other guy sucks”he said.

“Sorry…”

“Don’t apologize to me, I’m not Ady.”he chuckled.

Gusto kong puntahan si Ady, pero hindi ko magawa kasi hindi ko naman alam kung saan ko siya pupuntahan. Gusto ko magsorry sa kanya kasi nasaktan ko pala siya. Alam ko ‘yong pakiramdam nang makita mo iyong taong gusto mo na may kasamang iba.

Alam ko na pala iyong pakiramdam pero hindi ko alam kung bakit pinaparamdam ko rin sa iba.

“Just don’t tell Ady that I gave you those.”he said before walking away.

I’m looking at those bouquet when I saw a note so I opened it, Hi, Khal! Lowkey Date tomorrow? Please say yes.

Niyakap ako ni ate Alyssa dahil alam ko na nabasa niya rin iyong note na nasa bouquet. Hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko, pero sa tingin ko ay naguiguilty ako sa ginawa ko sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at minessage si Ady.

Khallie Kate Fajardo: Ady?
Adyson Kyle Vasquez: Yes?
Khallie Kate Fajardo: Busy ka? Tara ice cream tayo?
Adyson Kyle Vasquez: I’m with Adrian right now hehe sorry

“Is he lying to you?”tanong sa akin ni ate Alyssa.

Nakita ko si Adrian na nakatayo sa tapat ng isang food booth at bumibili ng pagkain. Nalungkot ako sa nangyayari. Kung alam ko lang sana, hindi ko na lang niyakap si Paulo.

Dapat hindi ko na lang hinayaan si Paulo na bumalik sa buhay ko kasi meron na palang masasaktan kapag bumalik na siya. Ayokong makasakit ng damdamin ng iba, lalo pa’t si Ady ang sinasaktan ko.

“Why are you sad, Khallie?”tanong sa akin ni kuya Twixx tapos inabot niya sa akin ‘yong ice cream na dala niya.

“Wala”I faked a smile.

“Ano meron? Patingin…”kinuha ni kuya ‘yong cellphone ko at binasa ang conversation namin ni Ady. Hindi ko na siya napigilan kasi wala na rin naman akong magagawa, kasalanan ko naman.

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon