THIRD PERSON
Mula sa sulok ng kanyang mga mata ay kitang-kita ni Iker kung paano matulala si Iya. She's always been so noisy and she loved to fight words with him, pero bigla na lang itong natameme na para bang hindi inaasahan ang paraan ng pakikiusap na ginagawa n'ya ngayon. Today is nothing so special for Iker. Pero kahit s'ya ay hindi na maintindihan ang sarili kung bakit sa tuwing ang babaeng ito na ang pinag-uusapan, nag-iiba ang mood n'ya at wala s'yang ibang gustong gawin kundi ang ibigay lahat sumaya lang ito.
Batid n'ya kung gaano nito pinaghihirapang gawin lahat ng makakaya just to support herself in this noisy and different environment. To support her family na naiwanan n'ya sa probinsya kinakaya nitong gawin lahat. Kahit na ang ibig sabihin pa noon ay pakikitunguhan nito ang taong pinaka-ayaw nitong makita, makausap at hingin ng tulong. Walang choice ang dalaga kundi ang pumayag sa inaalok ng estranged mother nito.
Iker's heart broke the moment he saw her tears roll down her face.
Alam naman n'ya na palagi itong umaaktong matapang at matatag. Lalo na sa harap ng mga taong importante dito. She's always like that. Iyon ang kauna-unahang napansin at hinangaan ni Iker sa dalaga. Ilang beses na nitong pinatunayan sa kanya na iba ito kesa sa lahat. She would always fight. And despite of her struggles she could still smile.
'And that's the reason why I want you to be mine, Iya. It's not just because I owe you and your family my life. The heck with that. I want to make you feel more special, make you feel that you are loved... that you are not alone. That I am here no matter what.'
Pero hindi mailabas-labas ni Iker ang iniisip n'ya dahil alam naman n'yang mas lalo lang mawiwindang ang babaeng kaharap n'ya. He would take it slowly. At kapag hindi na s'ya makatiis, saka na lang n'ya dadaanin sa santong paspasan. Naningkit na naman ang mga mata n'ya dahil sa naisip not knowing na dahil sa ginawa n'ya mas lalo na namang nagwala ang napaka-inosenteng puso ni Iya.
"Anong susunod na ride? Ayaw mo pang bumaba?"
Natigilan na naman si Iya. Napakunot noo ang dalagita saka ilang beses itong kumurap-kurap na para bang pino-process pa kung ano ang sinasabi ng binata. Hindi naman mapigilan ni Iker ang bahagyang pamumula ng tenga.
"Stop doing that, "
"Tsk. Pati ba naman pag-iisip ko pinagbabawal mo. " asar na inirapan ni Iya si Iker. Hirap na hirap na kaya s'yang paganahin ang utak n'yang kanina pa natuturete.
"Hindi ko sinabing tumigil ka sa pag-iisip. " pasupladong sagot nito.
Pinagtaasan s'ya ng kilay ng dalaga. "Eh ano 'yung sinasabi mong 'stop doing that'? "
"Making faces, "
"Wala naman akong ginagawa. Saka anong masama sa pagm-make face? "
"There's nothing wrong with it. Kaya lang, you're too cute while doing that. My heart can't take it. "
Pakiramdam ni Iya, hindi lang mukha n'ya ang namula. Parang pati yata buhok n'ya hanggang kalyo n'ya sa talampakan ay nag-blush ng sobra. Isama na rin lahat ng mga lamang loob n'ya. Hanep ding bumirada itong kasama n'ya eh, mula esophagus pababa sa large intestine, small intestine at apdo n'ya rin yata nag-blush ng bonggang-bongga.
"Times up," anang binata ng huminto na ang ferris wheel sa pag-ikot." Let's go, " Iker said suppressing his smile. Ngayon n'ya lang na-realize na ang sarap pa lang tingnan ng dalaga kapag ganitong nagb-blush at hindi malaman ang gagawin.
Hinawakan n'ya ito sa kamay saka hinila palabas sa cabin ng Ferris Wheel.
"Ahh---tek---"
Hindi naituloy ni Iya ang sasabihin dahil sumubsob sa likuran ni Iker ang buong mukha n'ya. "Aray, "
BINABASA MO ANG
Her Gangster Attitude
Teen FictionBecause her grandmother is in dire condition, Maria Delaila Magtanggol gave up her young pride and accepted her mother's request to be a blood donor. Now, entering the world so new with a lot of trouble and problems coming her way... will she come o...