Chapter 56: Different Version of Her

67 6 0
                                    

IYA

Pinagmasdan ko ang loob ng silid na pinagdalhan sa akin. Mas malaki pa ang hospital room ko kesa dito. Mas mas malaki rin ang refrigerator na nasa loob ng hospital room ko. Nakakunot ang noo na lumapit ako sa ref saka iyon binuksan.

Wala man lang prutas. Puro mabeberdeng gulay lang ang nakikita ko. Sandwich na may lettuce. Lettuce. Lettuce. Steamed spinach. Ampalaya with egg. Monggo with ampalaya leaves.

Teka nga, kailan pa nadala dito ang mga damong 'to? Mukha ba akong kambing o baka sa paningin nila. Inis na isinarado ko ng malakas ang ref. Pakialam ko naman kung masira, wala namang kwenta ang laman!

Nakahalukipkip na tumingin ako sa labas. Alas singko na ng hapon ng ihatid ako ni Ivan sa gate ng mga del Rosario. Tiningnan ko ang relong suot ko. Alas siete na ng gabi. Hindi pa naman ako inaantok. Saka hindi rin naman ako nagugutom dahil marami akong kinain sa ospital kanina. Mas mabuti siguro kung kalkalin ko na muna ang mga gamit ko dito.

Sinimulan kong halungkatin ang mga notebook ko. Binasa ko lahat ng mga pwede kong basahin. Ang closet, lahat ng mga damit hinalughog ko. Ang banyo, lahat ng mga sabon at shampoo inamoy ko. Ewan ko ba. Parang syunga lang. Nakita ko kase sa tv doon sa ospital na inaamoy nung magagandang babae ang mga sabon at shampoo nila sa loob ng banyo eh. Buti na lang okay naman ang mga amoy nitong mga ginagamit ko.

Hinalughog ko ang buong kwarto. Pati ilalim ng kutson. Nakita ko rin kase sa tv na pwedeng pagtaguan ang ilalim ng kutson ng mga kung anu-ano. Marami nga akong nakita doon. ATM card, isang manipis na notebook. Isang set ng gel ballpen. At isang litrato. Sa larawan ay may matandang babae at lalaki.May kasama silang batang babae at may buhat-buhat silang sanggol.

Wala sa loob na hinaplos ko ang larawan. A warmed feeling suddenly embrace me. Habang nakatitig ako sa mukha ng matanda, hindi ko alam kung bakit pero biglang-bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot. Parang miss na miss ko s'ya. At habang nakatitig ako sa malawak n'yang ngiti na halos magpasingkit sa nga mata n'ya... hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang nag-alpasan ang masaganang luha mula sa mga mata ko.

'Sino ang matandang 'to? Bakit pakiramdam ko napaka-importante n'ya sa akin?'

Kinuha ko ang atm, notebook at picture saka iyon inilagay sa bag na nakita ko. Muli kong tiningnan ang relo. Mag-aalas dose na ng gabi. Ang tagal ko pa lang naghalungkat. Kumakalam na rin ang sikmura ko. Tsk. Nakakainis naman. Bakit kase puro weeds ang laman ng ref?!

Ivan! Ginugutom nila ako dito! I cry without tears upon remembering his handsome face.

Wait...

Dali-dali akong lumabas sa balkonahe ng kwarto ko at totoo nga ang sinabi ni boyfriend! May malaking sanga nga ng puno na nag-uugnay sa balkonahe ng kwarto ko patungo sa isa sa mga bintana ng kabilang mansyon.

Dala-dala ang backpack ay dali-dali akong sumampa sa pasamano ng balkonahe saka walang kahirap-hirap na naglambitin sa matabang sanga ng puno. Smooth lang ang paglalakad ko. Parang naglalakad lang sa ilalim ng buwan. Nang marating ko ang bintana kung saan malapit ang sanga ay walang paa-paalam na binuksan ko iyon at tila pusang tumalon papasok sa loob ng kwarto.

Madilim sa loob. Tahimik.

Ipinikit at iminulat ko ang mga mata ko na para bang sa paarang iyon ay masasanay ang paningin ko sa dilim. Walang kaingay-ingay ang ginawa kong pag-landing kaya siguro hindi nagising si Ivan. Iyon ay kung natutulog na s'ya.

Wait, tulog na ba s'ya?

Nang medyo masanay ang mga mata ko sa dilim ay may nakita akong anino. May mahabang buhok!

Babae?

Pero bakit parang may hinahanap s'ya? Nanakawan n'ya ba si Ivan? O baka naman gustong pagsamantalahan ng babaeng 'to ang boyfriend ko? Aba, hindi n'ya yata alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'off limits' ah. Hindi n'ya ba alam na AKO ang girlfriend?

Her Gangster Attitude Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon