"Bilisan mo na kasi Khallie!"patuloy pa rin sa pangungulit ni kuya sa akin.
Nandito kami ngayon sa airport at mamaya na ang musicfest, hindi ko alam kung bakit pa nila ako hinintay. Mukhang inayos nila iyong schedule ng musicfest para lang makaabot ako.
"Teka lang kasi, kuya, ang sakit kaya ng paa ko!"pinatakbo niya lang naman ako hanggang sa makalabas ako ng airport.
"Ano yang suot mo? Tapos na klase nakacivilian ka pa rin?"tanong sa akin ni kuya habang pinagmamasdan niya ang suot ko. Inirapan ko siya. Malamang galing ako sa Maldives.
"Ano rin ang suot mo? Mukha kang mag-aanak sa binyag!"nakasuot kasi siya ng puting polo na nakatucked-in sa bitin niyang pantalon tapos meron pa siyang pa-leather shoes na brown.
"Magpalit ka!"sabi sa akin ni kuya at inabot niya sa akin iyong paperbag na kanina niya pa dala.
"Required ba? Aattend ba tayo ng binyag ngayong gabi?"tanong ko sa kanya.
"Huwag ka na kasi magreklamo!"hinila niya ako papunta sa toilet room. Ang ikli talaga ng pasensya ni kuya.
Pumasok ako at nagpalit ng damit, bakit ko ba kasi kailangan isuot itong putting off-shoulder? Required ba na magsuot ng kulay puti ngayong gabi?
"Ano, ninong Ryker? Okay na ba?"tanong ko kay kuya paglabas ko ng toilet room.
"Meron pang kulang!"kinuha niya sa bulsa niya iyong mga hairpins ko, kinuha niya ba ito sa loob ng kwarto ko? Inabot niya sa akin iyon at nilagay ko ito sa buhok ko.
"Ang ganda mo na, Khallie"nakangiting sabi sa akin ni kuya.
"Ngiti na lang ang kulang"sabi pa niya. Hindi na babalik ang mga ngiti na iyon.
"Tara na, baka saan pa mapunta ang usapan!"kinuha ko iyong cellphone ko sa kamay niya at nauna na kay kuya papunta sa parking lot.
Busy siya sa cellphone niya, hindi ko alam kung sino ang kausap niya.
"Akala ko ba nagmamadali ka?"tanong ko kay kuya kasi busy pa rin siya sa cellphone niya.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Gusto mo uminom ng milktea?"
Inirapan ko siya at nauna akong sumakay sa kotse niya.
Tinignan ako ng masama ni kuya.
"Para naman kay Alyssa hindi sa 'yo"
Ang sama talaga ng ugali ni kuya.
Bakit ba niya bibigyan ng Milktea si Ate Alyssa, hindi naman niya girlfriend iyon? Tss ayaw pa kasing ligawan, meron pa siyang after I get that MD on my surname, I''ll get you na nalalaman.
"Bakit ba ganito kasi ang suot natin?"tanong ko sa kanya, ngumiti lang siya.
"Ang daming tanong?"
"Siksikan kaya doon"sabi ko pa, ayaw ko lang kasi ng suot ko.
"Nasa harapan naman tayo ng stage"he smiled.
"Kasi?"
"Isa pang tanong papabalikin ko si Katherine dito sa Pinas"natahimik ako sa sinabi sa akin ni kuya, alam niya talaga kung ano ang bagay na makakapagpatahimik sa akin.
"Are you mad?"
Umiling ako. "Baka hindi talaga..."
"Kapag hindi pwede ipilit mo, pwede iyon!"natawa lang kami parehas ni kuya sa sinabi niya, ang dami talagang alam.
Inirapan ko siya. "Puro ka kalokohan, kuya"
"Life is short to believe in what ifs in life, Khallie..."I looked at him while his eyes are still on the road. "If you really love the person go risk him... Stop believing in different what-ifs, you're just torturing yourself"

BINABASA MO ANG
What If It's Us?
Teenfikce(What If Series #1) Khallie Kate Fajardo was hoping that she will end up with her childhood bestfriend, Paulo Nicolaj Medina. At first, Paulo never had a feelings for Khallie. Until Adyson Kyle Vasquez came to Khallie's life. Adyson filled the empty...