Kabanata 21

289 29 80
                                    

After the program, Ady went to his classroom to fix some things. Kasama ko na sina ate Alyssa at ate Camilla dito sa may soccer field kasi may laro sina kuya. Hindi naman sila marunong maglaro ng soccer, nagbibilad lang sila sa araw tapos tamang takbo lang.

Nakakatuwa ng minsan hindi bola ang sinisipa nila kung 'di hangin. Gusto lang nila manggulo sa laro kaya nila ito sinalihan magkakaibigan.

"Hey,"napalingon ako at nakita ko na tinabihan ako ni Paulo.

"Buhay ka pa pala"asar sa kanya ni ate Camilla.

Hindi ako makapaniwala na nandito na naman si Paulo. Na abot kamay ko na naman siya.

"Bakit hindi ka kasali doon?"tanong ko sa kanya. Heto na naman 'yong tibok ng puso ko na sobrang bilis, bagay na hindi ko nararamdaman kay Ady. Ibang iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Paulo at kasama ko si Ady.

"Ayoko magbilad sa araw"

Napaka-arte talaga.

"Do you like him?"tanong niya sa akin.

"Huh?"

"Si Ady. Do you like him?"inulit niya 'yong tanong, tumango ako kasi ayokong sabihin na siya pa rin.

Paano ako makakausad kung sasabihin na gusto ko pa rin siya?
Minsan hindi ko rin siya maintindihan. Gusto niya ba na habang buhay lang akong umaasa sa kanya? Ayaw niya ba ako maging masaya?

"Gusto ba siya ng kuya mo para sa 'yo?"hindi ko alam kung bakit ganito siya magtanong ngayon.

"Maybe"

He chuckled. "I need to go, magrereview pa ako"

Pinanood ko siya kung paano siya maglakad palayo sa akin.

Pinanood ko na naman siyang umalis.

"Nagseselos ba siya?"tanong sa akin ni ate Camilla.

I shrugged.

"For sure! Knowing na mas better sa kanya si Ady!"sagot ni ate Alyssa.

"Eh ikaw, Khallie? In the battle between Ady and Paulo, sino ang mananalo?"hindi ako nakasagot sa tinanong nila sa akin. Hindi ko alam.

"Ayun lang! Hindi alam ang sagot!"umiwas ako ng tingin at pinanood ko na lang sina kuya maglaro ng soccer sa field. Mag-iisang oras na pero wala pang nakakascore, pinapagod lang nila mga sarili nila.

Para lang pala akong naglalaro ng soccer tapos si Paulo iyong kalaban ko at palaging nasa kanya iyong bola. Wala akong ibang ginagawa kung 'di habulin siya kahit nakakapagod na.

"Khallie,"paglingon ko ay nakita ko si Paulo na may inaabot sa akin na cotton candy.

"Thank you,"

"No problem"he sat beside me.

"Akala ko ba magrereview ka?"tanong ni ate Alyssa sa kanya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "I still want to stay"

"Hindi sana masaktan iyong isa"mahinang sabi ni ate Camilla. Sana hindi iyon narinig ni Paulo.

"Sinong isa?"tanong ni Paulo.

Gusto kong ipasok 'yong buong cotton candy sa loob ng bibig ko tapos kapag nasamid ako ay maiba ang topic nila. Hindi ko kasi gusto na pinaguusapan si Ady at Paulo, hindi maganda.

"Si Charles! Tignan mo binabantayan siya"mabuti na lang at nakalusot 'yong sinabi ni ate Camilla kay Paulo, pero sa mga oras na ito ay pinagdadasal ko na sana hindi pa lumabas si Ady sa classroom niya.

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon