Kabanata 9

411 31 45
                                        

“Guys makikihati ng court ang basketball team”sumigaw ‘yong coach nila kuya.

Dapat na ba ako umalis? Nanonood kasi ako ng training nila kuya kasi tapos na ang klase ko ngayong araw.

“Pero coach!”reklamo ni kuya Charles, parang away niya

“May reklamo ka Charles?”umiling si kuya Charles.

“In five minutes magstreching na kayo”

“Badtrip naman”

“May reklamo ka Charles? Ikaw nagpagawa ng court na ‘to? Ikaw nagdonate sa school?”asar ni kuya kay kuya Charles habang ginagaya niya kung paano magsalita ‘yung coach nila.

Napaka-lakas talaga mang asar ni kuya, walang sinasanto.

“Gusto yata makatikim ulit eh”natatawang sabi ni kuya habang pinaglalaruan niya sa kamay niya ‘yong bola ng Volleyball.

“Badtrip talaga mga varsity ng basketball. Kung maglakad sa hallway parang mabagal na penguin”natawa ako sa sinabi ni kuya Charles.

Hindi nagtagal ay isa-isa nang nagdatingan ‘yung mga varsity ng basketball na katulad nila kuya ay mga matatangkad din. Naka-suot sila ng white socks at sandals na Nike.

Hawak nila iyong rubbers shoes nila at parang palaging ang daming laman ng bag nila, ano kayang laman ng mga bag nila at para silang aakyat ng bundok at maglalayas?

“Nakikita mo ‘yong mga bag nila, Khallie?”tanong sa akin ni kuya.

Tumango ako. “Ano ba ang laman ng mga bag nila at palaging puno?”

“Bottled water, basurero ‘yang mga yan after training”sabi ni kuya Twixx tapos binatukan siya ni Kuya.

“Inunahan mo ako sa joke ko”sabi ni kuya habang nagtatawanan kaming apat.

“Kuya, kukunin ko lang ‘yong gamit ko sa locker tapos babalik ako dito”paalam ko kay kuya kasi hihintayin ko siya matapos ‘yong training niya kasi sabay kaming uuwi. Hindi naman daw kasi sila aabutin ng gabi.

“Gusto mo samahan kita?”tanong niya sa akin tapos umiling ako.

“I can handle myself”I smiled.

Lumabas ako ng court at dumiretcho sa classroom namin kung saan nandoon pa naman ang mga kaklase ko at hindi pa sila umuuwi kahit uwian na naman.

Kinuha ko ‘yung bag ko at dumaan muna ako ng locker kasi iiwan ko ‘yong ibang libro na hiniram ko sa library. Sarado na kasi ang library kaya bukas ko na lang sila ibabalik.

Habang naglalakad ako pabalik sa court ay nakita ko si Paulo kaya kinuha ko ‘yung phone ko at magkukunwari akong hindi ko siya nakita. Sana lang hindi niya ako napansin.

“Khallie…”napatigil ako sa paglalakad nang tawagin niya ako.

“Hi,”

“Are we still good?”he asked.

“Of course”I faked a smile. Nagsisinungaling na naman ako.

“Puntahan ko sila kuya, sasama ka?”tanong ko sa kanya tapos tumango siya.

Alam ko naman kasi na magtetraining din siya kasi dala niya ‘yong bag niya na pang training. Kasama niya siguro si Rina kanina kaya ngayon lang siya pumasok.

Tama na nga, Khallie. Sinasaktan mo na naman ang sarili mo.

“Naiwan ko ‘yung tumbler ko sa kotse, kukunin ko lang”tumakbo siya papunta sa kotse niya tapos heto ako hinihintay pa rin siya. Kailan ba kasing hindi, ‘di ba?

Kailan ko ba kasi siya hinayaan na mag-isa?

Kahit naman kasi hindi niya sabihin na antayin ko siya, nagaantay pa rin ako.

“Khallie!”lumingon ako at nakita ko sina Ate Camilla at ate Alyssa.

“Sinong hinihintay mo dito?”tanong nila sa akin.

“Naiwan daw ni Paulo ‘yung tubig niya sa sasakyan”sabi ko sa kanila tapos tumango lang sila.

“Tapos na klase niyo?”pagbalik ni Paulo ay inabutan niya ako ng chocolates.

“Ano yan, Paulo? Suhol?”sobrang sarcastic talaga ni ate Camilla.

“I just want to say sorry for what happened”ngumiti lang ako sa sinabi niya at hinila na ako ni ate Camilla papunta sa court.

Halatang iniiwas ako ng mga kaibigan ko kay Paulo. Mas okay na rin ‘yung ganito kesa naman kahit saan ako lumingon ay nasasaktan ako.

“Hindi yan masarap, pamigay mo yan ha”mahinang sabi ni ate Camilla.

“Bibigyan na lang kita ng mas better dyan”dugtong pa niya.

Sana kapag hindi mo gusto ‘yong binigay na tao sa ‘yo ay pwede mo siyang ipagpalit sa mas better.

“Hindi ko yata nakita si Paulo kahapon”sabi ni ate Camilla.

Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko ba sa kanila ‘yung nangyari kahapon o mananahimik na lang ako kasi ayaw ko na masaktan.

“Magkasama raw sila ni Rina kahapon”hindi ko na napigilan ang sarili ko, sinabi ko na.

“How did you know?!”gulat na tanong sa akin ni ate Alyssa.

“Don’t tell me sinabi sa ‘yo ni Paulo. Susugurin ko siya doon!”sabi naman ni ate Camilla.

“Nakita sila noong teammates nila kuya palabas ng school”

“Alam mo hindi ko alam kung ano’ng nakita ni Paulo dyan sa Rina na yan e”

“She’s so perfect”I said.

Iyon naman kasi ang totoo, bagay silang dalawa.

“Pretty ka rin naman, pero bakit hindi ikaw?”ngumiti lang ako.

“Okay lang naman sa akin ‘yon”nagtakip lang ng mukha ang mga kabigan ko dahil sa sinabi ko sa knaya.

“Hindi okay na palagi kang sinasaktan ni Paulo”

“Alam mo sana isang araw may dumating na lalaki sa buhay mo tapos sana hindi siya katulad ni Paulo.”ako rin naman iyon lang din naman ang gusto ko

“I want to see Paulo begging for your love...”

“Hi, Khallie!”nakangiting bati sa akin ni Ady.

“Ano’ng ginagawa mo dito?”tanong ko sa kanya.

“Training”he grinned.

“Oh my god, Ady!”nagulat ako ng biglang sumigaw si ate Camilla tapos nakita ko na lumilipad na ‘yong bola ng Volleyball at tatama sa ulo ni Ady.

I saw how Paulo hit Ady.

What If It's Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon