Kabanata 38

218 29 59
                                    

“Hey,”bago ako bumaba ng kotse ni Paulo ay kinausap niya muna ako.

“Hmmm?”I looked at him and faked a smile.

“You’re not okay, sure ka ba na papasok ka na sa bahay niyo? We can get some foods para gumaan ‘yung pakiramdam mo”he said.

I looked at my phone, still no text from Ady.

“Tara,"

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Paulo, pero alam ko na mapapagaan niya ang pakiramdam ko. Alam niya naman palagi kung paano pagaanin ang loob ko.

Hindi ko alam kung bakit siya na lang ang palaging nandyan kapag umiiyak ako.

Hindi ko alam na kaya rin pala ako paiyakin ni Ady.

“Ayaw ko na makita ka na ganyan, Khallie”he said, I wiped my tears.

Naiiyak kasi ako kapag naaalala ko iyong nakita ko. Si Kath. Si Ady. Kapag magkasama sila nasasatan ako.

“Hindi ko kayang makita si Ady na masaya sa iba, Pau”I chuckled, still holding back my tears.

Nauulit na naman.

Nauulit na naman na nakikita kong masaya ang taong gusto ko sa piling ng iba.

“Because you already gave everything to him, wala ka nang tinira para sa sarili mo...”I faked a smile.

“Palagi naman akong walang tinitira sa sarili ko kapag nagmamahal ako…”

Hindi na ako nagsalita.

Hindi na rin siya kumibo.

Hanggang sa makarating na kaming dalawa ng Tagaytay. We ended up eating at Bulalo point, alam niya talaga kung paano pagaanin ang pakiramdam ko. Kinuha niya ‘yung hoodie niya sa likod ng sasakyan at inabot sa akin. Malamig kasi sa labas dahil malapit na gumabi.

Bumaba kami at nagpareserve ng table, habang nagaantay kami ay tinetext na ni Paulo si kuya. Alam ko naman kasi na hahanapin niya ako.

“Ready na po ‘yung table niyo”may lumapit sa amin na waiter at tinuro sa amin kung saan kami uupo.

Nag-order na rin kami ng mga pagkain. Ang daming pwedeng kainan ng bulalo sa Quezon City, bakit dito pa niya naisipan? He's still full of surprises.

“Thank you,”I said to Paulo, he just smiled.

“For what?”

“Kasi nandyan ka pa rin para sa akin…”

He smiled. “I’m always here for you, hindi mo lang napapansin”

“Whatever”I chuckled.

“I made you laugh!”he said while pointing at my face.

“Madali lang naman kasi ako pasayahin”

Tumango siya.

“Kasing dali kung paano ka paiyakin, ‘di ba?”sabi niya at tumango ako.

Silence.

“Bakit ko ba kasi naisipan na dito pumunta?”he chuckled while looking at the view. "But I appreciate it”

“Huh?”

“Alam ko na kung bakit mo ako dinala dito...”sabi ko sa kanya tapos hindi niya inaalis ‘yung tingin niya sa akin.

“Nakita mo ‘yung tweet ko last week na gusto ko bumalik dito sa Tagaytay”

He’s grinning, but not looking at me.

Stalker.

“Totoo nga ‘yung sinabi sa akin ni kuya dati...”binalik niya ang tingin niya sa akin noong sinabi ko iyon sa kany.

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon