Sabay kaming pumasok ni kuya ngayong araw kasi wala naman silang laro. Dumiretcho kami sa may Volleyball court dahil gusto raw manood ni kuya ng Volleyball.
Nalaman niya kasi na maglalaro 'yung ibang teammates ni Ady. Alam ko na ibabash niya lang iyon pero sumama pa rin ako kasi wala naman akong ibang gagawin dito sa school.
"You look so tired"lumingon ako kay Ady dahil sa sinabi niya.
I smiled. "Inaantok lang ako""Hindi ganyan mag-set! Para kayong nagshushoot ng bola sa ring!"na gising ang dugo ko nang sumigaw si kuya.
Sa mga oras na ito ay parang gusto ko na lang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan na ginagawa ni kuya. Parang gusto kong sumigaw na hindi ko siya kapatid."Ice cream?"niyaya ko si Ady tapos tumango naman siya tapos lumabas kami ng volleyball court.
"I'll give you a ride"sabi niya sa akin, tumango ako at naglakad kami papunta sa parking lot.Pagsakay ko ng kotse niya ay bumungad nga sa akin ang madaming bote ng mineral water sa loob ng sasakyan niya na nakakalat sa upuan at sa sahig.
Parang totoo nga iyong sabi ni kuya na nangangalakal siya ng bote. Kahit saan kasi ako tumingin ay ang daming bote ng mineral water. Hindi ba uso sa kanya ang tumbler? At saka may sentimental value ba 'yong mga bote sa kanya at hindi niya matapon?
"Sorry. I have no time to clean my car"he chuckled."Okay lang"
Dumiretcho kami sa may ice cream shop tapos nilibre ko siya ng ice cream kasi nilibre niya kami ng lunch kahapon. Hindi na pina-alam sa akin ni Ady iyong bill kung magkano ang binayaran niya kahapon.
Ang sabi niya lang sa akin ay siya na ang bahala doon, ayoko naman na makulitan siya sa akin kaya pinabayaan ko na lang.
"What's on your mind?"
"Ikaw"I said then we both laughed.Siya naman kasi talaga.
"You're giving me a little hope to assume that we're meant to be, Khal""Nacurious lang ako sa bill natin kahapon. Hindi talaga pwedeng malaman? Kahit clue? Promise hindi na ulit ako magtatanong"
"You're too talkative, kaya ka nasasaktan..."tinignan ko siya ng masama pero tinawanan niya na naman ako. Bakit ba palagi niya akong tinatawanan?"I know... Hindi ko lang mapigilan magtanong"umiwas ako ng tingin at bigla niyang kinurot 'yung pisngi ko.
Alam ko naman na sa pagtatanong ko ako nasasaktan. Kung hindi ko siguro tinanong ang mga tanong na 'yon dati kay Paulo ay sigurado ako na hanggang ngayon ay tanga pa rin ako. Baka hanggang ngayon umaasa pa rin ako sa kanya.
Mabuti na lang at hindi ko na siya nakikita, kaya pakiramdam ko ayos na ako. Nakakalimutan ko na kahit papano na mahal ko siya.
"You're so cute.""Ang galing mo mambola"nakangiting sabi ko sa kanya habang sinisimot niya iyong ice cream sa cup niya.
Hindi ko alam kung may GPS ba na kinabit sa amin si kuya at palagi niya kaming nahahanap ni Ady. Hindi ko alam kung paano niya nalalaman kung na saan kami ni Ady.Well, siguro kasi dalawa lang naman 'yong kinakainan naming dalawa ni Ady. Mcdonalds at Ice Cream Shop.
"Uuwi na kami, sunod ka na lang sa bahay"sabi ni kuya kay Ady tapos tumango naman ito.
"I'll see you later, Khal"he smiled at me.Umuwi kami sa bahay, pero hindi na sumabay sa amin ang mga kaibigan ni kuya. May pupuntahan daw kasi 'yong dalawa at kahit hindi nila sabihin kung saan ay alam ko na pupuntahan nila si Paulo.

BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Novela Juvenil(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...