Kabanata 30

250 30 24
                                    

Khallie's POV

I am enjoying our Batangas trip at sana nandito si Ady. I miss that guy so bad, he's on the plane right now. Ang sabi ko sa kanya magmessage na lang siya sa akin kapag nasa Los Angeles na siya. I'm excited to meet his brothers, Calum, and Kenneth.

Doon kasi nag-aaral 'yong mga kapatid nila, pero sabi niya ay next year uuwi na sila dito sa Pilipinas. I don't know why I'm happy that I met his parents, ang cute lang kasi nila sa picture lalo na 'yong mga kapatid niya.

Mukha silang mga suplado, pero sabi ni Ady sobrang kulit daw. Ang pinaka-matanda ay si Calum, 20 years old. Si Ady, 19 and si Kenneth naman ay 18.

"Bakit ka nakangiti?"sabi sa akin ni kuya dahil naabutan niya akong nakangiti sa cellphone ko.

"Memes"I said.

"Talaga ba?"sagot pa niya tapos umupo siya sa kabilang kama at nagiscroll din sa cellphone niya.

Ryker Luke Fajardo commented on your post.

Tinignan ko si kuya ng masama.

"Bakit?"natatawang tanong sa akin ni kuya tapos cinlick ko 'yong comment niya.

Ryker Luke Fajardo: Cute ng poodle mo, Khallie.

"Kuya!"I yelled at him dahil sa comment niya habang patuloy naman ang pagtawa niya.

"Delete mo 'yon!"sinubukan kong agawin 'yong cellphone ni kuya pero tumayo siya kaya hindi ko talaga maabot, bakit kasi ang tangkad niya kumpara sa akin?

Hindi nagtagal ay may sunod-sunod nang nagcocomment sa picture namin ni Ady, pero sa lahat ng nagcomment ay kay kuya Twixx ako pinaka-nagulat.

Twixx Sebastian Saavedra: @/Paulo Nicolaj Medina

"Tara na, I'm starving"I know why kuya is laughing so hard right now. He saw kuya Twixx commented on our picture.

"Hindi mo ba iyon ipapabura kay kuya Twixx bago pa makita ni Paulo?"tanong ko kay kuya bago siya lumabas ng kwarto. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Trust me, baka siya pa ang unang nakita ng post mo"he chuckled.

"What are you talking about?"I asked.

"Paulo have his ways, always"he said then he walked out the door.

Lumabas kami ni kuya ng kwarto, medyo awkward kasi nakatingin silang lahat sa akin. Parang sinasabi ng mga mata nila na mali 'yong ginawa ko na pagpost ng picture naming dalawa ni Ady, pero ano'ng magagawa ko kung mamimiss ko 'yong tao?

Ayokong saktan si Ady dahil pinili ko na naman si Paulo.

"Kayo na ba talaga ni Ady?"tanong sa akin ni kuya Charles.

Tumawa ang lang ako habang nagsasandok ng kanin. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin sila makapaniwala. Alam ko na nakatingin sa akin si Paulo na parang sinasabi niya na humindi ako at huwag ko siya saktan.

Hindi ko nga alam kung bakit parang bumaliktad ang mundo, siya na ngayon ang nasasaktan habang masaya na ako sa taong hindi ako sinasaktan. Mayroon pa rin naman akong natitirang magmamahal para kay Paulo, pero bilang kaibigan na lang talaga. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakakasakit ka ng tao, hindi ko alam kung bakit hindi siya naawa sa akin noon.

"Kelan pala uuwi si Ady?"tanong sa akin ni kuya.

"Next next week"

"Kapag bumalik 'yon, may iba na siya"natatawang sabi ni kuya Twixx tapos tinignan ko siya ng masama.

"Ang dami pa namang maganda sa Los Angeles"at talagang nakigatong pa si kuya habang nakatawa lang si Paulo habang nakatingin sa pagkain niya.

"Imposible na maghanap si Ady ng iba"nakisali rin si kuya Charles.

"May entry ka rin?"tanong ko kay Paulo noong nagkatinginan kami tapos ngumiti siya sa akin at umiling.

"Hindi kaya gano'n si Ady"sabi ko sa kanila tapos tinatawanan lang nila ako. Wala tuloy akong kakampi.

"Let's just say, merong dalawang klase ng lalaki--- katulad ng kuya mo at si Paulo"sabay na tinignan ni Paulo at kuya si Kuya Charles ng masama.

"Iyong isa, kayang iparamdam sa 'yo na mahal ka niya at mahal ka talaga niya. Iyong isa naman, kaya niyang iparamdam na mahal ka niya pero sasaktan ka lang naman"nakangiting sabi niya sa akin.

Tumawa si kuya. "Alam mo naman kung sino si Paulo doon"

"Pareparehas lang ang mga lalaki, Khallie"tumingin ako kay Paulo dahil sa sinabi niya sa akin.

"Pareparehas lang namin gustong magmahal at mahalin"dugtong pa niya.

"Paano kung hindi ka na mahal?"tanong ni kuya Twixx. Umiwas si Paulo ng tingin sa akin dahil alam na iyong tanong na iyon ay tungkol sa akin at sa kanya.

"Nakakatakot isipin na pwede kang sabihan ng isang tao na mahal ka niya habang meron na palang iba"sagot ni Paulo.

Binalik ko na ang tingin ko sa pagkain at hindi na pinansin ang mga sinasabi nila. Ayoko naman na magreact dahil baka akala ni Paulo ay affected pa rin ako sa nangyari noon.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit kung kailan masaya na ako ay saka niya sasabihin na mahal niya ako. Minahal niya ba talaga si Rina kung ako ang pinipili niya? Ang gulo, pero ayoko na lang isipin dahil ayokong saktan si Ady.

Pagkatapos namin kumain ay tumambay ako dito sa may terrace kung saan malakas ang hangin at rinig mo ang tunog ng paghampas ng malakas alon papunta sa pampang.

May hawak akong baso ng softdrinks habang nakatulala ako sa kawalan at walang iniisip. Nakakamiss lang talaga ang buhay na tahimik, 'yong mga panahon na hindi pa komplikado ang lahat. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdam sa mga oras na ito lalo na noong tabihan ako ni Paulo.

"I'm sorry"he said.

"Huh?"

"Sorry for breaking your heart"he replied.

I smiled. Hindi pa rin pala nawawala iyong Paulo na nakilala ko "Should I apologize for rejecting you?"

"No, deserve ko naman"nabalot ng katahimikan ang paligid.

"I'm still your best friend, right? Kahit may Ady ka na?"tumingin ako sa kanya at ngumiti.

He hugged me tight. "Thank you for being my friend"

"Paulo!"sumigaw si kuya mula sa loob tapos paglingon namin ay nakataas 'yong middle finger niya.

"Back the fuck off!"dugtong pa niya tapos inakabayan pa ako ni Paulo at inasar si kuya.

I laughed.

"Kapag may boyfriend na ang isang tao, lumayo na!"sigaw naman ni kuya Charles.

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon