IYA
"Ito ang magiging silid mo Ineng. Sabi ni Ma'am Wendy hindi ka raw sanay sa malaking silid kaya dito ka na lang. Napalinis ko na ito. Bago ang lahat ng mga gamit dito,"
Sinundan ko lang si Aling Loleng habang naglalakad s'ya palabas ng mansyon. So nasa labas pala ang maid's quarter? Wala namang kaso iyon, mas okay na rin ang ganitong set-up kesa nakikipag-plastikan ako sa nanay kong magaling. May isa pang bahay sa likod ng mansyon. Hindi iyon kalakihan. Hindi rin magara ang pagkakagawa pero desente. Nagtungo kami sa second floor ng bahay. May terrace ang kwartong inilaan para sa akin. Hindi iyon nakaharap sa mansion ng mga Del Rosario, sa mas malaking mansion ng kapitbahay iyon nakaharap.
Hindi naman maliit ang kwartong inilaan nila sa akin. Tama lang ang laki. May isang built in cabinet sa tabi. Sa tabi ng kama ay may maliit na study table. May maliit na book shelf. May maliit din na ref. Cute at malinis ang banyo. Maayos ang kabuuan ng silid. Hindi daw ito special treatment, so kung ganito din ang silid ng bawat katulong sa bahay na ito, napakibit-balikat na lang ako.
Ano namang pakialam ko.
It's only a house and it will never be my home.
"Kung ano lang ang nandito sa ref, ito lang ang pwede mong kainin. Pagdating ng breakfast, lunch at dinner, ihahatid na lang dito sa quarter ang pagkain mo. Medyo strikto kase si Sir, pero alam naman n'ya na darating ka," ngumiti ang ginang.
Medyo hindi ko na-gets ang sinabi n'ya. Parang ang naisip ko lang dahil sa strikto ang Sir n'ya, hindi dapat ako nagpapakita? Ganun ba iyon? O hindi naman kaya dahil alam n'yang anak ako ng asawa n'ya? Bahala sila. Basta regular nilang binibigay ang allowance ko, walang problema kahit ano pa ang tingin n'ya sa akin.
"Paano Iya, aalis na ako. Hindi mo kailangang magtrabaho dito dahil ang kailangan mong gawin ay magpahinga, magpalusog at kumain ng maayos. Kapag may naging problema ka, sabihin mo sa akin at ako ang bahala ha,"
Tumango lang ako sa tinuran ni Aleng Loleng.
"Sa kabila lang ang kwarto ko kaya kung kailangan mo ng tulong or kung may tanong ka. Katukin mo lang itong pintong 'to," itinuro pa ng ginang ang pintuan na katabi ng kwartong nakalaan para sa akin.
"Salamat po Aleng Loleng. Magpapahinga muna po siguro ako, medyo napagod po ako sa byahe," sabi ko saka ngumiti.
"Ay sige, maiwanan na muna kita ha. May gagawin pa ako sa mansyon eh. Darating kase ang pamangkin ni Sir Michael at kailangang maluto na ang mga paborito n'yang pagkain. Magkaseng-edad nga lang pala kayong dalawa ng batang iyon. Dito na rin s'ya mag-aaral sa City X,"
Ngumiti lang ako sa tinuran ng ginang pero hindi na ako nagkomento. Nagtungo ako sa kama saka ibinaba ang packback na dala-dala ko. Ilang damit lang naman ang dinala ko. Kung mag-aaral na ako dito, puro uniform naman ang isusuot ko kaya aanhin ko ang maraming damit?
Nang isarado na ni Aleng Loleng ang pintuan ay lumapit ako doon saka iyon ini-lock. Nagtungo ako sa maliit na ref. Puro prutas ang laman noon may ilang sandwich na may palamang gulay-gulay. May nakalagay kung hanggang kelan ko lang iyon pwedeng kainin. Talagang mahal na mahal nila ang anak nila ah. Pati ako na magdo-donate lang ng dugo kailangan nilang bantayan ang mga kinakain. Kumuha ako ng sandwich. Inilabas ko rin ang pitsel ng organic juice. May babasaging baso na nakalagay sa loob ng ref. Ano kayang iniisip nila at inilagay pa sa ref ang mga ito? Uubusin ba ang mga pagkaing 'to ng mga kasambahay nila na naririto sa quarter kaya ipinagbukod nila ako ng ref? Pero ang nakakapagtaka, paano naman nila nalaman na darating ako ngayon? O matagal na nilang ihinanda 'to? Matagal na siguro silang naghahanap ng blood donor at nakariserba lang ang silid na ito. O baka naman may nauna ng gumamit ng kwarto na 'to? Nagkibit balikat na lang ako. Bakit ko pa ba iniisip ang mga bagay na sapat naman hindi ko na kino-concern ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Her Gangster Attitude
JugendliteraturBecause her grandmother is in dire condition, Maria Delaila Magtanggol gave up her young pride and accepted her mother's request to be a blood donor. Now, entering the world so new with a lot of trouble and problems coming her way... will she come o...